Dingdong Dantes denies he and Marian Rivera plan to get married this year

Hindi raw gaanong affected si Dingdong sa isyung buntis ang girlfriend na si Marian Rivera dahil alam niyang hindi naman talaga siya buntis. Pero kung sakaling mangyari man daw ito ay magiging masaya siya.


Masayang humarap sa ilang members ng press, kabilang ang PEP.ph Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ginanap na Kapuso Day sa Sublian Festival sa Batangas City noong Sabado, July 20.

“Isa yun sa mga bagay na nae-enjoy naming gawin kasi minsan sa TV, we play roles, but here we’re free to play around and kung anu-ano,” paglalarawan ni Dingdong.

ON PREGNANCY AND MARRIAGE. Kinunan din ng pahayag si Dingdong hinggil sa isyung buntis umano ang kanyang girlfriend. Una nang itinanggi ni Marian ang nasabing isyu.

Naapektuhan ba si Dingdong nang mapabalitang buntis na si Marian?

“Hindi naman. At least masaya rin kasi may posibilidad [puwede siyang mabuntis] kung gano’n.

“Walang masama, suwerte nga ang mga gano’ng bagay,” ang sabi ng aktor.

Nagkomento rin si Dingdong tungkol sa mga balitang magpapakasal na umano sila ni Marian this year.

“If meron talaga balak this year, we should be doing something right now, but now we’re committed to our respective work and yun ang priority namin right now,” paliwanag ng aktor.

Matatandaang noong December 2012 ay sinabi ni Dingdong na gusto niyang mapakasalan si Marian at mangyari sana ito "very soon."

PROUD BOYFRIEND. Kamakailan ay hinirang bilang Philippines’ Sexiest ng FHM Philippines si Marian.

Bilang proud boyfriend, ano ang masasabi ni Dingdong tungkol dito?

“Very proud, very proud. I knew from day one, she’s the sexiest. It’s about time that the whole world knew as well,” pagmamalaki niya.

Binanggit din namin kay Dingdong ang tungkol sa medal na may nakalagay na "You’re my number 1" na ibinigay niya kay Marian matapos mahirang ang Kapuso Primetime Queen bilang FHM Sexiest.

“Matagal na ’yon [medal]. I bought that a long time ago, so I was waiting for the right moment to give it to her so yun, nagkataon na nanalo siya [sa FHM] so panahon para isabit ang medalyang ’yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang taon na ring magkarelasyon sina Dingdong at Marian. Paano ba nila napapanatiling maganda ang kanilang pagsasama?

“We discover new things about each other every day. Meron pa rin naman [nadi-discover sa isa’t isa].

“Madi-discover mo ang isang bagay kapag nasa isang sitwasyon ka. E, kami mahilig kami parating pumunta at mag-experience ng kung anu-anong bagay, kumbaga hindi lang yun at yun parati.

“Let say if we do an adventure together, may madi-discover ako about her, likewise ganun din sa kanya. In that manner mas exciting para hindi monotonous,” lahad ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN