Ogie Alcasid has not signed contract with TV5 yet; but "...parang doon ako papunta."

Sa mga fans ng Bubble Gang, kinumpirma ni Ogie Alcasid na mawawala na siya sa show. At bagamat hindi pa siya pumipirma ng kontrata with TV5, nagpaalam na raw ito sa mga bosses ng GMA-7 noong July 19.


Hindi naging madali kay Ogie Alcasid na iwanan ang GMA 7 dahil ito ang tahanan niya sa loob ng 18 years.

Hindi rin naging madali sa kanya na tanggapin ang alok ng TV5 kaya ipinagdasal niya ang magiging desisyon.

Idinaan noon ni Ogie sa mga biro at ngiti ang kanyang sagot sa mga nagtatanong tungkol sa diumano’y paglipat niya sa Kapatid network.

Pero kanina, July 23, sa presscon para sa Ogie Alcasid... I Write The Songs: The 25th Anniversary Concert, hindi siya naging maramot sa pagkukuwento na kabilang sa alok sa kanya ng management ang maging head ng music department ng TV5.



CRUCIAL DECISION. Mahirap para sa Songwriter ang magdesiyon, lalo pa’t maraming factors ang kailangang isaalang-alang.

"Corny na kung corny pero ipinagdasal ko talaga ‘yan. Ang suma-total, kung ano ang kalalabasan ng negotiations, parang doon ako papunta.

"Doon mo na pagbabasehan, doon na nagka-ending-ending.

"The most crucial part for me was to actually to make a decision. Ultimately, ako ang magde-decide so.

"Ayoko naman mag-decide na dahil lang gusto ko or dahil excited ako. Kasi kapag ‘yon ang pinagbasehan mo, parang sarili ko lang ang iniisip ko, di ba?"

Pero malaking bagay daw ang closeness nila ni Manny Pangilinan, ang chairman ng TV5.

"Si MVP kasi, hindi iba sa akin. Parang tatay ko na ‘yan sa tagal-tagal ng panahon, ever since I was still starting.

"Kaya naging ninong ko ‘yan sa kasal ko. Naging ninong ko ‘yan sa kasal namin ni Michelle [Van Eimeren, his first wife] at sa pangalawa kong kasal [with Regine Velasquez], siya rin. Forever ninong ko ‘yan, e."

Kaya, sa pagtanggap ng offer, he was torn between his loyalty for GMA-7 at friendship with MVP.

"Kaibigan ko ang turing ko sa kanya. Hindi naman lingid sa atin na ang TV5, kailangan ng tulong. Talagang it’s not doing very well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kapag nagsalita si MVP ng ’Tulungan mo naman ako,’ mahirap tanggihan.

"I will be forever grateful to GMA. Talagang diyan na ako tumanda, diyan na ako natuto, at hindi na mawawala ‘yon.

"Pero napupunta ako sa point ng career ko na baka dito ako inilalagay ng Panginoon [para] makatulong naman ako."



NOT YET A TV5 STAR. Nilinaw niya na hindi pa siya contract star ng Kapatid network.

"... The truth is, I haven’t signed, there are still things we need to iron out."

Kaya, hindi pa raw niya masabi kung ano ang gagawin niyang mga shows.

"I cannot yet tell you. I have my own ideas, pagdating doon, pag-uusapan namin."

Sa balitang pati ang misis niyang si Regine Velasquez ay lilipat din, walang komento ang komedyante.

"I cannot answer that although asawa ko siya. Kapag career niya, hindi ko ginagalaw. Siyempre iba. Ako talaga yung close kay MVP."



SAYING GOODBYE TO GMA-7. Muli, nilinaw niyang, "I haven’t really signed kasi inaayos pa yung contract ko..."

Pero sang-ayon sa balitang lumabas sa Abante at sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagpaalam na siya sa mga top executives ng Kapuso network noong July 19.

"... Nagpunta ako sa GMA-7 noong Friday, at although meron silang formal statement, e, ayokong pangunahan sila, but ayoko naman i-deny na nagpunta ako doon at nagpaalam ako kay Atty. Felipe Gozon.

"Nandoon din si Mr. Jimmy Duavit. Andoon sina Ma’am Lilybeth [Rasonable], Tita Avin [Marivin Arayata]..."

Natuwa raw siya sa reaksiyon ng chairman and chief executive ng GMA-7.

"Ang ganda! Atty. Gozon was so warm. He encouraged me to do my best. He wished me well and, actually, natakot ako, e, na magpaalam. Mahirap ‘yon, 18 years, hindi biro ‘yon.

"At ang sabi pa ni Atty. Gozon sa akin, ‘Kung anuman ang maitutulong ko sa ’yo, sabihin mo lang, walang problema ‘yon, Ogie. Hindi ka naiiba sa amin.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang ni-request ng presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) ay tulungan siya sa concert nito sa MOA Arena sa August 16.

"Siyempre, humingi ako ng tulong dahil may concert ako. Sabi ko, ’Hindi pa naman ako nakakapirma sa TV5, baka puwede naman na mag-promote.’

"Technically, wala na akong kontrata with them. I just cannot go there and say, ’Huy, puwede ba akong mag-promote?’ So, nagpaalam ako.

"Sabi ni Atty. Gozon, ‘Walang problema. Sabihin mo lang kina Lilybeth and we will help you promote your concert.’"

In the end, na-appreciate daw ni FLG (tawag kay Atty. Gozon) na maayos siyang nagpaalam.

"So yung takot ko based on yung magpapaalam ka sa Tatay mo. Yung, ’Tay, mag-aasawa na po ako,’ parang ganoon ang tingin ko. Kinakabahan.

"Pero Atty. Gozon made it very... Sabi niya, ’Hindi problema sa akin ‘yan at na-appreciate ko na nagpaalam ka nang maayos. Nandito lang kami.’"



VERY VERY SAD. Paano ang pamamaalam niya sa kanyang shows?

"Actually, ang affinity ko, hindi naman sa Sunday All Stars, hindi rin sa Party Pilipinas, sa SOP talaga.

"Kumbaga, ang nagtagal sa akin, Bubble Gang, so hindi puwedeng hindi magpaalam sa kanila.

"Sabi ko, ’Basta ipagpatuloy ninyo ang ginagawa n’yo dito.’

"Siyempre, malungkot yung executive producer namin, andiyan yung mga cameramen namin, malungkot yung direktor namin."

Hindi naman daw nabigla ang matagal niyang buddy na si Michael V.

"Matagal na siyang aware. Bitoy is not a contract artist of GMA-7. Freelance siya.

"Maganda sana na nasa Bubble Gang pa ako ’tapos gumagawa sa iba. Pero paano naman ‘yon? I don’t think anyone would allow that," pagtatapos ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN