Xian Lim on Kim Chiu: “I will always be a helping hand and an open ear para sa kanya.”

Ikinatuwa ni Xian Lim ang ginawang surprise party sa kanya ni Kim Chiu noong nakaraang kaarawan niya. Sabi ng young actor, “Nag-birthday party ako, nakakatuwa kasi nandoon ang family ko, nandoon si Kim, nandoon yung family niya. So, sobra kong naa-appreciate yung ginawa ni Kim, everyone is together.”


Ikinagulat at ikinatuwa ni Xian Lim ang surprise birthday party na in-organize mismo ng ka-loveteam niyang si Kim Chiu para sa kanyang 24th birthday last week.

Ikinuwento ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News na dito nagkasama muli ang kani-kanilang pamilya ni Kim.

“Nag-birthday party ako, nakakatuwa kasi nandoon ang family ko, nandoon si Kim, nandoon yung family niya.

“So, sobra kong naa-appreciate yung ginawa ni Kim, everyone is together.”

Malaking pasasalamat ni Xian kay Kim na nagkaroon pa ng panahon ang dalaga para mapasaya ang kanyang kaarawan.

Sabi ng young actor, “Actually, very rare na nangyayari kasi na mangyari sa akin yun—yung people na di ko usually nakikitang magkakasama, magkakasama.

“Siyempre, yung effort pa lang niya, parang, ’Paano nangyari yun, naka-organize ka ng ganito, e, ang busy-busy natin?’

“Noong una, ang sabi sa akin, parang dinner lang daw, usual dinner lang.

“Pagkita ko, nandoon yung kotse ko, yung mga friends ko—nakakabilib.

“Hindi ito nangyari noong mismong birthday ko, nasa Subic ako noon kumakanta, it’s before my birthday.”

Ang actual birthday ni Xian ay noong July 12.

Bukod sa surprise birthday celebration na inihanda sa kanya ni Kim, may regalo pa ba ito sa kanya?

“Siyempre mayroon, secret na yun, ayoko namang mag-plug ng regalo,” sabi ng binata.



SUPPORT. Hindi kaila na malapit si Xian kay Kim, at inamin ng young actor na apektado siya kapag may pinagdadaanan ang kapareha.

Matatandaang inulan ng katakut-takot na batikos si Kim noong pumanaw ang ina nito at kinuwestiyon ang pagiging isang mabuting anak ng aktres.

Agad namang ipinagtanggol ni Xian si Kim.

Aniya, “Siyempre, alam mo para sa akin, we just have to respect Kim—yun lang naman ang hinihingi ko sa lahat for Kim.

“I will always be a helping hand and an open ear para sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na namin pine-pay ang mga negative comments, e, we’re just more on the positive side—happy, happy lang.”



LAUNCHING MOVIE. Ang pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo ang launching movie ng tambalang Kim at Xian sa pelikula.

Sa nakaraang blogger’s presscon ng pelikula, sinabi ni Xian na nandoon ang pressure at kaba.

Pag-amin niya, “Ako, sobrang excited...

"Lagi naman akong nae-excite but, this time, siyempre, may halong kaba.

“Lagi kong sinasabi sa sarili ko, ‘Heto na, ipapalabas na kami sa July 31 na, so suportahan sana kami.’

“May pressure, pero laging nire-remind ako ni Direk Joyce [Bernal] na, ‘Huwag mong isipin yung pressure for now. Ang importante, you focus tulad ng ginagawa namin.’

“Ongoing pa rin kasi yung movie, nandiyan yung dubbing, yung promo.

“Yun muna ang focus mo, then, e, parang everything will follow,” sabi ni Xian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN