FIRST READ ON PEP. Jackie Forster mulls showbiz comeback with Manila stopover; extends message to sons: “I’m just waiting for them to come back.”

Jackie on her fervent wish to reconcile with sons Andre and Kobe: “Yun lang, yun lang ang ano ko kaya gusto ko andun ako sa buhay nila para alam ko kung ano yung nangyayari sa buhay nila. I’m just… I just wanna be a mother to them. That’s it.”


Marami ang nagulat kagabi, July 20, nang biglang dumating si Jackie Forster sa Zirkoh Comedy and Music Bar, Tomas Morato Ave., Quezon City, kung saan kasalukuyang ginaganap ang Komedyoke, isang special show na pinangungunahan nina Jose Manalo at Wally Bayola para sa nalalapit na kaarawan ng radio and TV host na si Cristy Fermin.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dating actress kung bakit bigla siyang napauwi sa Pilipinas mula sa Malaysia.

Natatawa niyang tugon, “Pinauwi ako ni Tito Alfie.”

Kasama rin sa mga nanood ng show ang beteranong manager at entertainment journalist na si Alfie Lorenzo na manager din ni Jackie.

SHOWBIZ COMEBACK? Hudyat na ba ito ng kanyang pagbabalik-showbiz?

Saad niya, “Bahala na kung may magandang offer. I mean, dapat talaga juicy yung role if ever, understanding naman yung asawa ko so...

“Sobra siya, OA [sa pagiging understanding] yung asawa ko kaya sobrang blessed ako. So yeah, kung may magandang offer, bakit hindi.”

May dalawang anak si Jackie sa asawa nitong foreigner kung saan kasalukuyan silang naka-base sa Malaysia. Hindi daw niya nakasama ang asawa at anak dahil nag-aaral ang mga bata at may pasok din ang asawa.

Dagdag pa niya, “No, they go to school and wala kaming yaya and my husband has them now, taking care of them, so kailangang bumalik ako kaagad kasi Monday magtatrabaho na yung asawa ko. So ako na ulit.

Alam daw ng asawa niya ang kasalukuyang pinagdadaanan ni Jackie pero hindi daw ito nakikialam dahil hindi naman daw siya showbiz.

Lahad pa niya, “Kasi hindi naman siya showbiz so he doesn’t understand this part of it, but as a father he wants me to, of course he’s supportive of me fixing things, and whatever I need to do he’s giving his full support.”

Kahapon lang dumating sa bansa si Jackie at ngayong araw naman siya nakatakdang lumipad pabalik ng Malaysia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING HER TWO SONS ANDRE AND KOBE. Naging mainit ang usapin sa pagitan ni Jackie at ng dalawa nitong anak na sina Andre at Kobe sa dating asawa na si Benjie Paras nang makapanayam ang dalawa sa isang showbiz talk show. Dito ay hiniling ng dalawa na bigyan sila ng “space” ng ina.

Mula noon ay nagpaabot ng mensahe si Jackie sa pamamagitan ng social media sa dalawang anak.

Kamakailan, isang Youtube video ang kanyang ginawa kung saan umapela pa rin siya para sa pagkakaunawa mula sa kanyang dalawang binata.

Gaano kaya kasakit ang kanyang pinagdaanan sa ngayon?

Pag-amin niya, “Sobrang sakit, kanina sobra na yung iyak ko kanina, so masakit na masakit. Kung kaibigan mo nga magtampuhan kayo yun pa kayang anak mo, sarili mong kadugo?”

Bakit nga kaya biglang lumabas yung ganitong issue?

Tugon niya, “Because siguro pag nami-miss ko yung mga bata nagsasabi ako sa Instagram o Twitter, kasi lately ko lang naman ginawang public yung Twitter ko.

“E, kasi pinrivate ko yun, pero gusto ko kasi makita na nila…

“When I miss them, mabasa nila kasi nabalitaan ko meron din silang Twitter, meron na rin silang Instagram.

“So at least meron nang connection to them kahit nasa malayo ako, kumbaga sa ano [cellphone] parang free text.”

“Yun lang and then siguro, I don’t know, may mga ayaw na marinig yun kasi feeling nila I talk about my kids pero wala naman sa akin.

“I mean, people have so much to say about it, right? But at the end of the day, they won’t understand na pag hinanap ko yung mga bata dahil nami-miss ko di ba?

“Kung puwede lang, kung puwede lang na lumipat kami dito bukas, dito na kami.”

Kailan nga ba ang huli nilang pagkikita ng mga anak niya kay Benjie?

Aniya, “2010. Buntis ako sa baby ko, yung [na] kita sa Shangri La, sa restaurant, nakita namin…ako lumapit sa kanila, nagpakilala ako dun sa mga tao dun tapos nag-hi ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot naman sila?

Tugon nito, “Konti lang, awkward, very awkward.”

GUSTO KO LANG MAAYOS.” Sa tingin ba niya na-brainwash ang mga anak niya?

Paliwanag ni Jackie, “Hindi ko alam e, ayokong magsalita sa ganyan ayoko yung negative, ayoko yung… di ba kahit…

“Kasi para sa akin kahit sino pa may kasalanan, kahit paano pa nagkaroon ng ganitong klaseng tampuhan, gusto ko lang maayos.

“Tapos, di ba? Kasi lahat naman ng bagay napag-uusapan e, di ba? So yun, yun lang naman ang pakay ko, e.”

May mga tweets din sina Andre at Kobe pero apparently hindi naman daw patama para sa kanya. Ano kaya ang masasabi niya dito?

Kuwento pa niya, “Hindi na kasi ako naglagay ng ibang ibig sabihin sa… because at the end of the day, di ba, they’re my kids so no matter what they say, anak ko pa rin sila.

“So may masabi sila, may pinaggagalingan or may pinagdaaanan sila, yun ang trabaho natin bilang ina di ba, [ang] maging maunawain.”

“Yun lang, yun lang ang ano ko kaya gusto ko andun ako sa buhay nila, para alam ko kung ano yung nangyayari sa buhay nila. I’m just… I just wanna be a mother to them. That’s it.”

“Yun lang, yun lang talaga.”

Wala daw contact si Jackie sa mga anak kundi sa ama pa rin nitong si Benjie.

I’M WAITING FOR THEM TO COME BACK.” Ano kaya ang naramdaman niya noong ginawa niya yung video?

Seryosong tugon niya, “Umiiyak ako.”

Maraming mga nakisimpatiya kay Jackie sa naturang video pero meron ding ibang bina-bash siya. Ano ang take niya dito?

Sagot niya, “Yung bashers? Siyempre, yung bashers you try to change their hearts but at the end of the day, their minds are made up so it’s okay.”

May nag-comment nga sa nasabing Youtube video na diumano ay may malalim na dahilan pa kaya raw malalim ang naging galit sa kanya ng mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Jackie, “Ako wala lang, ang feeling ko lang is because wala ako sa buhay nila, yun ang ikinasasama ng loob nila, yun lang, yun lang ang feeling ko talaga as a mother.

“Because, otherwise I think they would have said already.”

Naging battered wife ba siya noon?

Saad niya, “Ayokong pag-usapan yung mga ganyan. Ayokong pag-usapan.”

Pero hindi daw mapapagod na humingi ng tawad si Jackie sa kanila.

Aniya, “No, because, I mean, I just want everyone to be happy. Ang intention ko maganda.”

Sa huli, may mensahe si Jackie para sa mga anak.

Saad niya, “That I miss them and I love them yun lang and I’m waiting for them to come back. That’s it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN