Bea Alonzo on wedding plans with Zanjoe Marudo: “Malayo pa kami doon... Di muna kami magdya-jump into another level.”

Sa showbiz, patuloy na matatag ang relasyong Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Ang sikreto raw nila: “Suportahan lang, as long as nagkakaintindihan kaming dalawa, as long as we bring out the best in each other, yun ang importante.”


Nanatiling matatag at matibay ang relasyong Bea Alonzo at Zanjoe Marudo sa kabila ng ilang intriga na naipukol sa kanila.

Dahil sa nakikitang ito sa dalawa, inaasahan na mauuwi sila sa kasalan sa hindi kalayuang panahon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa in-organize niyang Z Cup para kay Zanjoe.

Birthday gift niya kay Zanjoe ang golf tournament na ginanap sa Capitol Hills Golf and Country Club kahapon, July 21.

Dito nilinaw ni Bea na hindi pa nila napag-uusapan ni Zanjoe ang pagpapakasal at siniguro niya na hindi nila ito itatago sa publiko kung sakaling matutuloy na nga.

Bulalas niya, “Alam mo, nakakaloka na yang mga kasal na ‘yan!

“Buti sana kung laging positive yung mga nasusulat, hindi naman positive.

NEGATIVE VIEWS. Nakakaramdam na rin siya minsan ng pagkadismaya sa mga lumalabas na mga negatibong balita tungkol dito.

“Nakakaloka lang minsan yung mga kumakalat na di totoo, minsan nakaka-offend din.

“Kung mayroon namang ganyan, malalaman naman ninyong lahat.

“Di naman namin ipagdadamot ‘yan, lalong di namin ipagdadamot sa ibang kumpanya ‘yan.”

“Malayo pa kami doon. Alam mo kasi, we have all the time in the world para pag-usapan ‘yan, para gawin ‘yan.

“Ayaw naming i-skip itong stage na ito kung saan dapat nag-e-enjoy kami. Di muna kami magdya-jump into another level.”

Ano nga ba ang sikreto nila’t nananatiling matatag at matibay ang kanilang relasyon?

“Two years pa lang," paglilinaw muna ni Bea kung ilang taon na sila ng boyfriend.

"Suportahan lang, as long as nagkakaintindihan kaming dalawa, as long as we bring out the best in each other, yun ang importante.”

Parehong talent ng ABS-CBN at Star Cinema sina Bea at Zanjoe, pero hindi pa sila nagkakasama sa isang proyekto.

Bukas naman si Bea na magkatrabaho si Zanjoe.

“Siguro pag tumanggap kami ng project together, it really has to be that really, really special.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, pag pinag-uusapan nga namin, mahirap din for us.

“A public figure or a couple na pareho kayo ng trabaho, ang hirap paghiwalayin as it is.

“Pero siguro, kung talaga special yung project na di katanggi-tanggi, we are not closing our doors.”

GOLF TOURNMENT. Alam ng aktres kung gaano kahilig ang boyfriend sa golf, kaya nang nagkaroon siya ng sapat na oras, inayos niya ang tournament para kay Zanjoe.

Kuwento niya, “Kasi alam ko isa ito sa passions niya, e. Alam ko, as much as gusto niyang ginagawa ang pag-arte, gusto niya ring ginagawa ang golf.

“Hayun, naisip ko lang na ito ang bagay na magpapasaya sa kanya, and honestly gusto ko yung first Z Cup niya, masundan.

“Kasi sayang. ’Tapos, we want this to be an annual thing na every year sana magkaroon nito.

“Parang everything fell into place. Katatapos ko lang ng Four Sisters and A Wedding bago siya mag-birthday.

“I’m about to start a new project, so, I’m about to get busy again. Yung window na ito, parang nagkataon din na para talaga sa birthday niya.”

Kung mahusay na sa larong golf si Zanjoe, aminado naman si Bea na hindi pa talaga siya gaanong magaling sa nasabing sport, kahit na nakakaintindi naman siya.

“I do, I do but beginner pa lang ako. Pero di ako magaling.

“I know how to play, I understand the game, pero siguro, di lang ako kasing-addict niya sa golf.

“Siguro, ito yung laro na kailangan talaga ng ano, it takes so much patience sa larong ito.

“Unang-una, halos laruin mo siya ng buong araw, pangalawa, napakainit ng araw.

“Susundan mo yung bola, kailangan ng pasensiya. E, wala akong pasensiya.

Pero pahabol ni Bea, “I love golf.”

Bukod sa Z Cup, may isa pang selebrasyon si Zanjoe para sa kanyang birthday kasama naman ang mga mahal niya sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon, siya naman ang nagplano niyan with our family, dito lang yun.”

TRAVELING. Pagta-travel ang isa sa paraan ng pagba-bond nina Zanjoe at Bea. Kung ilang beses na rin silang nag-travel out of the country.

Hindi ito magawa sa ngayon nina Bea dahil bukod sa busy sked nila ng boyfriend ay na-hold pala ang passport ni dalaga.

“Hay, naku, busy si Z, masyadong busy, hindi ako.

“Saka na-hold sa Canadian embassy yung passport ko. Pupunta kasi ako sa Canada sa 26, e. Dapat pupunta kami sa Hongkong.

“Hayun, na-hold doon sa ano, na-overlook ko. So, wala akong passport, nasa Canadian Embassy.”

GOOD PERFORMANCE. Sa pelikulang Four Sisters and A Wedding, sinasabing nag-shine ang character ni Bea as Bobby dahil sa mahusay na pagkakaganap niya.

Masaya naman ang aktres na marami ang naka-relate sa karakter na mahusay niyang ginampanan.

“Siyempre nakakatuwa. Kahit ako, nagulat na ang daming Bobby sa Pilipinas, ang daming Bobby sa buong mundo.

“Akala ko, iilan lang. So, marami kaming nakaka-relate kay Bobby.

“Maraming dumaraan sa same journey na pinagdaanan ni Bobby. So, nakakatuwa.

“Nakakatuwa na na-put together ni Direk Cathy [Garcia-Molina], ng writer namin na si Ms. Vanessa [Valdez], ang buong istorya na ito, na nag-shine naman ang lahat.”

NEXT PROJECTS. Nababalitang isang pelikula katambal si Dingdong Dantes ang nakalinyang susunod ni Bea sa Star Cinema.

Excited naman ang aktres sa pagtatambal nilang ito ni Dingdong na unang nakasama na ni Zanjoe sa pelikulang One More Try.

“Ang dami kasing naikuwento sa akin ni Z na good things about Dingdong.

“So far, dalawang beses ko pa lang siya naka-meeting and nakikita ko na yung mga sinabi ni Z.

“He’s very professional, very responsible, parang easy to get along with.

“Parang hindi siya mabigat na kasama, katrabaho. So, I’m really excited, I’m truly excited.

“Gaya ng sinabi ni Z, gusto kong may maipakitang bago na baka yung bagong maipapakita na yun, bagong chemistry with another guy, na hindi lang yung usual na ginagawa ko na trabaho ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang A Beautiful Affair ang huling seryeng ginawa ni Bea katambal si John Lloyd Cruz. Marami ang nagtatanong kung may serye bang gagawin ang aktres ngayong taon?

“Mayroon, September, last quarter. After ng movie ko with Dingdong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN