Lauren Young on why she doesn’t want to be paired onscreen with Elmo Magalona: “Mukha akong ate niya.”

Lauren on honing her versatility as an actress: “Gusto ko na makita nilang kaya niyang mag-kontrabida, kaya niyang magbida. Puwede akong mag-nanay, why not? Basta makita nila ang versatility ko. Hindi ko naman hinahabol sa career ko na, you know, maging bida ako, na ako ang pinaka-sikat. I don’t need that. All I want is work and I want to show people that I’m not just a celebrity but I’m also an actress. I want to prove to them na, wala, ito talag


May balitang nag-extend pa ang pag-ere ng Mundo Mo’y Akin.

Ito ang primetime series na nangunguna sa rating sa mga primetime series ng GMA-7 at kauna-unahang programa rin ni Lauren Young bilang isang Kapuso.

Kaya naman marami pa raw magaganap at pagbabagong mangyayari sa kuwento.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lauren sa taping nila sa isang lugar sa Casa Pura noong July 10, hindi itinago ni Lauren ang kasiyahan dahil naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood dito gayundin ang mga komento sa ipinakita niyang pag-arte.

Ngayon, tila nagkabaligtad na sila ng mundo ni Louise delos Reyes.

Tinanong naman namin si Lauren kung okay naman sa kanya na siya naman ngayon ang naghihirap sa teleserye nila.

Nakangiting sabi naman niya, “Okay lang, basta may taping days.”

Ang tanong, magiging mabait din daw ba siya?

“Parang may time na babait siya. Pero, sa sobrang sensitive ng character niya, parang may konting mangyari, sasama na naman.”

Dugtong naman ni Lauren, “Actually, may mga audience na naawa rin sa akin. Ibig sabihin, nage-gets din nila ang character ko.

“Siguro, kung hindi ka maaawa, parang makitid din ang isip. Kasi, hindi naman siya nagiging masama dahil gusto niya lang.

“May pinanggagalingan siya. Kasi, ang sakit din naman ng nangyayari sa kanya. Yung inakala niyang nanay, hindi siya mahal.

“Yung totoo rin niyang nanay, hindi rin siya mahal. May pinanggagalingan naman siya.”

NEW SHOW. May kasunod na ngang proyekto kay Lauren ang Kapuso network. Pero, hindi pa raw niya alam ang detalye.

“Wala pang details. Basta ang sabi lang nila sa akin, I have an upcoming show. Kasi, hindi pa kami nag-i-storycon.

“Hindi pa binibigay sa amin ang details. At least, happy na ako sa news na may bago na akong show.

“Kahit naman bigyan nila ako ng kontrabida ulit na role or bida, it’s okay lang with me. Ang ayoko lang, yung mangyari sa akin na ma-typecast ako as kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang ayoko. Ayoko ng typecast. Ayoko ng pag makikita ako ng tao, ’ah, kontrabida ’yan. Forever kontrabida ’yan.’

“Gusto ko na makita nilang kaya niyang mag-kontrabida, kaya niyang magbida. Puwede akong mag-nanay, why not?

“Basta makita nila ang versatility ko. Hindi ko naman hinahabol sa career ko na, you know, maging bida ako, na ako ang pinaka-sikat. I don’t need that.

“All I want is work and I want to show people that I’m not just a celebrity but I’m also an actress.

“I want to prove to them na, wala, ito talaga ang gusto ko. I want to show to people na kaya kong pigain ang sarili ko and to show them I’m good.”

Dugtong pa niya, “Of course, it may take a long time. Kaya nagwu-workshop ako. I want to try different roles.”

ELMO MAGALONA. Sinabi namin kay Lauren na nakita namin ang instagram ni Max Collins na distant relative nila ni Megan Young. Kasama niya sa bahay ni Max ang rumored boyfriend na si Elmo Magalona.

Sabi naman ni Lauren, “She has a new business. Parang people from Cebu are making chocolates. Parang naging business partner siya. So, in-invite niya kaming mga friends niya. Nagpunta kami nila Megan.

“Parang buong buhay niya, dinecorate niya ng chocolates.”

Kasama niya rin si Elmo.

“He’s my friend,” nakangiti niyang sagot.

Sabi nga niya, kaibigan niya si Elmo. Marami ang nakapansin na wala na ito sa Sunday All Stars.

May ideya ba siya kung bakit?

“We don’t talk about work, e,” saad niya.

“Sa kanila na yun, hindi ako nakikialam sa trabaho ng mga friends ko.”

Pero, kung sakali at maisipan silang pagtambalin ng GMA ni Elmo, papayag ba siya?

“Okay lang, kung hindi, okay lang din,” sabi niya.

MUKHANG ATE.” Bilang magkaibigan, napag-uusapan ba nila ni Elmo ang posibilidad na sila ang pagtambalin sa mga susunod nilang proyekto. Lalo pa nga’t pareho naman silang Kapuso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Lauren, “Kami kasi ni Elmo, if they partner us, sige, okay lang. Kung hindi, okay lang. But it’s up to management.

“Sa lay-out, planning. May mga ganun sila. Planado lahat kung bagay sa istorya.

“Pero kami kasi, hindi kami puwedeng i-partner kasi, hindi kami bagay,” saad niya.

May nagsabi naman na bagay sila, lalo na, physically.

Pero sabi ni Lauren, “Mukha akong ate niya.”

May nagsabi sa kanya na mukha siyang ate ni Elmo?

“Hindi, ako ang may sabi,” natatawang pagtatapos ni Lauren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN