Lea Salonga on potential comeback movie with Aga Muhlach: “Puwede kayang maging physically ready muna kami?”

“Bihira lang kasi akong gumawa ng pelikula. Once in every seventeen years. It’s like Haley’s Comet. I don’t do very often. So, it must be with people that I’m already comfortable with… The two movies that I made with Aga as an adult were good,” ani Lea Salonga nang tanungin ng The Buzz host na si Charlene Gonzalez-Muhlach kung kailan siya gagawa muli ng pelikula.


“One-of-a-kind, timeless, pitch-perfect, elegance, excellence…” ang mga salitang ginamit ng ilan sa mga mang-aawit at celebrities na naglarawan kung ano ang boses ng isang Lea Salonga para sa kanila.

Ilan sa mga naglarawan ay sina Billy Crawford, Eric Quizon, Anne Curtis, KZ Tandingan, Aiza Seguerra, at Charice, bago ang live interview ni Lea sa The Buzz, kahapon, July 21.

Pero sa kabila ng mga magagandang paglalarawan na ito tungkol sa The Voice Philippines coach, at sa hindi matatawarang karanasan niya sa musika, simula pa noong gumanap siya bilang lead role sa Repertory Philippines production ng broadway classic na Annie sa edad na walo, hindi pa rin siya nakaligtas mula sa mga negatibong puna ng ilang netizens.

Bago itanong kay Lea ang mga isyu sa kanya ngayon, tinanong muna siya ng host na si Charlene Gonzalez-Muhlach kung ano ang masasabi niya sa mga artistang talagang saludung-saludo sa galing niya.

Sanay na nga ba siya sa mga ganitong papuri?

“No,” nakangiting sagot ni Lea.

“I don’t think any artist can get used to accolades. For me, it was really nice hearing what everyone has to say. I’m like, wow, these are people I respect. These are people who are talent din, I can say, only the best thing about.

“I mean, people like Eric, Charice, and Aiza. I mean, ang taas ng tingin ko sa kanila bilang mang-aawit sa industriya.

“So, salamat na rin sa inyo. Sa lahat ng sinabi nyo tungkol sa akin. Talagang, I have no words… I’ve nothing to say. Not today,” natatawa niyang sabi.

Pagkatapos ng halos tatlong dekada, “overwhelming” pa rin ba para sa kanya ang makarinig ng mga papuri mula sa mga kapwa niya artists?

“It still is,” sagot ni Lea.

“I still can’t believe a lot of it. A lot of it is kinda, unbelievable, incredible. It’s so wonderful when you have the respect of your peers which is nice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s nice, siyempre, when you have the admiration of your fans, it’s wonderful. But, when it comes from the people who are in the trenches with you, yung mga nagiging kasamahan mo rin sa puyat, sa pagod, sa trabaho, when they give you compliment, tagos talaga sa puso.”

“YOU ARE THE BEST.” Nagkakaroon pa rin ba ng pakiramdam ng insecurity ang isang katulad niya na mahigit tatlong dekada na sa mundo ng showbiz at teatro? Hindi ba dapat ay nao-overcome na niya ang mga bagay na ito?

“Well, I think, there’s always a psychological game that I play in my head.

“In my head—I think, I’ve actually, transmitted this also to the members of my team in The Voice—you have to believe that you are the best.

“You have to believe that nobody’s better than you, even if it’s only in your mind.”

Sa tuwing nakakadama nga raw siya ng insecurity o tuwing meron siyang sakit at kailangan niyang mag-perform, ang iniisip niya na lang: “I have to get up each day at kailangan kong isipin na walang mas gagaling pa sa akin.

“And it’s just in your head. And sometimes, It’s kind of mental and psychological power… You can overcome. Minsan, [kailangan] palaban ka talaga.”

HATES LOSING. Noon pa raw ay gusto nang maging coach ni Lea sa The Voice. Sa ngayon daw sa show, kailangan nang maging mapili talaga at istrikto ng mga judge.

“Yeah, we have to be, e. Kasi, we have to find amazing, unique, incredible talent. And, sometimes, it’s not about technique, it’s not about being in-tune, it’s not about yung linis.

“Kasi, marami ring nag-audition and we have some team members in The Voice from the various teams.”

Nung sandaling iyon, nasa audience ng The Buzz ang ilang nag-audition na nakapasok sa The Voice. Apat sa mga ito ay mula sa Team Lea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But mine is the most competent, I can say that,” natatawa’t may pagmamalaking banggit ni Lea.

Nasabi tuloy ni Charlene, competitive si Lea.

“Super!” natatawang pagsang-ayon ng tanging Filipina na nagkamit ng prestihiyosong Tony at Olivier awards.

“And, I hate losing and they knew this, I hate to lose, but…” natatawa pa rin niyang sabi.

NO PERSONAL FEELINGS INVOLVED. May mga pagkakataon sa The Voice na hindi lang isa ang nag-iikot ng kanilang upuan kapag nagugustuhan ang nasa blind audition. May pagkakataon din na apat na upuan ang umiikot.

Sa isang episode na apat silang umikot, si Apl de Ap ang pinili ng nag-blind audition. Nasasaktan ba siya pag ganoon?

“No, no. Walang personalan,” sagot agad ni Lea.

“I cannot get personal with it, kasi alam ko na, parang sa feeling ko, meron pa ‘yan, marami pa ‘yan.

“I have to sit and I have to wait. The one that is meant for me will come to me. Ganun lang ang kailangan kong isipin.”

ON BEING STRAIGHT-FORWARD AND OPINIONATED. Bilang judge ng The Voice, isa sa pinag-uusapan tungkol sa kanya ay ang kanyang pagiging straight-forward at opinionated.

Merong mga nagkakagusto sa ugali niyang ito, pero meron din namang nagsasabing tila sobra na siya.

Ano ang comment ni Lea rito?

Natawa muna si Lea bago sumagot.

Aniya, alam niyang galing sa mga miyembro ng press at sa social media ang kanyang critics.

Pero tumataba naman daw ang puso niya kapag nakakakuha ng message mula sa mga taong katulad ni Charlene.

“From people that know me as a human being na, ‘Hayan, nakikita na ng bansa kung anong klaseng tao ka talaga.’

“And, I am opinionated… I’m very direct. I’m very straight-forward.

“And I warned the members of my team that, ‘Okay, this is what I like. If I don’t like something, you would know. And I will be honest with you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’I won’t sugarcoat anything with pretty words because, you deserve much better than that.’

“So, whatever approach I’m taking, I’m taking from the place of sincerity and truth. So, if people like it, that’s great. I mean, that’s life.

“May tao talaga na gusto sa approach ko. Meron ding mga tao na medyo nalalakasan ang dating.

“But, my friends who know me well are all saying, ‘This is you. So, who else can be you, but you?’

“So, I think, that’s cool.”

THE BATTLE ROUNDS. Tapos na ang blind auditions, at battle rounds na ang kasunod sa The Voice.

Ano ang inaasahan niya rito?

“’Eto na, bakbakan! Bakbakan talaga. And everybody went in to the battle ready, and I rehearsed my team so much like crazy,” pagbibida ni Lea.

Sa battle round, sa mismong team nila, maglalaban-laban daw ang team members.

Dalawang miyembro, maglalaban sa iisang kanta. Kailangang mamili ng coach ng isa lang na magmu-move forward sa competition.

“Minsan, yung kinakalabasan ng battle, unexpected,” kuwento ni Lea.

“You remember certain people from the blind [auditions]. And then, you see they are in the ring together. [You’ll say] ‘Oh, this will be interesting.’

“When I’m watching somebody else’s team. Nangyayari na, kumakanta na, parang, ‘Oh, I don’t know which way. The coach is going to go with this one.’

“It’s tough. It’s really tough and it’s taxing for all four of us. Ang hirap talaga.”

Ang battle round ay magsisimula na ngayong weekend.

LEA-AGA MOVIE SOON? Sa huli, may pahabol na tanong si Charlene kay Lea kung kailan nga raw ba ito mapapanood muli sa silver screen?

Ang huling pelikulang ginawa ni Lea ay Sana Maulit Muli, labing-pitong taon na ang nakararaan sa Star Cinema.

Ano nga ba ang puwedeng maging dahilan para mapanood siyang muli sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First of all—and I’ve been pretty vocal about this—there’s only one leading man for me. There’s only one, and it’s Aga [Muhlach].

“Excuse me, yung asawa, nandito, ‘no!” natatawang sabi ni Lea sa asawa ni Aga na si Charlene.

Pero, ayon kay Charlene, sila raw ni Aga at si Lea at ang mister nito na si Robert Chien ay magkakaibigan.

Kuwento pa ni Charlene, sa first week of August daw ay magbabakasyon sa bahay nila ang mag-asawa.

Pero, sabi rin ni Charlene, hindi pa raw niya naitatanong kay Lea kung bakit nga raw ba si Aga lang talaga ang gusto nitong maging leading man?

Unang-unang dahilan ni Lea, madali na raw para sa kanila ni Aga na gawin kung ano ang gustong ipagawa sa kanila ng direktor.

“It would be very easy for the director to say, you do this, do that, tapos na ang usapan. Madali.

“Pangalawa, bihira lang kasi akong gumawa ng pelikula. Once in every seventeen years. It’s like Haley’s Comet. I don’t do very often. So, it must be with people that I’m already comfortable with.

“There are certain risks I like to take when I perform live. When I do a film, parang, I’d like to stay with the team that, na nakasanayan ko na. The two movies that I made with Aga as an adult were good.”

Dugtong pa ni Lea patungkol kay Charlene, “And you two are so funny.

“When I guested Aga in my concert, you we’re saying, ‘Alam mo, kinikilig ako kapag nakikita ko kayong dalawa. Gumawa na kayo ng pelikula!’ And I was like, ‘Wow, you’re a fan of the team-up?’

“And it’s really cool. Kahit na nag-asawa na kaming pareho, we’re both married, with family and everything, people would still want to see us together on screen.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bunyag ni Charlene, may mga “silent talks” na raw na nangyari tungkol sa muli ngang pagsasama nina Lea at Aga sa pelikula noong mga nakaraang taon.

Kinumpirma naman ito ni Lea.

“There has been, pero, puwede kayang maging physically ready muna kami?

“I think, I had a headstart. I’ve lost a little bit of weight and it’s starting to show. So, it’s his turn na lang.”

Sabi ni Charlene, magbibigay raw siya ng deadline sa dalawa. Abangan na lang daw sa December ang mga ito.

Nakangiting tinanggap naman ni Lea ang hamon nang, “Sige, sige!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN