SONA 2013: A positive and promising report on progress; celebs react using "quotable quotes" from PNoy’s speech

"Napakasarap maging Pilipino sa panahong ito," was among the top favorite quotes of Netizens, including celebs, taken from President Noynoy Aquino’s fourth State of the Nation Address.


Sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino Jr., muli nitong inilatag ang pangako niyang "daang matuwid" tungo sa pag-asenso ng Pilipinas.

Inumpisahan niya ang talumpati ilang minuto bago mag-alas-kuwatro ng hapon ngayong araw, July 22, sa Plenary Hall ng Batasang Pambansa sa Quezon City.

Mahaba at puno ng datos ang SONA na inumpisahan ni PNoy sa pamamagitan ng pasasalamat sa suportang ibinibigay ng taumbayan sa kanyang administrasyon, kabilang na ang pagkapanalo ng siyam na senador na kanyang ikinampanya noong nakaraang May 2013 election.

Aniya, ang patuloy na pagdami ng mga “kakamping makikisagwan sa iisang direksiyon” ay makakatulong sa pagpapatuloy ng kanyang mga layunin sa gobyerno, sa pamamagitan ng stratehiyang pagsagad ng oportunidad para sa lahat, lalo na para sa mas nangangailangan."

Ipinagmalaki ni PNoy sa kanyang talumpati ang mga proyektong nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na taon.

Kabilang dito ang pagtaas ng GDP (Gross Domestic Product) rating mula 6.8% noong 2012 sa 7.8% nitong unang quarter ng 2013, pagtaas ng employment rate ng mga gumagradweyt sa TESDA, ang pagdami ng nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Project, ang pagpapatupad ng K To 12 education system na naglalayong itaas ang kalidad ng edukasyon, pagbaba ng antas ng rice importation, paglawak ng Z Benefit package ng PhilHealth, ang pagsulong ng Project Noah, at marami pang iba.

Bagamat marami nang nagawa ang gobyerno, hindi naman ikinaila ni PNoy na napakarami pa ring kailangang ayusin at gawin upang magtuluy-tuloy ang inaasam na pag-asenso.

Ilan nga sa mga proyektong nakapila o nais isulong ng Pangulo sa darating na taon ay ang pagpapatayo o pag-aayos ng ilang malalaking imprastraktura, gaya ng NLEX-SLEX Connector Road, pag-aayos ng NAIA, Integrated Transport System, pagtatayo at pag-aayos ng ilang paliparan sa mga probinsya, at iba pa.

Ibinalita rin ni PNoy na bukas, Hulyo 23, ay isusumite niya ang proposed 2.268 trillion budget for 2014 sa kongreso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, hindi pa rin nalilimutan ni PNoy ang babalang binitiwan niya noong 2010 na papanagutin ang mga tiwaling empleyado ng gobyerno.

Binanggit niya ang ilang mga kasong kasalukuyang iniimbestigahan ng administrasyon na may kinalaman sa katiwalian at pangungurakot.

Inabot ng isang oras at 43 minuto ang talumpati ni PNoy, at sa huli ay ibinalik niya sa taumbayan ang tagumpay na natamasa ng gobyerno sa loob ng nakalipas na taon.

“SONA po ninyo ito,” wika ng Pangulo na kinikilala ang kanyang kababayan bilang kanyang “boss.”

WHAT DO CELEBS SAY? Samantala, maging showbiz personalities ay tinutukan ang talumpati ni PNoy, at ilan sa kanila ay nagpahayag ng reaksiyon sa pamamagitan ng social networking sites.

Sa Facebook, inilathala ni Vice Ganda, na kasalukuyang nasa London, ang kanyang reaksiyon: “If Pres. Noynoy Aquino has a SONA, well, VIce Ganda has a VONA. ViceOftheNationAddress. And this is what i have to say.

“Were we satisfied with the the president’s performance. Are we? Will we ever be? Was there ever a perfect president? Was there any era that we never complained about the administration?

“We were not, are not, and will never be satisfied with the president’s performance. Because we are men. we are never content. Because we always ask for MORE!

“We always expect for more. We demand for more. And it is easier to complain than appreciate. PNoy is not a perfect president. But atleast we have a GOOD one. At last!

“He has been working hard. Lets value. There are things he can do. Lets support him. There are things he cannot do. Lets help him. Lets do it. With him.

“JFK once said ’Ask not what your country can do for you. Ask what you can do for your country.’ If we’re not satisfied. Lets move. Lets work. NOW. Lets not waste time by just complaining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Go for productivity. Be an asset not a liability. Lets not always use our mouth. Lets work hand in hand. Back to back. Two or more heads are better than one. I tried it. Its fun!”

Ang TV host na si Bianca Gonzalez, na kamakailan ay naipit sa isang kontrobersiya dahil sa isang tweet niya tungkol sa mga informal settlers, ay nagsabi sa Twitter na, “Ang daming quotable quotes!” patungkol sa talumpati ng Pangulo.

“Kasama na diyan ang.. ‘SONA mo ito,’ dagdag pa niya.

“Long, but covered a lot. Good job on education, agriculture, tourism, and on calling out corrupt bureaus.

“Sana more on transportation, OFWs, and FOI. At sana before 2016 may major across the board wage increase to answer price increase,” sabi pa niya sa dalawang magkasunod na tweets.

Ang maiksing tweet naman ng The Voice of the Philippines co-host na si Robi Domingo: "Napakasarap maging Pilipino sa panahong ito."

Ito ang huling linyang binitiwan ni PNoy sa kanyang talumpati, na nagpapahiwatig ng isang magandang hinaharap kung magpapatuloy ang pagkakaisa ng lahat sa gitna ng daang matuwid.

Ang wika naman ni Enchong Dee sa Twitter din, “If ill have another leader in d future as competent & true as PNoy, I dont mind serving d Country. ‘Ang sarap maging Pinoy ngayon’”

Tumutok din ngayong hapon sa SONA si KC Concepcion, at sa isang Instagram post, ibinahagi niya ang isang quote mula sa speech ng Pangulo: “Pilipinas, kayo ang aking lakas. Kayo ang sisigurong magpapatuloy ng ating nasimulan.”

Ang paboritong linya naman ni TV5 host Paolo Bediones ay, "Saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha?"

Ito ang tanong ni PNoy sa mga corrupt na mambabatas at opisyal ng gobyerno. Inilarawan pa ni Bediones ang linyang ito bilang “succinct.”

CELEBS AT SONA. Si Assunta De Rossi naman, na naroon mismo sa Batasang Pambansa upang samahan ang asawang si Congressman Jules Ledesma ng Negros Occidental, ay sinabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na, “It’s nice to know na marami siyang na-accomplish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was really long but at least, di ba, it was long but direct to the point.

“For me, it would really make me happy kung maipamahagi na iyong lupain sa Hacienda Luisita, kasi that’s what we are doing with our workers, e.”

May mga ilang isyu naman ang ninais sana ni Assunta na nabanggit ng Pangulo sa SONA.

“I was just there to listen, to support my husband. That’s it. Wala namang anything, wala namang ding expectations or dapat ganito, dapat ganyan.

“Although for me talaga, kasi pinakamalapit talaga sa akin ang land reform because we’re doing that, we’re about to give away our wealth to the workers.

“I think iyon talaga ang dapat pagtuunan ng pansin because it’s really an issue, it’s a big issue and malapit sa puso namin iyon.”

Ang aktres na si Charee Pineda, na konsehal sa Valenzuela, ay nagbigay din ng kanyang reaksiyon sa SONA ni PNoy.

“It’s my first time at nakakatuwa lang dahil lahat ng mga projects talaga, ultimo iyong mga nagawang deeds ng pulis na... iyong pag-appreciate sa mga nagagawa ng kapulisan, talagang nasama pa sa SONA.”

Sinang-ayunan din ni Charee ang panawagan ni PNoy na magbitiw na lang ang mga government officials na hindi kayang sumunod sa patakaran.

“Tama lang naman siguro iyon. Kung hindi ka… kung satingin mo hindi ka makakapag-deliver or kung sa tingin mo hindi mo siya mahaharap, siguro might as well ano na lang, para may isang umupo at makapag-serve sa mga tao ng kailangan nila.”


(VIEW SONA gallery part 1)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN