Mike Tan on auditioning for Tom Rodriguez’s role in My Husband’s Lover: "Ibig sabihin, hindi para sa akin."

Isang challenge sana ang role na gay husband sa My Husband’s Lover kung nakapasa si Mike Tan sa audition para sa role. Pero aniya, “E, ganoon naman talaga, hindi tayo natanggap, so hindi talaga para sa akin. Kasi kung para sa akin yun, ako yung napapanood ninyo doon sa show, pero hindi pinalad kaya naman okay lang.”


Isa si Mike Tan sa nag-audition para sa papel na Vincent sa hit primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

Napunta ang role kay Tom Rodriguez, na umaani ngayon ng papuri dahil sa mahusay na pagganap niya bilang baklang asawa ni Carla Abellana at may relasyon siya best friend niyang si Dennis Trillo.

Ayon kay Mike, makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 18, sa GMA Artist Center, hindi siya nanghihinayang na kay Tom napunta ang role.

Saad niya, “Hindi, hindi naman ako nanghihinayang kasi, una sa lahat, kung si Tom man yung natanggap doon, para sa kanya talaga yun.

“Ibig sabihin, hindi para sa akin.

"Kaya nga may audition kasi pumipili sila ng mas babagay na artista para sa character na gagampanan.

“Ibig sabihin, may nakita sila kay Tom na parang magpi-fit talaga sa kanya.

“E, ganoon naman talaga, hindi tayo natanggap, so hindi talaga para sa akin.

“Kasi kung para sa akin yun, ako yung napapanood ninyo doon sa show, pero hindi pinalad kaya naman okay lang.”



BIG CHALLENGE. Pero gusto ba niya sanang mapasama sa My Husband’s Lover, lalo na’t click ito sa mga manonood?

Sagot ni Mike, “Oo, kaya nga ako nag-audition.

“Kasi, yung role doon, iba talaga, hindi ko makita si Mike Tan.

"Ibang-iba talaga, very chalenging yung role.

“Kung gagawin ko yung role na yun, kung saka-sakaling ako yung nakuha, isang panibagong pag-arte yun, challenge talaga yun para sa akin.

“Kaya lang, katulad ng sinabi ko, si Tom yung nandoon.

"Para kay Tom yun at hindi kay Mike.”

Kung mabigyan siya ng ibang project na ganoon ang character na gagampanan, okay pa rin ba sa kanya na tanggapin ito?

“Oo naman!" bulalas ng StarStruck alumnus.

"Kung kasing ganda ng My Husband’s Lover yung script at ganoon kasing galing noong director, bakit hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman tayong open sa mga bagong proyektong ibibigay sa iyo, yung mga proyektong ngayon mo lang gagawin.

“Iba kasi ang challenge pag ganoon, pag bagong role ang ibibigay sa iyo.

"At para sa akin, bago yun.

“Tsaka hindi na tayo bumabata, so kailangan na ring mag-experiment ng mga proyektong ibibigay sa iyo as long as kaya mong gawin."

Twenty-six years old na ngayon si Mike.



VERSATILE. Kaya na ba niyang gawin kahit daring ang roles na ibibigay sa kanya?

Sabi ni Mike, “Sa akin kasi, bilang artista, kailangan talagang pagdaanan mo ang iba’t ibang roles na ibibigay sa iyo.

“Basta siguro kaya ko, basta sa tingin ko hindi ako masisira yun gagawin ko, hangga’t kaya ko katulad ng sinabi ko.

“Siyempre, may mga limitasyon pa rin naman tayo.

"Hindi naman porke’t sinabing aktor ka, kailangan gawin mo lahat, e.

“Kung yun lang ang kaya mong ipakita o i-portray para sa mga tao, yun lang.”

Hanggang saan ang puwedeng gawin ni Mike para sa isang proyekto?

“Alam mo, hanggang ngayon, hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko.

“Pero kapag ni-require ng script at sa tingin ko maganda, sa tingin ko kailangan talaga sa script at maaalagaan naman tayo ng director, bakit hindi?”

Mula sa pagiging bida ay balik-supporting roles na naman ngayon si Mike. Hindi ba siya nasasaktan?

Sagot niya, “Sa akin naman, lagi kong sinasabi sa sarili ko na inaalagaan ako ng GMA.

"Kung ano yung ibibigay nila sa aking proyekto, yun ang gagawin ko.

“Kung anong ibibigay nila sa aking trabaho, yun yung gagawin natin.”

Okay lang sa kanya na magbida ngayon, tapos sa susunod ay support naman o kontrabida?

“Kontrabida, welcome sa akin yun, para siyempre ipapakita natin yung versatility natin bilang actor.

“Supportm siyempre, nandyan pa rin yun, hindi naman nawawala yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko rin naman kasing sabihin sa akin na leading man ka, leading man ka na lang.

“Ang mangyayari doon, ang alam ko, leading man na ako, di ba?

“Pero nabigyan ako ng support role, malulungkot ako, kasi naka-set na yung mind ko sa ganoon—hindi ko matatanggap yun.

“Pero kung ang iniisip ko artista ako, kaya kong gawin lahat ng charcter na ibibigay sa akin, yung mga roles na ibibigay sa akin, mas madali yun.

“Kumbaga, yun kasi talaga yung gusto ko.

“Ang target ko kasi, mag-grow yung pagiging artista ko, hindi yung ma- stuck na lang ako sa ginagawa ko.

“Mas maganda yung may iba ka ring ginagawa bukod sa ginagawa mo ngayon, para iba-iba.”

Bakit hindi nagdire-diretso ang pagiging leading man niya?

Ayon kay Mike, “Hindi ko alam, kasi desisyon ‘yan ng GMA-7, wala na sa akin yung desisyon.

“Wala akong karapatan para magsalita o magdesisyon pagdating doon.

“Kumbaga, kung ano man yung naiisip ko, sa tingin ko akin na yun.

“Under GMA ako, e, so kung ano ang gusto nila, doon ako.”



SERIAL KILLER ROLE. Kung pagbibigyan siya ng GMA-7 ng bagong proyekto pagkatapos ng Basang Sisiw, ano ang gusto niya?

Sabi ni Mike, “Madami akong gustong gawin, sa totoo lang.

“Minsan, hindi pang-TV ang gusto kong gawin, gusto ko parang nasa edge lagi yung charcter mo. Hindi lang basta mabait.

"Para sa akin, lagi kong sinasabi na gusto kong maging serial killer.

“Parang out-of-this-world na role, para makita yung versatility ko bilang actor.”

Ano yung sinasabi niyang "out-of-this-world role" na gustong gampanan?

“For example, ang hirap na kasi pag nanonood ka ng mga Hollywood film, kaya nila.

“For example, yung gusto kong actor, si Johnny Depp... lahat kaya niyang gawin, bigyan mo lang siya ng prosthetic, hindi mo na siya makilala.

“For example, Pacific Rim... ‘yan kasi yung maiinit ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap noon, pero ako doon yung arte para sa mga kalaban nila.

“Kasi lagi naman, bukod sa robot, may mga ibang umaarte para sa mga kalaban nila. Iyon yun sa tingin ko yung out of this world na pag arte.”



MANAGEMENT DECISION. Masaya ba siya sa career niya ngayon?

Sagot ni Mike, “I think hindi naman ako napapabayaan... may trabaho naman ako yearly.

“Hangga’t may trabaho tayo, habang binibigyan tayo...

"Kasi yung sa Mga Basang Sisiw, gusto ko yun, gusto ko talaga yung role ko doon.

“Yung trato mo sa mga bata na hindi mabait, hindi rin masama—para kang kuya na may kamay na bakal pero mabait ka pa rin.

“So maganda yung character ko na lagi namang nabibigay sa akin.

“Hindi lang ako basta mabait, lagi akong merong ibang role na puwede kong ipakita sa mga tao.”

Hindi ba siya nagsa-suggest sa GMA-7 kung ano ang gusto niyang projects?

“Sa tingin ko, wala pa ako sa stage na yun na kaya kong manghingi sa kanila ng kung ano man ang gusto ko.

“Kasi, sila pa rin naman ang masusunod kung anong project ang ibibigay nila sa akin.

“At bilang artista, susundin ko kung ano ang ibigay nila sa aking proyekto dahil gusto kong magtrabaho,” pahayag ni Mike.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN