Jackie Forster wants sons Andrei and Kobe to know: "I never abandoned them."

Gustong iparating ni Jackie Forster sa mga anak na sina Andrei at Kobe na, “Gusto ko, klaro sa kanila na hindi ko sila iniwan—never.”


Nung Linggo, July 21 ay bumalik na sa Malaysia si Jackie Forster.

Nakapanayam pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie nung gabi ng Sabado, July 20, sa isang event sa Quezon City at doon niya nabanggit na pinag-iisipan niyang bumalik sa showbiz.

(READ: FIRST READ ON PEP. Jackie Forster mulls showbiz comeback with Manila stopover; extends message to sons: “I’m just waiting for them to come back.” )

Pero bago siya umalis, nakapagpaunlak pa siya ng ilang interviews, kabilang na nga ang one-on-one kay The Buzz host Boy Abunda.

Sa inereng taped interview ng nabanggit na Kapamilya showbiz talkshow nitong nakaraang Linggo, nagbigay muna ng backgrounder ang programa tungkol kay Jackie.

Kasabayan ni Jackie nang i-launch sa First Time, Like A Virgin sina Sunshine Cruz at Karla Estrada.

Malaon ay nakapareha niya sa pelikulang Mga ‘Syanong Parak ang basketball superstar noon na si Benjie Paras, at makalipas ang isang taon, nagpakasal na sila.

Labing-anim na taong gulang pa lamang si Jackie nang isilang niya ang kanilang panganay na anak na si Andrei.

Makalipas naman ang dalawang taon, ang pangalawa nilang anak na si Kobe ang isinilang.

Pero, noong 2001, nagsimulang lumabo ang pagsasama ng mag-asawa kung kailan din nag-umpisang mag-pose si Jackie sa mga men’s magazine.

At sa kalaunan, nagsampa na ng annulment ng kanilang kasal si Benjie, na naisakatuparan naman pagkatapos ng dalawang taon.

Sa ngayon, sa Malaysia na naka-base si Jackie kasama ang kanyang Dutch husband at dalawa nilang anak.

Pero, kailan lang, lumabas ang mga isyu sa pagitan ni Jackie at ng kanyang dalawang anak kay Benjie.

Humantong pa sa pagpo-post ng video ni Jackie para sa dalawang anak, pero, ayon sa report ng PEP ay hindi pinanood ng kanyang dalawang anak.

(READ: Jackie Forster apologizes to sons with Benjie Paras through music video; Andre and Kobe refuse to watch video)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MALAYSIA-BASED. Sa interview ni Boy kay Jackie sa The Buzz, tinanong muna ang dating aktres kung bakit hindi na siya ngayon naka-base sa Pilipinas.

Sagot ni Jackie, “I’m basically a housewife, I’m a full-time mother.”

Dalawa ang anak ni Jackie ngayon sa kanyang Dutch husband, isang lalaki at isang babae.

Tinatanong na ba ng mga ito ang mga kuya nilang sina Andrei at Kobe?

“Yes, they know them, from day one, nakataas na ang mga litrato nila sa bahay,” tugon naman ni Jackie.

Kagaya ng mga nauna nang interview kay Jackie, pinaabot niya sa mga anak na sina Andrei at Kobe ang kagustuhang muling makakunekta ang mga ito.

Gusto niyang marinig ng mga anak ang kanyang istorya.

“Definitely, I want this story to reach my children.

“Like I’ve said, there’s no other way.”

Ano nga ba ang kuwento na gusto niyang makarating sa kanyang mga anak, kina Andrei at Kobe?

“That I never abandoned them,” pahayag ni Jackie.

“That’s the most important thing because that’s the most devastating.

“Masakit yun para sa tao, lalo na sa bata, na iwanan ka, di ba?

“Gusto ko, klaro sa kanila na hindi ko sila iniwan—never.”

Sa kanyang palagay, iniisip ba nina Andrei at Kobe ba inabandona niya nga ang mga ito?

“Of course,” mabilis niyang sagot.

Gusto ba niyang makita ang mga anak?

“Of course. That’s what this all thing is all about—I just want them back in my life—that’s all I want.

“I may have moved away a little bit, but that was…for everybody’s benefit.

“And I don’t think it’s selfish to want that for yourself.

CUSTODY. “But if I could have, I would have taken them with me.”

Pero hindi na raw niya puwedeng gawin noong panahon na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inisip ni Boy na ang dahilan ay ang kustodiya sa mga bata na kay Benjie naibigay ng korte.

Pero ayon kay Jackie, “It wasn’t granted to him, it’s something that, I think, should be clear.

“I gave him custody because I’m gonna go to school first.

“When I gave him the custody because I’m leaving the country, the reason why I allowed him to take the kids was because of…

“In case of an event like medical emergency or something happened in the Philippines, Benjie will have the right to decide.

“He doesn’t need my consent. So, the trust was there, that particular point between us.”

Sa mga nangyari at nangyayari, nagsisi ba siya na ibinigay niya ang karapatan na yun kay Benjie?

Matagal bago nakasagot si Jackie at doon na ito nagsimulang maging emosyonal.

Aniya, “I don’t say I regretted it because, I have my husband now.”

Dugtong pa niya, “I really can’t see my life without my husband, I can’t see my life without Jared and, especially, Caleigh.

“At that time, Tito Boy, I wanted to do what was best because at that time, I don’t think I am financially capable, right?

“I don’t have a stable job. It would been the best just to take them in, I was preparing my life.

“At that time, when Benjie and I were speaking, it was the best decision.

“At hindsight, do I regret it because they were taken from me and I wasn’t able to see them?

“Yes,” sagot ni Jackie sa kanyang tanong.

LAST SEEN. Kailan ba niya huling nakita ang dalawang anak niya kay Benjie?

“Technically, when I was pregnant with Caleigh, I saw them at a mall, in a restaurant, by accident.

“Pagpasok namin sa restaurant, nandoon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And of course, my heart dropped and medyo nag-panic nang konti ang asawa ko, kasi, hindi nga ako dapat ma-stress.

“So, we stepped outside and my husband asked me if I wanted to see them or talk to them.

“I said, of course. Then, I went to their side and I said, ‘Hi.’ That was the last time.”

Kumusta naman ang naging reaksiyon ng mga anak nila?

“That’s actually difficult. I can’t…

“This is actually between my children and I because… I mean, Benjie and I have our separate lives, right?

“And I’d like to think that we’re both happy with our lives.

“So, what’s important is, yung mga bata—what’s right for them.

“And sino ba ang ina na may ayaw ng pinakamabuting situwasyon, pinakamagandang pangarap para sa mga anak nila, di ba?

Ayon pa kay Jackie, “Granted, maybe, I did things that are… weren’t the best at that time, but now…”

Paano kung sinasabi naman ng mga tao rin na bakit ngayon lang?

“Tito Boy, mula noong umalis ako ng bansa noong 2007, ilang beses akong umuwi para makita sila.

“Minsan, kapag tumawag ako, sasabihin, ‘O, sige.’

“Pagdating ko sa pintuan, hindi ako pinagbubuksan or sabihin, ‘They have basketball games, they have exams.’

“There’s always something, there’s always something.”

ALWAYS IN TOUCH. Ayon pa rin kay Jackie, kahit daw nasa ibang bansa siya, basta maisip niya ang mga anak, nagte-text daw siya.

Ilan sa mga tine-text o mensahe raw niya sa mga anak, “I miss you. I’m thinking about you.”

Sa cellphone number raw ni Benjie siya nagti-text ng mensahe para sa mga anak.

Diretsahan namang tinanong ni Boy si Jackie kung ano ang nangyari o ano ang nagawa nitong tama o mali man, para ang relasyon niya kina Andrei at Kobe ay mauwi sa ganito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umiiyak na pahayag naman ni Jackie, “I don’t understand.”

Isa sa mga anak niya ang nagsabi na, ‘Give us space, Mom, dahil na-trauma kami the last time we saw you.’

Naiintindihan ba ni Jackie yun?

“I understand that, but I don’t understand what led to this point—it’s so hard for me to understand it.

“Everything was okay, everything was okay until that court documents became legal.”

DOING THEIR BEST. Sa puntong ito, umiiyak na nakiusap si Jackie na i-off muna raw ng The Buzz ang camera dahil ang sasabihin niya ay para na lamang sa kanya at kay Boy.

Nang magsimulang mag-record na uli ang camera, ikinuwento naman ni Boy kay Jackie na nakausap niya nang personal si Benjie.

At ayon daw kay Benjie, “Boy, it’s not easy. I am doing everything to make it work between Jackie and the boys.”

Ano ang nais niyang sabihin sa naging pahayag ni Benjie na yun?

“Ayoko, ayoko kasing makipag-away, di ba? Kasi, tapos na, tama na ang gulo.

“Nandito ako para makiusap, nakikiusap ako, na kung talagang he’s doing his best to make it work, why can’t he call me?

“I feel like, things will only get better once we face the music and talk about everything that... What is it that’s too traumatic? How did I hurt them?

“Emotionally, I’m sure, masakit sa kanila na umalis ako.

“I’m sure, ang daming mga ibang stories na pumapasok sa utak nila kasi, that space, that distance between us has been too long—masyado nang matagal.

“The last time I held them was eight years ago but the last time that we were together is going to be ten years this December.”

Isang “No,” naman ang isinagot ni Jackie sa tanong na bilang isang ina, naniniwala ba siya na ayaw nga siyang makita ng kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang prayer niya ngayon?

“I pray that we can be together, I pray every day that I can watch them grow-up.

“I can help them… choose girlfriends,” natawa rin na sabi niya pero naluluha.

“There’s so many things—I want to help them when they go to prom, I want to help them bring to their friend’s house.”

Binanggit ni Boy na pagdating sa kanilang stepmother, ang asawa ngayon ni Benjie, magaganda raw ang mga salitang binibitawan nina Andrei at Kobe.

Wala raw problema kay Jackie sa bagay na ito.

Aniya, “No, I don’t live with them.

“Of course, I’m grateful that she’s helping raise them.

“But, I’ll be happier if she, as a wife, would also help make things better. That’s it.”

VIDEO MESSAGE. Yung video na ginawa niya para sa dalawang anak at pinost sa YouTube, ano ang intensiyon niya nang gawin ito?

“Exactly what the music said—just remember me, remember that we had good times—remember that, stick to that.

“It’s impossible that they don’t remember, I was there until they were six or eight.”

Nasaktan ba siya noong malaman niya na hindi naman daw pinanood ng mga anak niya ang video?

“When you do things, you also need to manage yung expectation, di ba? Para hindi rin masakit.

“But my heart is telling me otherwise.”

Tumango si Jackie nang sabihin ni Boy na ang puso niya, sinasabi na napanood ng dalawang anak niya ang ginawang video.

WHAT NEXT? Pagkatapos ng interview niya na yun sa The Buzz, ano na ang mangyayari?

“I just leave everything to the Lord, I can only do so much, so, it’s not really up to me.

“Because at the end of the day, ayoko rin isipin ng mga tao na pinipilit ko ang sarili ko sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi ba siya titigil hanggang sa makita nga niya ang dalawang anak?

“I’ll make ways,” sabi niya.

Hindi rin siya titigil na mahalin ang mga anak niya?

“Never, they are my children, nothing will ever change that.”

Ano ang gusto niyang sabihin sa mga anak niya na hindi nito dapat kalilimutan?

Ayon kay Jackie, “’Life is short, it’s too short. Just be happy and live in love.’ I always say that.”

Sa laban na ito, kaya ba niyang magpakumbaba sa mga anak niya?

“Yes, I think, this is what it’s all about.

“That’s why I don’t mind sharing my story and telling people that nakikiusap ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN