PEP FORUM: What do politicians think of PNoy’s fourth State of the Nation Address?

Bagamat mahaba ang SONA ni PNoy, ilan sa mga pulitiko— gaya nina JV Ejercito, Lucy Torres-Gomez, Loren Legarda, Pia Cayetano, at Alan Peter Cayetano— ang natuwa sa improvements at plans ng Pangulo.


Ginanap ang mid-term State of the Nation Address (SONA) ni President Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon, July 22, sa Plenary Hall ng Batasang Pambasa sa Quezon City.

Pagkatapos ng 55-page speech ni PNoy, ilang pulitiko na nakapanayam ng media kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay natuwa sa narinig.

Ilan sa kanila ay aminado ring may ilang bagay na nakaligtaang banggitin ng Pangulo sa kanyang talumpati.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga pulitiko sa katatapos lang na SONA:

SEN. JINGGOY ESTRADA. Napabilib sa achievements ni President Aquino ang acting Senate President kahit na napakahaba raw ng speech.

Aniya, “It’s a very, very impressive speech, despite the fact that it’s just quite long.

“I think this was the longest speech of a President, ’no?

“It took one hour and forty five minutes, I supposed. But he touched all the accomplishments in all departments: labor, tourism, culture, justice, yung department of Science and Technology.”

SEN. LOREN LEGARDA. Sumang-ayon naman dito si Loren na inilista pa lahat ng mga ikinatuwa niya sa mga tinalakay ni PNoy.

“Mula sa housing, electrification, edukasyon, health care hanggang sa TESDA at natutuwa ako binigyan niya ng diin ang TESDA dahil yung aking batas na Barangay Kabuhayan, ang TESDA ang siyang nagpapatupad.

“Binanggit niya ang classrooms, ang 156 million na ating PDAF [Priority Development Assistance Fund] ay nasa 1 town, 1 classroom project.

“Ako’y natutuwa hanggang sa pag-angkat ng bigas at yung pagbaba ng ating pag-angkat ng bigas ay kanyang dinetalye.

“At ako’y natutuwa sa pagbibigay ng halaga sa agrikultura, ang Project Noah.

“Binaggit din niya ang ating PhilHealth, Universal Health Care.

“Ngayon nga ay 81 percent na ng ating populasyon ay sakop ng ating health care program at yung nalalabi na lang na 19 percent ay sa tulong ng ating mga LGUs [local government units] ay ma-identify na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very comprehensive ang kanyang naging... pati housing, pati ang benepisyo ng ating AFP, PNP ay binanggit ng ating Pangulong Aquino."

Aniya pa, ang dating negatibo ay naging positibo na ngayon.

“Ang nagustuhan ko rin, na-humanize niya yung State of the Nation, yung ating pagbibigay pugay sa mga sektor na dati’y binabatikos, gaya ng kapulisan, ay binigyan ng halaga.

“He showed us the good in the Filipino.

“He makes us proud to be Filipino, he shows us the good in the Filipino.

“Sa kanyang pagbibigay ng ehemplo sa mga lingkod bayan ay ito’y magiging inspirasyon sa marami sa atin para tumulong, para mapatuwid.

“At saka nung binaggit niya yung 7.8 percent growth, ang sabi niya, wag na raw intayin ang trickle-down effect. I was very happy about that kasi gusto ko talaga siyang tulungan para makamit ang ating tinatawag na inclusive at sustainable economic growth.”


SEN. ALAN PETER CAYETANO. Mataas din ang rating ni Alan sa overall report ni PNoy tungkol sa kasalukuyang lagay ng bansa.

Aniya, “Very high because nakita ko rito yung mga acknowledgements niya sa pagkukulang sa ekonomiya at nakita ko, marami pang kailangang baguhin.”

Pabor si Alan sa mungkahi ni PNoy na magbigay ng incentives sa mga civil servants na nakakagawa ng magagandang achievements at tanggalin ang mga nagkukulang sa serbisyo. Pero importante raw na makita kung paano ang implementasyon.

Saad ni Sen. Alan, “Well, siyempre titignan mo in good faith yung facts and figures na binigay niya, ngayon ay tine-take mo at face value.

“Pero sa bawat bill na nilatag diyan, nasa detalye kasi ang labanan diyan, e.

“So I think in principle, in concept, wala namang may ayaw dun sa nabanggit niyang bills.

“So halimbawa, sa Civil Service, sino ba namang may ayaw na pagka mabuti ang ginawa, may incentive, pag masama, tanggalin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero paano mo gagawin yun nang hindi aabusuhin?

“E, baka naman ang gawin ng iba pag siya na ang head ng office, lahat ng hindi niya tao, tanggalin niya at ilagay niya yung mga tao niya, di ba?

“So in concept, maganda yung sinabi ng Pangulo, and I think mabilis na mapag-uusapan sa Senado ’yan, pero paano yung detalye na yung intent masunod talaga, na yun ang mabusisi.”

SEN. NANCY BINAY. Ang nagustuhan naman ng anak ni Vice President Jejomar Binay, naging "consistent" si PNoy sa mga nais niya para sa bansa.

Aniya, “Okay naman. Sabi ko sa kanya consistent, he has always been consistent with his anti-corruption advocacy."

Alin sa mga nabanggit ni PNoy ang nagustuhan niya?

“Halos lahat ng sinabi niya ay mahalaga pero siyempre, sa akin, malapit sa akin yung ano, e, yung housing.”

Isa pang bagay ang sinang-ayunan ni Nancy ay ang pakiusap ni PNoy sa sambayanang Pilipino na makiisa at magtulungan upang mas mapadali ang pagbaybay sa daang matuwid.

Pagsang-ayon niya, “I agree with him, it’s our duty. All of us, hindi lang kaming mga nagtatrabaho sa pamahalaan, tayong lahat, tayong lahat na Pilipino, dapat magtulungan tayo.”

SEN. PIA CAYETANO. Ang advocate ng women’s rights and welfare na si Senator Pia Cayetano ay kuntento rin sa naging SONA ni PNoy lalo pa’t kasama rito ang RH Law, na nakatakdang magkaroon second hearing para tuluyan nang maipatupad.

Saad ng senadora, “I do believe na over and above na nabanggit naman niya ang karamihan ng mga issues.

“It’s impossible naman, I think it would be nitpicking.

“I can mention a few but it would be nitpicking to say na, ‘Bakit hindi nabanggit ’to? Bakit hindi nabanggit ’to?’

“Over and above, it’s a general report on the highlights and I’m sure if there are other concerns na hindi nabanggit or nabigyan ng pansin e because we have a good working relationship, e. Maa-address pa rin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CONG. LUCY TORRES-GOMEZ. Positibo rin ang reaksiyon ng representative ng 4th District of Leyte na si Lucy Torres-Gomez.

Saad ni Lucy, “I think, I liked it very much. I think it was very clear kung ano yung core ng President.

“Simple, simple leadership but participatory leadership that appeals [to people] from the streets and the countryside, so ang ganda.

“And I loved how he ended it yung he started very— he started really as a leader, as a President, but in the end, he says ‘I’m a Filipino at ang sarap maging Filipino.’

“I thought that was very nice.

“Gusto ko yung he was delivering it in spontaneous Tagalog and with qualitative data and then yung speech niya kumbaga, may theme, hindi yung kalat.

“Klaro na yung gusto niya is to empower people’s lives, to address talaga poverty, para magkaroon ng dignidad yung tao. So, very cohesive.”

CONG. MANNY PACQUIAO. Papuri rin ang ibinigay ni Saranggani Represantative Manny Pacquiao para kay PNoy. Pero amindo ito na kailangan ng suporta ng mamamayan upang maabot ng Pangulo ang lahat ng kanyang target sa pagtatapos ng kanyang termino.

Saad ni Cong. Manny, “Maganda, maganda naman.

“Marami tayong nakita, yung mga sinabi niya nung mga nakaraang taon— last two years— at naging positive naman yung naging resulta ng mga proyekto niya.

“Although may tinatarget pa tayo hanggang 2016, kaya naman natin maabot yun basta’t magkaisa lang tayo at suportahan natin ang Pangulo.

“Hindi kaya ng ating Pangulo ’yan kung siya lang. Kailangan nating lahat—buong sambayanang Pilipino—na tulungan natin siya, na suportahan natin siya.”

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA. Pinagtuunan naman ng pansin ng dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor na si Joseph Estrada ang paglalaan ni PNoy ng mas malaking budget para masolusyonan ang patuloy na problema ng bansa sa polusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “The sick man of Asia before is now the Tiger of Asia. So, I think we are really growing up in terms of our economic growth.

“I’m very glad that he [placed] a big budget on the dredging of esteros and the relocation of the informal settlers.

“That’s good, that will greatly minimize the flooding in Manila, the whole of Metro Manila.

AKBAYAN SPOKESPERSON RISA HONTIVEROS. Isa raw “classic SONA” ang mensahe ngayon ni PNoy dahil marami ang na-touch o naging emotional.

Aniya, “Well, maraming kasabay ko sa paglabas ang nagsabing na-touch sila, pinaka-emotional daw na speech ito, bukod sa pinakamahaba. So, na-move sila o na-inspire.

“And, I guess it was a classic SONA para sa midterm.

“Ngayon na tatlong taon na tayo sa daang matuwid, panahon na na manawagan sa repormang walang patid na with a goodwill na meron ang mamamayan sa ating gobyerno.”

Ngunit payo naman ni Risa, kailangan pa ng mas malaking hakbang ni PNoy sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.

Aniya, “Dapat mag-take pa ng bolder steps si President Noy para sa mas malawak at mas marami pang reporma lalo na sa ekonomiya.

“Dito sa economic growth na ipinagmamalaki natin, kailangan mailagay front and center ang mamamayan sa growth na ’yan.

“Lalo na yung mahihirap na karamihan wala rito sa House [of Representatives] ngayon, lalo na yung mga batayang sektor.”

VIEW SONA gallery (first part)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN