Zsa Zsa Padilla on asking Dolphy for guidance if and when she’s ready to fall in love again: “Knowing him, magseselos yun.”

Zsa Zsa on asking Dolphy for a "sign": “I don’t know, sometimes siguro nakaka-frustrate rin sa kanila na nandiyan lang sila pero hindi natin nararamdaman. Sabi ko sa kanya just give me a sign because he loves all these beautiful standards [songs], pag gusto mong magpapansin sa ’kin, just put a melody in my head, pag kinanta ko then I’ll know.”


Inamin ni Zsa Zsa Padilla na nasa coping stage pa rin siya hanggang ngayon kahit na isang taon na mula noong namayapa ang kanyang long-time partner at Comedy King na si Dolphy.

Kuwento niya sa Ang Latest ng TV5 sa espesyal na panayam sa kanya ni Dolly Ann Carvajal, “Coping pa rin siyempre.

“There are days when you lose a loved one, okay na okay ka, there are days na parang ang sakit-sakit, parang ganun ’ata yung process ng grieving, hindi ko alam...

“Galit na naman ako all of a sudden, guguluhin ko yung side of my bed kasi kinakausap ko siya everyday, ang laki kasi ng kama namin, para feeling close ako.”

JUST PUT A MELODY IN MY HEAD.” Hanggang ngayon kaya ay nagpaparamdam pa rin siya?

Tugon niya, “I don’t know, sometimes siguro nakaka-frustrate rin sa kanila na nandiyan lang sila, pero hindi natin nararamdaman.

“Sabi ko sa kanya just give me a sign because he loves all these beautiful standards [songs], pag gusto mong magpapansin sa ’kin, just put a melody in my head, pag kinanta ko then I’ll know.”

Ano ba ang nami-miss niya talaga sa Comedy King?

Pahayag niya, “His sweetness that’s why he’s very endearing to everyone, his gentle ways, coming home to him telling him about my day.”

Anong kanta kaya na nagpapaalala sa kanya kay Mang Dolphy na hanggang ngayon ay hindi pa niya kayang kantahin?

Saad nito, “Yung "Hiram," hanggang ngayon pag tutugtugin yung "Hiram," please don’t... hindi ko talaga kaya. May mga kanta talagang tinatamaan pa rin ako.”

STILL NOT READY TO LOVE AGAIN. Ngayong nag-iisa na talaga siya, nararamdaman kaya niyang handa na siyang umibig muli?

Patotoo ng Divine Diva, “Hindi pa, ’tsaka I feel too old for that, I’ve always been with the man since I was 16 so first time in my life na I was at ease with myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda rin pala itong sobrang concentrated ka sa pamilya mo, strive harder for them, lahat ng efforts ko nasa sa kanila talaga.”

Dagdag pa niya, “I don’t know if they’re ready to share with me someone else, I don’t think somebody out there whose interested.”

Dagdag pang tanong ni Dolly Anne, “Nai-intimidate, ’tsaka they have big shoes to fill in after Tito Dolphy?”

Saad ni Zsa Zsa, “That much is true, but I don’t know... I’m not interested, e.

“I would be the most surprised if somebody comes up with me, ano po ba nangyayari. I don’t know if I would put myself out there, I don’t know how to start at this age, I’m 49, ang tanda ko na.”

Sunod pang tanong sa kanya, “But will you ask for Tito Dolphy’s guidance, if and when, may guy na magpapatibok ng puso mo?”

Nakangiting sagot nito, “Knowing him, magseselos yun.”

Feeling ba niya, parang numb na siya?

Lahad niya, “Now, oo but should the time come if there is anybody out there as wonderful as him…”

Sa usaping lovelife, suportado naman si Zsa Zsa ng anak nilang si Zia.

Kuwento ng dalaga, “Of course, I think right now she’s just trying to let herself fall in love again, that a process on its own na hindi mo puwedeng i-rush o biglain yung ganun, in her own time.”

“I’m glad she feels more like an independent woman who wants to figure out where she’s gonna go from now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN