Marian Rivera dreams of getting pregnant but not anytime soon

Marian on getting pregnant: “Kapag buntis ako sasabihin ko, tapos ipu-post ko sa Instagram ko. Hindi ko itatago iyan. Kasi kung buntis man ang isang tao, wala dapat itago doon, e. Dapat maging proud ka pa sakali, pero ang problema hindi totoo. Aaminin kong pinapangarap ko iyan sa buhay ko, pero hindi muna ngayon. Hindi lang buong-buong [tatanggapin kung buntis]. Kung meron pang salitang higit diyan, iyon ang gagawin namin.”


Muling idiniin ni Marian Rivera na hindi totoo ang mga lumalabas na haka-hakang buntis siya ngayon.

Kung totoo man daw ito ay ipagmamalaki niya ito.

“Kapag buntis ako sasabihin ko, tapos ipu-post ko sa Instagram ko.

“Hindi ko itatago iyan. Kasi kung buntis man ang isang tao, wala dapat itago doon, e. Dapat maging proud ka pa sakali, pero ang problema hindi totoo,” lahad niya.

Dagdag pa ni Marian, “Aaminin kong pinapangarap ko iyan sa buhay ko, pero hindi muna ngayon.

“Hindi lang buong-buong [tatanggapin kung buntis]. Kung meron pang salitang higit diyan, iyon ang gagawin namin.”

LOVES HER HOME NETWORK. Pinuri rin ni Marian ang Kapamilya star niyang si Bea Alonzo sa pagiging mabait nito.

Nagkita raw silang dalawa kamakailan at si Bea pa umano ang nagsabi kay Marian na magkakatambal sila ni Dingdong Dantes sa isang pelikula.

“Nagkita kami ni Bea once, siya mismo ang nagsabi sa akin na makakatrabaho niya si Dingdong.

“Napakabait ni Bea sa akin,” saad ng GMA-7 Primetime Queen.

Kahit na identified bilang Kapuso star si Dingdong, nakakailang pelikula na rin siya sa film production outfit ng ABS-CBN—ang Star Cinema.

Bukas din ba sa posibilidad na gumawa ng pelikula si Marian sa ibang film outfits?

“Why not? Kung may offer, bakit hindi?” mabilis na sagot ng aktres.

Gayunpaman, sa ngayon ay hindi ito magiging madali dahil may existing contract pa si Marian with Regal Films.

“May kontrata pa ako kay Mother Lily na dapat tapusin sa kanya, pero hindi naman mahirap pakiusapan si Mother, just in case may magandang offer sa akin,” paliwanag ni Marian.

Samantala, mag-e-expire naman ang kontrata ni Marian with GMA-7 this August.

Inusisa ng PEP sa kanya kung totoo ang mga balitang posibleng lumipat siya ng ibang TV network.

Umiwas namang mag-detalye si Marian nang sinabi niyang, “Bilang respeto sa GMA, hanggang August pa ako sa GMA at mahal ko ang GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN