Aiza Seguerra open to doing lesbian version of My Husband’s Lover: “I’ll welcome it. I’ll be very, very happy.”

“I’m very, very happy. Kasi finally, more people are recognizing na love is equal, and should be equal. That love is genderless,” opinyon ni Aiza Seguerra (kanan) nang tanungin tungkol sa pagkakapasa ng Marriage (Same-Sex Couples) Act 2013 sa U.K. na nagpapa-legal sa same-sex marriage. Magkakaroon ng concert sina Aiza at Charice (kaliwa) sa Setyembre 28 sa Smart-Araneta Coliseum na may titulong The Power of Two.


Magkakasama sa isang concert sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco.


The Power of Two ang titulo ng concert nila na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum sa September 28.

Dahil parehong may star power, tinanong sina Aiza at Charice kung sino ang mauuna sa billing.

Naunang sumagot si Aiza ng, “Ako, kahit ano…”

Sagot naman ni Charice, “Wala naman kailangang mauna… Wala rin namang kailangang mahuli.”

“Parehong huli, puwede!” birong sabat ni Aiza na ikinatawa naman ng mga naimbitahang reporters sa photo shoot session ng dalawa sa Makati studio ni Raymond Isaac kanina, July 18.

Aniya pa, “For me it doesn’t matter. Ever since I started naman, wala akong pakialam sa billing.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Be Careful With My Heart star kung ano ang masasabi niya sa pagiging “Hottest Lesbian in the World” tag ngayon sa kasama niya sa concert na si Charice.

(Read: Charice named "Hottest Lesbian in the World")

Bahagyang nadiyahe si Charice dahil sa tanong.

“Wala namang ganyanan!” bulalas nito.

“Naaaks!” biro ni Aiza sa katabing international singing sensation.

“No, I’m happy, I’m happy that si Charice is finding her own na, in terms of who she is.

“And the people, and yung acceptance and support ng tao sa kanya. I’m very happy that they’re very supportive of her.”

LGBT RIGHTS. Tinanong pareho sina Charice at Aiza kung ano ang masasabi nila sa nangyayari ngayong pagkilala na sa karapatan ng mga LGBT o Lesbians, Gays, Bisexual, and Transgender people sa ibang bansa, tulad ng U.K. at ilang estado sa U.S.

Sagot ni Charice: “Very happy, very happy. I mean nung una nga, yung sa California, parang, ‘Wow!’

“Siyempre, ilang years din akong nag-stay do’n, and parang, di ba, sa ibang state sa U.S., parang ang dami nang nag-allow, ganyan-ganyan. California na lang talaga ang hinihintay, then finally…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To know na U.K. naman, masaya ako na siyempre, dahil unti-unti na, di ba? Na natatanggap na ng mga tao.

"Kumbaga, unti-unti na nilang natatanggap na, it’s a normal thing, we’re all equal. Parang…

“Ayun, masaya… Let’s drink to that!” bulalas muli at muwestra pa ni Charice na animo nakikipag-toast ng alak.

Nang tanungin si Charice kung may balak na ba sila ng girlfriend niyang si Alyssa Quijano na magpakasal dahil dito, sinabi ng minsang tinaguriang “the most talented girl in the world” na huwag munang pag-usapan ang tungkol doon at tungkol na muna sa concert nila ni Aiza ang pag-usapan.

“Darating tayo diyan. Pero siyempre… huwag muna ngayon. Beinte-uno pa lang ako…” biro pa ni Charice.

Si Aiza naman, nagbiro rin na bata pa rin daw siya para magpakasal, pero seryoso naman sa kanyang opinyon tungkol sa nangyaring pagpasa ng Marriage (Same Sex Couples) Act 2013 sa U.K. ngayong araw na ito.

“I’m very, very happy. Kasi finally, more people are recognizing na love is equal, and should be equal. That love is genderless.

“I’m happy na mas maraming tao ngayon ang nagre-recognize na, ‘Ay, iba pala ang Church at State.’

“Kumbaba, happy ako na may mga nagsusulong ng batas na iyon. Happy ako dahil may mga nakakaintindi, at happy ako na kahit na may mga tao na hindi tinatanggap iyon dahil para sa kanila ay mali, na nirerespeto pa rin nila kung ano ang sinasabi ng law.

“That we all deserve to be happy, we all deserve to love the person that we love, and we all deserve to marry the person that we love.

“So, kumbaga, it’s a right not only given to girls, or women and men, but to everyone, in spite and despite of their gender preferences.

"So, I’m happy that na mas nagkakaroon na ng bukas na pag-iisip ang mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MY HUSBAND’S LOVER LESBIAN VERSION. Tinanong ang dalawa kung payag ba silang lumabas sa isang show na tungkol din sa same-sex relationship, katulad ng My Husband’s Lover ng GMA-7.

Napatawa lang si Charice, habang si Aiza naman ang sumagot agad.

“Ako, sa totoo lang, kasi right now, I’m part of a show, di ba? And I’m happy dun sa sitwasyon namin sa show na iyon.

“Kasi ang role ko is a lesbian mom,” tukoy ni Aiza sa role niyang Kute sa Be Careful With My Heart.

“I’m happy kasi for the first time in many, many years na ngayon lang yata nagkaroon ng lesbian mom. At nakikita nila na, ‘Uy, hindi naman pala iba.’

“Mukha man siyang lalaki, pero pagmamahal—pagmamahal. Hindi nagkakaiba. Parang gano’n.

“So, mas nagkakaro’n ng wider acceptance. And I’m very happy that kahit papa’no, isa ako sa mga parang instrumento.

“So, siguro if there’ll be a show tungkol sa lesbians or anything, siguro I’ll welcome it.

"I’ll be very, very happy.”

(WATCH: Aiza Seguerra on former Be Careful With My Heart partner Tom Rodriguez: "I miss him.")


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN