Coco Martin on his rumored secret marriage: “Never.”

Hindi na raw nagulat si Coco Martin sa isyung ipinupukol sa kanya ngayon na diumano’y kasal na siya sa isang babaeng nakatira ngayon sa Canada.


“Never. Kumbaga wala pa, e, wala pa sa isip ko. Saka bata pa naman ako. Uunahin ko muna siyempre ang pamilya ko.”

Ito ang tahasang sagot ni Coco Martin nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nangyaring Yahoo awards noong July 19, tungkol sa mga lumalabas na writeups sa ilang tabloids na siya ay diumano’y kasal na.

Ipinaliwanag ng mahusay na aktor na ang prayoridad niya ngayon ay bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya at kapag nagawa na niya ito, saka na lang niya iisipin ang kanyang sarili.

Hindi naman itinanggi ni Coco na naririnig niya ang mga nasusulat na diumano’y secretly married na siya sa isang babae na naninirahan ngayon sa Canada.

“Actually, marami ngang nagsabi sa akin niyan, kaso sabi ko hindi naman ako umaalis [ng bansa].

“Saan naman nila nakuha yun? E, ngayon wala kaming [alis] dahil lagi kaming nagte-taping,” paliwanag ng bida ng teleseryeng Juan dela Cruz sa Kapamilya network.

Sinasabi kasi na bago pa man tuluyang sumikat si Coco ay naikasal na raw siya sa isang babaeng nakatira sa Canada ngayon.

Mariin niyang itinanggi ang paratang na ito.

Sinasabi rin kasing married daw diumano ang civil status niya sa kanyang passport.

“Yung passport ko Pilipino. Siyempre alam n’yo naman trabaho natin. Open naman tayo sa kahit ano. Kahit sino naman tao may opinion. Kapag [may] sinabi [tungkol] sa’yo wala ka namang magagawa,” saad niya.

Marahil daw ay nalilito lamang ang mga tao dahil matagal na siyang walang girlfriend.

“Siguro pag dumating din yung pagkakataon na napag-isip-isip ko na o talagang may panahon na ako para sa sarili ko.

“Siguro kung meron man akong taong iibigin o dadating yung punto na gusto ko na rin magpamilya, siguro para sa akin lahat naman ibinigay ko na, lahat naman ipinakita ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang gusto ko siguro, arborin ko na... personal ko ng buhay yun. ’Tsaka ang inaano ko naman kasi gusto ko ng tahimik at simpleng buhay in the future. Kaya ngayon ibinibigay ko yung best ko para sa trabaho,” pag-amin niya.

NOT AFFECTED. Samantala, hindi na raw niya ikinagulat ang ibinabatong isyu sa kanyang ikinasal na raw siya.

“Nagsisimula pa lang ako nasanay na ako sa ganyan. ’Tsaka nung pinasok ko yung trabaho ko, alam ko na kasama ’yan.

“Artista ako. Part ng work ko yun. Ayoko naman pigilan ang mga tao.

“Basta sabi ko, the more na tahimik ka at wala kang ginagawang masama sa kapwa mo, wala ka dapat ikatakot,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN