Sheena Halili on “breakup” with Rocco Nacino: “Hindi naman namin sinabi na naging kami, di ba? So, bakit kami maghihiwalay?”

Ayon kay Sheena Halili, hindi pa siya handang makipagrelasyon muli. Paliwanag niya, “Ayokong sayangin ang oras ko at ayokong mag-invest sa bagay na alam mo naman na pansamantala lang or ngayon lang.”


Hindi lingid sa karamihan ang namagitan kina Sheena Halili at ng kapwa niya Kapuso star na si Rocco Nacino.

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sheena, tinanong namin kung ang isa ba sa rason kung bakit siya nakipaghiwalay kay Rocco ay dahil nakikita niyang hindi pangmatagalan ang kanilang relasyon.

“Hindi,” tanggi niya.

“Si Rocco is a good man, mapagmahal sa pamilya and... he’s a good man.

“Pero siguro, hindi ko rin alam, e, actually hindi ko rin alam kung ano ang mga nangyari talaga.

“But then, hindi nag-work. So, that’s it.”

Nasaktan ba siya nang maghiwalay sila?

Sagot ni Sheena, “Hindi naman namin sinabi na naging kami, di ba? So, bakit kami maghihiwalay?

“Ako, mag-i-stick talaga ako doon dahil yun ang iniwan namin.

“Kung siya, kung ano pa ang gusto niyang sabihin, okay, irerespeto ko yun.”

Pero nasaktan din siya kung anuman ang nangyari?

“Nasaktan? Nakalimutan ko na, e,” nangingiti niyang sabi.

Pero dagdag ni Sheena, “Hindi, sa totoo lang, nakalimutan ko na ang nangyari.

“Kung bakit at, alam mo yun, kung ano ang mga napagdaanan o nangyari.

“At saka, ano ba? Binibigyan ko ng time ang sarili ko at saka, sa totoo lang, hindi ko na talaga matandaan.

“Ewan ko, siguro yun ang ibinigay sa akin ni Lord na peace sa heart ko.”

Isang beses pa lang daw silang nagkita ni Rocco pagkatapos nilang "mag-break. Civil naman daw sila sa isa’t isa.

“Basta ako, okay ako,” sabi niya.



NEW SUITORS. Pagkatapos ng relasyon nila ni Rocco, wala pa rin bang bagong nauugnay sa puso niya?

Sabi ni Sheena, “May mga nagpaparamdam, kinikilig ako minsan, pero I’m not yet ready for a relationship... to commit.

“Kasi, ako naman, alam n’yo naman na hindi naman ako nali-link kung kani-kanino at hindi naman ako basta-basta nakikipag-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang akin lang, kung gusto ko lang talagang makipag-relation at papasok ako sa relationship, sana talaga, I mean, wait upon the Lord, maghihintay talaga ako.

“Ayokong sayangin ang oras ko at ayokong mag-invest sa bagay na alam mo naman na pansamantala lang or ngayon lang.”

Sa nabanggit niyang may mga nagpaparamdam, showbiz ba ang mga ito?

“Non-showbiz, e,” sabi niya.

Mga kasamahan niya rin sa Victory Christian Fellowship?

“Meron sa church, pero yun nga, kapag nagpi-fish sila sa akin, kung may pag-asa ba o ano, of course, sinasabi ko na gusto ko munang mag-focus kay God at gusto kong maging kaibigan muna.

“Meron din namang hindi taga-church, so yun nga ang inaano ko—sana Christian din.

“Yun din ang pinagpi-pray ko kay God, so malay din natin.”



MARIAN RIVERA. Naalala naming itanong kay Sheena ang “friendship” nila ng co-star niya noon sa Marimar at Amaya na si Marian Rivera.

May isyu kasing tila nagkagalit o nagkaroon sila ng tampuhan.

Balik-tanong naman ni Sheena, “Meron ba?

"Hindi ko alam yun. Hindi ko nabasa yun.

“Okay naman, palagi nga niyang nila-like ang mga picture ko sa Instagram. Ako rin, ganun.

“Tapos, sasabihin niya, ‘Miss you, Ahak.’ Ahak kasi ang tawag niya sa akin, Yan-Yan naman ang tawag ko sa kanya.

“Okay naman, kinakamusta niya ako, tinatawagan niya ko.

“Matagal na rin yung last na nagkausap kami, kinakamusta niya ako, sabi ko, ‘Okay naman.’”

Dugtong pa ni Sheena, “Paano kami magkakaroon ng something o tampuhan, e, hindi nga kami nagkikita o nagkakausap masyado?

“Nagkaka-textan naman kami, at saka, yun nga, kapag may hihingin akong advice sa kanya bilang si YanYan, e…

“Pagdating sa buhay, napakagaling niyan, sa kanya ako nagtatanong.

“Pero ngayon, sa Instagram na lang kami nagkakausap, sina Ana [Feleo].”

Kasama ba siya sa grupo nina Marian, Ana, at Roxee B (dating Roxanne Barcelo)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, hindi naman, kasi ako, kasama sa group na lumalabas sila.

“Minsan, ini-invite ako ni YanYan, ni Roxanne, ‘Labas naman tayo, bakla.’

“Pero kasi, kapag wala akong work, madalas nasa Pampanga ako.

“At doon yung regular na punta ko—sa mga non-showbiz friends and family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN