Sheena Halili will not compromise her faith just to get bigger roles

Pinaninindigan ni Sheena Halili na hindi big break para sa kanya ang gumanap ng daring daring roles. Aniya: “May mga naging offer na rin naman sa akin na daring. And, palagi kong sinasabi na hindi naman siguro gusto ni God na makompromiso ako para masabi kong break ko yun.”


Sadyang mas batang tingnan si Sheena Halili kumpara sa kanyang tunay na edad na 26.

Pero sa bagong early primetime series ng GMA-7 na Binoy Henyo, gaganap siyang ina ng bagong child actor na si David Remo, 6 years old.

Sa press conference ng Binoy Henyo noong Lunes, July 15, sa GMA Network, biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena na papasa pa rin silang magkapatid ni David.

Saad naman ng aktres, “Petite kasi ako, pero si LJ Reyes, di ba, nakita naman natin siyang maging nanay [sa Aso Ni San Roque]?

“Pero challenge talaga sa akin na magmukha akong nanay.

“Kaya bawal akong mag-ayos, naka-clamps lang ako palagi, nakatali, magulo ang buhok.

“Yung mga suot ko, bawal akong mag-fit, lumalabas ang korte kaya kailangan loose lang.

“At yung mga tela na pang-araw-araw lang.”



AS IS. Sa pisikal na aspeto ang mga binanggit ni Sheena. Paano sa pag-arte niya bilang nanay, may "extra effort” din ba siya?

Tugon niya, “Sa acting, wala naman akong… yung puso lang, nandoon.

“Kumbaga, inaano ko lang na, ‘Nanay talaga ako at anak ko talaga si David.’

“Kumbaga, kung magiging nanay man ako ngayon, wala naman akong dapat baguhin sa ugali at sa pagkilos ko.

“Basta ang kailangan lang talaga, yung love, e, makita and yung papaano mo gagawin sa lahat para sa anak mo.”



TYPECAST. Hindi raw nakaramdaman ng anumang takot si Sheena na ma-typecast na siya sa mga ganitong klaseng roles.

Sabi niya, “Well, ang mga roles ko naman, nabansagan akong ’best friend ng bayan.’

“Tulad nina Marian Rivera, Carla Abellana... yung mga nilu-launch palagi ng GMA, di ba?

“Pero si David naman, ilu-launch na child star natin.

“Alam ko naman na after na naging best friend ako, hindi naman ako nag-stick as a best friend.

“Nagkontrabida ako kay Ate Reg [Regine Velasquez] sa Kim Sam Soon, naging kapatid ako ni Senator Bong Revilla sa Indio...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, doon lang nasanay ang tao sa akin at doon lang ako nag-start.

"Pero ngayon, ibang role naman ito at nanay naman ako.

“Feeling ko naman, hindi naman ako mai-stuck dito o maa-identify na nanay.

“Pero siyempre, kung magustuhan naman ng mga bossing kung paano ako maging nanay, why not?

“Pero siguro, yung kapani-paniwala naman na anak ko yung anak ko. Baka naman kasing laki ko, di ba?

“Kaya yung sabi ko, sana yung magiging anak ko, yung okay naman ang height para kapani-paniwala na nanay ako.”



DARING ROLES. Kapansin-pansin na mature na ang mga karakter na ibinibigay kay Sheena ngayon, at hindi na pa-cute at pa-tweetums na lang.

Paano kung ibang klase ng pagiging mature naman ang ibigay na sa kanya, tulad ng physically-daring roles? Nakahanda na ba siya rito?

Tugon niya, “Daring? May mga naging offer na rin naman sa akin na daring.

“And, palagi kong sinasabi na hindi naman siguro gusto ni God na makompromiso ako para masabi kong break ko yun.

“Meron namang mga tulad ng Amaya, topless naman kami doon. Pero, very wholesome ang story, puwede yun.

“Pero ayokong magsalita nang patapos, pero ang pinagpi-pray ko talaga kay God, sana wholesome at may matutunan yung mga viewers.

“Kasi kaming mga artista, yun naman kami.

“Ito ang trabaho naming mga artista—magpasaya, mag-inspire ng tao, at maging role model.

“Yun naman ang sa akin, yun ang paniniwala ko.”



CHRISTIAN FAITH. Sa mundo ng showbiz, tila mas nabibigyan ng maraming pagkakataon yung mga artistang “go-getter” o yung walang anumang limistasyon.

Hindi ba siya nahihirapan ibalanse ang paniniwala niya at ang mga oportunidad na puwedeng dumating sa kanya bilang aktres?

“Mahirap, mahirap,” pag-amin ni Sheena.

“Pero God will provide naman, hindi ka naman mawawalan basta magta-trust ka lang sa Kanya.

“May times na nahihirapan ako dahil siyempre, showbiz, itong faith ko, itong religion, mahirap talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nasa conviction mo naman yun—kung papaano ka kay God.

"Yun naman ang importante—kung hanggang saan ka, kung saan ang kaya mo.

“And, alam ko, maiintindihan naman ni God, at iniintindi ko rin kung ano ang gusto at ayaw sa akin ni God.”

Paano kung dumating ang sitwasyon na sabihan siya na hindi siya mabibigyan ng malalaking proyekto pa dahil may limitasyon siya?

Sabi naman ni Sheena, “Tinanggap ko na rin naman yun for ten years na hanggang doon ako.

“Pero God, si God ang gumawa ng way para magkaroon ako ng role.

“Sino ba ang mag-iisip na gagawa sila ng ganito at ako ang magiging nanay para maging big break ko?

“Eto, eto na siya. So, alam mo yun?"

Kaya nang dumating sa mga palad niya ang Binoy Henyo, alam na raw niya na galing sa Diyos ang proyektong ito.

“Alam kong galing siya kay God kasi, ano, e, may heart at may maituturo, may maise-share ako sa mga tao.

“Yung prinsipyo ng anak ko, yun ang itinuturo ko. Kasi yung edad niya, diyan ka magtatanim sa anak mo ng values and prinsipyo rin.”



SEXY PICTORIALS. Masasabi ba ni Sheena na “never ever” talaga siyang magpo-pose sa isang men’s magazine, na ginagawa na ngayon ng karamihan sa artistang babae?

Sabi niya, “I cannot say never ever, kasi marami rin ang nagsabi ng never.

“Siguro, maganda na lang na alam ko sa sarili ko ngayon na hindi ko kaya.

“At feeling ko, hindi ko kailangang gawin yun para makuha ko ang fame na gusto ko or goal ko.

“I know, may way si God. Siguro, mas matagal lang or mas mahirap lang ang pagdadaanan ko.

“Pero I’m sure, kapag narating ko yun, sobrang masaya at mas masarap.”



CO-STAR LUIS ALLANDY. Sa Binoy Henyo ay si Luis Alandy ang kapareha ni Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang beses pa lang nilang magkatrabaho, pero positibo kay Sheena ang pagtatambal nila.

“First time ko siyang makatrabaho, pero nag-screen test naman kaming dalawa at naramdaman ko sa kanya na, okay ko siyang makaeksena.

“May times na kailangang patawanin niya ako, napapatawa niya talaga ako.

“Hindi siya arte na natatawa ka kung hindi napapatawa ka niya talaga, nakaka-konek siya sa iyo.

“At feeling ko, harmless si Luis, at nararamdaman ko na may respect siya, alam niya kung hanggang saan lang,” saad ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN