Steven Silva on StarStruck batchmate Sarah Lahbati: "I really hope that magiging maayos ang sitwasyon niya..."

Nanghihinayang si Steven Silva sa StarStruck batch mate niyang si Sarah Lahbati dahil papaangat na umano ang career niya nang pumutok ang isyu sa pagitan nila ni Atty. Annette Gozon-Abrogar.


Nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilan pang members ng press si Steven Silva sa Sublian Festival ng Batangas City noong July 20, Sabado.

Naitanong sa aktor kung mayroon pa ba silang komunikasyon ng StarStruck batch mate niyang si Sarah Lahbati.

Nagkasama ang dalawa sa StarStruck V, kung saan si Steven ang nahirang na Ultimate Male Survivor at si Sarah naman ang tinanghal na Ultimate Female Survivor.

Matatandaang bumalik sa Pilipinas si Sarah noong July 12, para harapin ang mga kasong iniharap sa kanya at ihanda ang pagsasampa ng mga reklamo laban kina GMA Films President, Atty. Annette Gozon-Abrogar; ICONS executives Bebong Muñoz, Andrew Dee, at Shiela Buendia; pati na rin sa dating head ng GMA Artist Center na si Arsi Baltazar III at handler ni Sarah na si Michael Uycoco.

(Read: Sarah Lahbati’s lawyer clarifies cases against Atty. Annette Gozon-Abrogar not yet filed; GMA Films president "not open to settlement")

Tumulak palabas ng bansa si Sarah noong July 16, pero sinabi niyang hindi sa Switzerland, kung saan nakatira ang kanyang pamilya, ang kanyang destinasyon.


WISHING SARAH ALL THE BEST. Ayon kay Steven, nalaman lang niya na dumating si Sarah mula sa mga tweets ng mga kakilala.

“Hindi ko alam ‘yon tapos ang daming nag-tweet sa akin, nag-message parang, ‘O, andito ‘ata si Sarah.’ Sabi ko, ‘I-message ko nga si Sarah sa Twitter.’

“Sabi ko, ‘Sarah ayokong maging nosy pero andito ka ba sa Pilipinas?’ And sabi niya she’s here.

“After that wala kaming masyadong communication.”

Dagdag pa ni Steven, “Siyempre alam ko yung nangyayari sa kanya.

“Right now, I really hope that magiging maayos ang sitwasyon niya.”

Ani Steven, nanghihinayang siya sa sinapit ni Sarah dahil nakita niyang bago mangyari ang issue sa kanila ni Atty. Annette ay marami nang projects si Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tingin ko lang kay Sarah, parang sayang yung nangyari.

“Kahit sino’ng mali, sino’ng tama or anything, parang sayang talaga because si Sarah naman, bata pa siya.

“Nung nangyari ‘yon parang 18-19 [years old] pa lang siya ’tsaka yung nakita ko kay Sarah last year, parang yung career niya umaangat ang career niya, parang she’s really going to be a star.

"Tapos sakto, I mean after their last [movie] nila ni Richard, umalis siya and after no’n parang wala kami masyadong communication.

“Sayang din, nung nasa StarStruck pa kami ang tingin ko kay Sarah parang kapatid, e.”

Gayunpaman, ipinaabot daw niya na andiyan lang siya para kay Sarah.

“Sabi ko sa kanya, ‘Sarah, if you really ever need someone to talk to, siyempre andito ako.’ And I think she knows that.

"Pero parang si Sarah ngayon, she really... she has a lot of problems [that] she needs to take care of,” paliwanag ni Steven.

LEARNING TAGALOG. Sa nasabing interview ay napansin naming mas matatas na sa pagsasalita ng Tagalog ngayon si Steven. Aniya, nag-aaral daw talaga siya ng Filipino para na rin sa sarili at hindi lang dahil sa career.

“Para di ako mahihirapan, para puwede akong ipasok sa ibang projects, para hindi ako magiging limited sa… ‘Ay, ganito kay Steven medyo mahihirapan siya do’n.’

“Pero para sa sarili ko talaga [so] anywhere I go, puwede akong mag-interact sa tao.”

Nakita raw niya na nag-iba rin ang pakikitungo ng mga fans niya ngayong mas marunong na siyang magsalita ng Tagalog.

“Sa mga mall shows, puro English lang [dati]. Tapos ang napansin ko sa mga mall shows, siyempre masaya na nandiyan ako pero parang may kulang sa connection, so yun din.

“Nung medyo I started speaking more in Tagalog sa mga mall shows, napansin ko rin yung mga tao mas masaya sila, mas lalo silang nagwa-warm sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wouldn’t say na I was learning Tagalog para lang sa mga projects, para sa sarili ko talaga, para I can also improve myself, para di ako mahihirapan sa schedules, mall shows or anything,” pagtatapos ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN