Regine Velasquez answers irate follower on Instagram

“Sino ba kasi ang nagsabi na lilipat ako ha may alam kaba na hindi ko alam?? nakausap mo ba si MVP o si mr Gozon o si Gabby Lopez kaya?? Nakita nyo ba ako sa tv na nagsabing im moving??Paki explain😳,” Regine Velasquez reacted to one Instagram user, who posted messages to Regine and husband Ogie Alcasid about their rumored transfer to other networks.


Bagamat lubos ang pasasalamat ng Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang mga followers, hindi niya naiwasang maglabas ng sama ng loob sa isa niyang Instagram follower.

Ibinahagi ni Regine (@reginevalcasid) sa kanyang Instagram account kagabi, July 21, ang screenshot ng mga messages para sa kanya at sa asawang si Ogie Alcasid ng follower niya na may username na @JessieMentiola.

Ang mga mensaheng ito ay patungkol sa nababalitang paglipat nina Ogie at Regine sa ibang network.

Ayon sa nasabing Instagram user, sana ay huwag na lamang lumipat ng network si Regine.

Naging matindi ang komento nito sa bali-balitang paglipat ni Ogie sa TV5. Anito, sana ay hindi na isama ni Ogie ang asawang si Regine kung totoo ang balita.

Sa unang dalawang larawan na nai-share ni Regine, tanging “hmmm” lamang ang naging reaksiyon niya.

Pero sa huling larawan, dito na ibinuhos ni Regine ang kanyang saloobin.

Mariin niyang itinanong pabalik sa di-kilalang Instagram user, “Sino ba kasi ang nagsabi na lilipat ako ha may alam kaba na hindi ko alam?? nakausap mo ba si MVP o si mr Gozon o si Gabby Lopez kaya?? Nakita nyo ba ako sa tv na nagsabing im moving??Paki explain😳”

Umangal din ang singer-actress sa masyadong pagiging personal ng mga mensahe ng Instagram user.

Ani Regine, “At higit sa lahat matutuwa ba ako na iniinsulto nyo ang asawa ko?? Kung ikaw ako matutuwa ka ba?😠

“Masyado naman po yatang personal na ang atake. Trabaho lang po ito wala pong personalan. Again taos po sa puso ko ang pasasalamat ko sa inyong lahat na sumuporta sa akin.😊”

Sa kanyang sumunod na post, humingi ng pasensya ang local diva sa kanyang “madamdaming” post.

Aniya pa, “I don’t understand why some of you would alway blame my husband for anything and everything gooooooosh😔”

Inihayag rin ni Regine na, “Ang bait bait po ng asawa ko he doesn’t deserve all that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nagbigay ng paalala si Regine sa mga fans.

Aniya, “Sobra na po akong na wiwirdohan 😳bakit po parang Diyos ang turing nyo sa mga artista hindi po kami Diyos tao lang po kami.”

Narito ang kabuuang mensahe ni Regine sa kanyang Instagram (published as is):

“Lastly hmmmmmm😳hindi ko alam close pala tayo na kailangan mong tanggapin ang asawa ko😄

“Actually hindi ko masyadong naiintindihan kung bakit parang magugunaw na ang mondo kung lilipat ako??😳

“Ah mawalang galang na po pero BUHAY KO PO ITO😄

“At sino ba kasi ang nagsabi na lilipat ako ha may alam kaba na hindi ko alam?? nakausap mo ba si MVP o si mr Gozon o si Gabby Lopez kaya?? Nakita nyo ba ako sa tv na nagsabing im moving??Paki explain😳

“Malaki po ang pasasalamat ko sa inyong lahat sa patuloy ninyong pag suporta sa akin,😊 but as you can see i don’t appreciate being told what to do or being patronized. O ha ingles yan ha.😄

“At higit sa lahat matutuwa ba ako na iniinsulto nyo ang asawa ko?? Kung ikaw ako matutuwa ka ba?😠

“Masyado naman po yatang personal na ang atake. Trabaho lang po ito wala pong personalan. Again taos po sa puso ko ang pasasalamat ko sa inyong lahat na sumuporta sa akin.😊

“At day bago ko i consider ang feelings mo try mo rin kaya i consider ang feelings ko o ng asawa ko pag iniinsulto mo sya ha try lang, payong Kapatid lang O Kapamilya O Kapuso.

“Pasensya na po kayo sa madamdamin kong las post.

“I don’t understand why some of you would alway blame my husband for anything and everything gooooooosh😔 Ang bait bait po ng asawa ko he doesn’t deserve all that. Sa totoo lang po mawalang galang na po uli pero sobra na po akong na wiwirdohan 😳bakit po parang Diyos ang turing nyo sa mga artista hindi po kami Diyos tao lang po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po masamang humanga ako man ay isa ring tagahanga.Pero para po sakin isa lang ang karapat dapat na sinasamba at hinahangaan........... Jesus gave his life for all of us,he and only he deserves to be praised.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN