Charee Pineda says JM de Guzman is now recovering

Ayon kay Charee Pineda, nakausap niya kamakailan ang ina ni JM de Guzman at sinabing bumubuti na ang kalagayan ng aktor. Matatandaang sinabi kamakailan ni Roniel de Guzman, ama ni JM, na hindi na magagawa ng anak ang Pedro Calungsod movie dahil sa “health reasons.”


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charee Pineda kamakailan sa isang event at inusisa namin siya tungkol sa dati niyang katrabaho na si JM de Guzman na nagpapagaling ngayon.

Tugon ni Charee, nakausap daw niya kamakailan ang ina ng binata at sinabing bumubuti na ang lagay ni JM.

“Hindi ko kasi siya [JM] nakita, pero yesterday, kausap ko yung mom niya. Naka-recover naman siya,” tugon ni Charee sa Kapuso Festival na ginanap sa Sublian Festival ng Batangas City noong July 20, Sabado.

Nagkatrabaho sina JM at Charee sa Angelito: Ang Batang Ama at ang sequel nitong Angelito: Ang Bagong Yugto na parehong umere sa ABS-CBN.

Umaasa rin si Charee na malalampasan ni JM kung anuman ang kanyang pinagdadaanan at muling makakabalik sa showbiz.

“Siguro makakabawi naman siya, kasi maayos naman siya, e.

“Saka pagdating naman sa acting, hindi naman siya nahuhuli. Kaya kung nagkaroon man siya ng ganyang experience o ganyang path, I think mas malalampasan niya, kasi kaya naman niya,” positibong pahayag ng aktres.

DUE TO HEALTH REASONS. Sa artikulong lumabas kamakailan sa PEP ay mismong ama ng aktor, na si Roniel de Guzman, ang nagsabing nagpapagaling ngayon ang kanyang anak, at may pinagdadaanan pero hindi naman binanggit ang karamdaman ng anak.

Matatandaang nanggaling na mismo kay Roniel na hindi na matutuloy ang paggawa ni JM ng Metro Manila Film Festival entry na Pedro Calungsod dahil nga umano sa “health reasons.”

Itinanggi rin ng ama ni JM ang isyung nanlilimahid at pakalat-kalat daw si JM.

(Read: JM de Guzman’s dad debunks "vagrant" rumors; says actor-son "will be a better man when he emerges and he himself will tell the whole true story”)


KAPUSO AGAIN. Pagkatapos ng ilang taon ay muling bumalik si Charee sa Kapuso network at kasama siya sa teleseryeng Akin Pa Rin Ang Bukas na pagbibidahan nina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Cesar Montano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung maging councilor kasi ako, feeling ko gusto ko ng ibang surrounding, tina-try ko naman ang iba,” kuwento ni Charee.

Sa nasabing teleserye ay gaganap na kontrabida si Charee. “This time kasi kontrabida yung role ko kaya feeling ko kakaiba siya. ’Tsaka may pressure siya [kumpara] sa ibang soap na paawa yung role.

“This time, mas grabe yung pressure kasi kontrabida.”

Maayos daw na nagpaalam ang aktres sa pamunuan ng ABS-CBN kaya mas naging madali para sa kanya ang paglipat.

“Ayokong maramdaman na may kaaway tayo sa showbiz, kasi sobrang maliit lang ang mundo natin,” lahad niya.

Dahil dati na siyang Kapuso, hindi raw nahirapan si Charee sa mga katrabaho niya dahil kilala na niya ang karamihan sa kanila.

“Hindi naman malaking adjustment para sa akin kasi yung mga taong nakasama ko dati, sila pa rin naman.

“May iilan lang na nadagdag pero, still, napaka-warm naman ng welcome sa akin, so, hindi ako masyadong nahirapan.”


ON BENG A POLITICIAN. Noong Mayo 2013 ay pinalad na manalo si Charee bilang konsehal ng Valenzuela City. Paliwanag niya, hindi naman siya nabigla sa mga trabaho ng isang pulitiko.

“Before ako naging councilor, naging SK (Sangguniang Kabataan) chairman ako sa amin. So, parang mas malaki lang siya, city-wide, pero halos same lang yung nangyayari,” kuwento ni Charee.

“Iba ang feeling, pagod ka, sobra…lalo na yung campaign na di ko alam na ganun pala kahirap.

“Pero iba’ng feeling kapag may project ka na na-implement at nagpapasalamat sa ‘yo yung tao,” ngiti ng actress-politician.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN