Manny Pacquiao: "Hindi pa ako laos..."

Sinagot na ni Manny Pacquiao ang patutsada sa kanya ni Floyd Mayweather Jr. na isa na siyang "has-been." Buwelta ni Manny, "E, puro salita lang siya, ’no? Bakit puro na lang siya salita, ayaw niyang sabihin na ‘let’s fight’?”


Sinagot na ni Sarangani Representative Manny Pacquiao ang patutsada sa kanya ng controversial American boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Ilang lingo na ang nakararaan ay tinawag ni Mayweather si Pacquiao na "has-been" o laos.

“Pacquiao’s a has-been. His career is over,” sagot ni Mayweather nang may isang fan na sumigaw na "Fight Pacquiao!" sa media tour nito sa San Antonio, Texas para sa laban niya kay Saul “Canelo’ Alvarez.

Sa panayam naman kay Manny ng Dateline Philippines ng ANC ngayong araw, July 18, na nailathala din sa ABS-CBN News online, sinabi ng Pambansang Kamao, “Sa atin, nayayabangan tayo.

"E, puro salita lang siya, ’no? Bakit puro na lang siya salita, ayaw niyang sabihin na ‘let’s fight’?”

Dagdag ni Manny, hindi pa siya laos at patutunayan daw niya ito sa laban nila ng Mexican boxer na si Brandon Rios sa Nobyembre.

Ipinagdiinan din ni Manny na hindi siya nabugbog nang husto sa kanyang huling laban kay Juan Manuel Marquez, at ang kanyang pagkatalo raw ay dulot lang ng tinatawag na "lucky punch."

Aniya, "Hindi pa ako laos, kaya ko pang magpanalo ng mga laban.

"Ang pagkatalo ko ay natiyambahan lang tayo.

"Hindi naman yung binugbog tayo... na-lucky punch lang tayo, which is part of the game.”

Nakatakdang simulan ni Manny ang kanilang promotional tour para sa laban nila ni Rios sa July 26 sa Macau.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN