Newly-elected senator JV Ejercito gets advice from half-brother Senator Jinggoy Estrada to be "diligent and careful"

Payo ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada (gitna) sa kanyang mga anak na senador na sina Jinggoy Estrada (kanan) at JV Ejercito (kaliwa), laging isipin ang kapakanan ng mga mahihirap na mas nakararami. Nagkausap ang mag-aama sa isang closed-door meeting kahapon bago nagbukas ang sesyon sa Senado.


Hinikayat ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang kanyang dalawang anak na senador na sina Jinggoy at JV Estrada na ayusin ang anumang hindi pagkakaintindihan at magkakaroon ng kooperasyon sa pagtatrabaho sa senado para maibigay nila ang serbisyong nararapat para sa taumbayan.

Matatandaang nung kasagsagan ng kampanya nung Mayo, nagpakita ng senyales ng pagkakasundo ang magkapatid sa ama na sina Jinggoy at JV.

(READ: Congressman JV Ejercito buries hatchet with half-brother Senator Jinggoy Estrada)

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na dati’y hindi talaga magkasundo sina Jinggoy at JV.

Anak ni Mayor Erap si Jinggoy kay Dra. Loi Ejercito na dati ring senador, habang si JV naman ay sa kasalukuyang mayor ng San Juan City na si Guia Gomez.

Sa ulat ng news website ng TV5 kahapon, July 22, sinabi rin ni Erap na meron daw mga taong ayaw maging malapit sa isa’t isa ang kanyang dalawang anak.

Matagal nang napapabalitang may hindi pagkakaunawaan ang magkapatid sa ama.

Pero ayon kay Mayor Erap, “Blood is thicker than water. They’ll always be together.

“I just want to show the public that we are one. I love both of them.”

Bago pa nagbukas ang session ng senado kahapon ng umaga, nag-courtesy call ang nakababatang Estrada sa opisina ng kanyang kuya, na noong mga oras na iyon ay nagsisilbi pang acting Senate President.

Kahapon ay hinirang na bagong Senate President si Senator Franklin Drillon.

Habang nasa closed-door meeting ang dalawa, dumating sina Mayor Erap at former senator Loi Ejercito at sinamahan nito ang dalawa sa meeting.

Matapos ang meeting, sinabi ni Erap na, “We’ll always be together because we only run for one purpose and goal in life—to uplift the life of the less-fortunate people of our country.”

Sinabi din daw niya sa mga anak sa kanilang pulong na palaging alalahanin ng mga ito ang mga mahihirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I couldn’t be just an Estrada.

“As a movie actor they [the poor] were the ones who patronized my movies. And when I ran for public office, it was the poor people who voted for me all the way up to the presidency.

“Up to now, as mayor of the city of Manila, it’s the poor people behind me all the way.”

Dagdag pa ng dating pangulo,“So, I advise my two sons to always to think of the poor, the greater good for the greatest number.

“Because the greatest number here are the poor people. [I told them this so] that you can at least uplift the lives of poor people.”

Sa tanong naman kay Sen. Jinggoy kung bakit sinamahan sila ng ama sa meeting, sinabi nitong inimbitahan nila ito bilang isang dating senador at pangulo ng bansa.

Hindi naman siya nagsalita kung ano ang pinag-usapan nila ng kapatid sa closed-door meeting.

Pero, ikinatuwa raw nito ang ginawang pagko-courtesy call sa kanya.

Saad ni Sen. Jinggoy, “I gave him some advice as an elder brother and a senior member of this chamber.

“Of course, I have the duty to give him pointers. Like, you always have to be prepared when coming to the Senate.”

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Sen. JV na ang isa raw sa mga pointers na ibinigay sa kanya ng kapatid ay ang pagiging “diligent and careful” sa paggawa ng privilege speech.

Aniya, “Well, sinabi niya, ibang level ito, you have to be prepared.

“Kung may gagawin kang privilege speech, dapat walang loopholes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN