LJ Reyes on real status of relationship with Paulo Avelino: “We are two people sharing a life full of responsibility.”

Aminado si LJ Reyes na mahirap ang buhay niya ngayon. “Una sa lahat, ang pagiging ina ay mahirap. Pangalawa, nasa isang mundo tayo na very…paano ko ba ie-explain? Magulo, challenging, kaya hindi talaga madali ang buhay,” paliwanag pa niya.


Kabilang si LJ Reyes sa PPL Entertainment artists na ipinatawag ng pocket presson nung July 18 sa Baang’s Coffee sa Tomas Morato, Quezon City.

Halos lahat naman ng entertainment press na naroon na nakausap niya ay iisa ang gustong malaman mula sa kanya—kumusta na sila ni Paulo Avelino?

Napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ na halos hindi na makasagot nang diretso sa sunud-sunod na mga tanong sa kanya tungkol kay Paulo.

Kadalasan ay idinadaan na nito sa tawa at pagbibiro ang mga sagot.

Kaya naman nang makausap na siya ng PEP, ang unang tanong sa kanya ay kung naiinis na ba siya kapag patuloy pa rin na inuusisa at inaalam ng press ang totoong estado ng relasyon nila ng ama ng kanyang anak na si Ethan Akio o si Aki.

Nakangiti naman niyang sagot, “Hindi naman ako naiinis. Actually, yung press yata ang naiinis dahil hindi sila makakuha ng sagot.

“Alam ko naman na natural lang yun na maging curious ang mga tao. Siyempre, nakikita kami sa TV, alam mo yun? Showbiz personality kami. Hindi naman maiiwasan talaga yun.”

Ayon pa kay LJ, “Sasagot din naman ako ng mas detalyado in due time. Siyempre, lahat naman ‘yan, naniniwala naman kasi ako sa timing. Kapag inunahan mo ang timing, hindi maganda. Kapag na-late ka sa timing, hindi rin maganda.”

Paano niya malalaman na tamang timing na pala para magsalita nga siya?

“Malalaman naman ‘yan… in prayer.”

Si LJ naman daw ang taong hindi naniniwala sa “sign.”

Sabi nga niya, “You have to pray for wisdom. Kasi, ang sign, napaglalaruan ‘yan ng devil.

“Kunwari, sinabi mo, kapag nakakita ako ng white flower… E, paano kung sa dinadaanan mo, may white flower nga? E, ano ba yun?”

Ipinagdadasal ba niya ngayon na bigyan siya ng wisdom?

“Yes, I always do,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi naman akong nagdarasal ng guidance, wisdom, strength, patience. Ang dami, ang daming pinagdadasal,” natawa pang sabi niya.

“Pero siyempre, maraming dapat ipagdasal—blessing.”

NOT SHOWING PROBLEMS. Mabilis namang sumagot si LJ nang tanungin namin siya kung ano ang lagay ng puso niya ngayon.

“Uy, happy ako!

“Kay Aki!” natatawang sabi niya.

“Siyempre naman, kay Aki, sa trabaho, sa pamilya.”

Wala ba siyang pinagdaanang “grief” o kalungkutan? O tapos na siya rito?

“Alam niyo, in fairness, ang dami kong pinagdaanan. Hindi niyo lang halata, ‘ika nga ni Mike Tan. Mike Tan talaga?” natawang sabi niya.

“Pero, sabi nga ni Mike Tan, parang wala naman daw akong problema kung makatawa raw ako.

“Nag-taping kasi kami noong isang araw ng One Day Isang Araw. Tawang-tawa ‘ko sa kanya kasi, sabi niya, ‘Ikaw naman kasi, parang wala kang problema.’

“Sabi ko, ‘Akala mo lang.’ ‘Tapos sabi niya, ‘Yun nga, kung makatawa ka, parang wala lang.’”

Sinegundahan naman ng PEP ang sinabi sa kanya ni Mike. Kung titingnan namin siyang talaga, wala sa hitsura niya na may problema o may pinagdadaanan.

Biro naman ni LJ, “Ang galing ko, ‘no?”

Sabay-bawi nang, “Hindi, malakas lang talaga ‘ko kay Lord.

“’Uy, alam niyo, grabe ang prayer, as in, sobrang lakas. Kasi, sa mga bagay na wala ka nang control, talagang sa kanya ka na lang kakapit.”

So, tapos na nga ba siya sa kanyang “pinagdadaanan”?

“Hindi, marami pa kasi akong pinagdadaanan sa buhay ko. Pero siyempre, smile ka pa rin. Pangit naman kung palagi akong nakasimangot. Baka si Aki, ganun na rin. So, smile-smile lang.”

Mahirap ba o madali ang buhay niya ngayon?

“Mahirap,” ang mabilis na sagot ni LJ.

Sabi pa niya, “Ang bilis kong sumagot, ‘di ba? Ibig sabihin, totoo yun. Mukha lang hindi, pero, mahirap.

“Una sa lahat, ang pagiging ina ay mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pangalawa, nasa isang mundo tayo na very…paano ko ba ie-explain? Magulo, challenging, kaya hindi talaga madali ang buhay.”

Naging matagal naman sa pagsagot si LJ nang isang diretsong tanong ang ibinato ng PEP sa kanya—kumusta na sila ni Paulo?

Ano na ba sila ngayon ng ama ng kanyang anak?

Ayon kay LJ, “We are two people sharing a life full of responsibility.”

Bilang mga magulang, okey sila?

“Oo naman, no question,” nakangiti niyang sabi.

KENNY AND JC. Hindi man umaamin pa kung ano na nga ang estado sa pagitan nila ni Paulo ngayon, nasusulat naman at nakikita siyang may mga nakakasama o nakaka-date na ilang guys.

Isa na rito ang rugby player na si Kenneth Stern.

kenneth stern

“Grabe naman, date agad? Date talaga?” natatawa niyang sabi.

Paliwanag niya rin, “Si Kenny kasi, siyempre, wala siyang masyadong kilala rito. At saka, kasama rin namin siya sa PPL.”

Bukod kay Kenny, nakikita rin siya na lumalabas kasama ang dati niyang nakakatambal sa GMA noon na si JC de Vera.

Paano at bigla yata silang nag-reconnect?

“Reconnect? Paano ba?

“Facebook, Instagram. Paminsan-minsan naman, nagkaka-comment kami sa isa’t isa. Biglang kuwentuhan. ‘Tapos yun lang, nagkakausap kami.”

Nagdi-date na ba sila?

Natawa ito sa pagsasabing, “Hindi yun date kasi.

“E, kasi, wag niyong lagyan ng label na date. Hindi yun date.

“Friends. Friends na lumabas. Hindi ba puwede yung ganun?” natatawa pa niyang tanong sa PEP.

Pero nagpaparamdam ba ito o nanliligaw sa kanya?

“Hindi naman siguro,” saad niya.

“At saka, magkaibigan naman kami niyan kahit noon. Nakailang projects din kami together.”

Diretsuhan din siyang tinanong ng PEP kung sa ngayon ba ay masasabi niyang free to entertain suitors na siya?

“Puwedeng free lang, wala nang entertain?” natatawang biro naman niya.

“Yun na muna.”

REUNITED WITH ALKRIS. Career-wise, magsisimula na raw siya ng bagong primetime series sa GMA-7, ang Prinsesa ng Masa. Siya ang lalabas na kontrabida sa loveteam nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na makakasama niya ang dalawa.

“Nagkasama na kami sa All My Life. ‘Tapos, nag-Time of My Life pa kami naman ni Kris.”

May pitong buwan din daw siyang nabakante sa teleserye, nagkaroon lang daw siya ng Bayan Ko sa GMA News TV.

Okey lang siya sa pitong buwan na bakante sa teleserye?

“E, siyempre, nangangati kang magtrabaho. Parang halos every day, nagtatrabaho ka.

“ Pero, ano na rin naman ako. Mas gusto ko na rin na hindi ako basta-basta bibigyan ng anumang role, di ba?

“Nakakatuwa rin, kasi ang gusto nilang mangyari, yung bigyan ka ng hindi basta-bastang role.”

Wala siyang pagtatanong, pangungulit?

“Minsan,” nakangiti niyang sabi.

“Sinasagot naman ako. May time kasi na dapat meron na, mauudlot, ganyan. Kasi, parang mas gusto nila ‘ko sa iba pa. Marami kasing factor yung ganyan. Hindi naman sa dahil sa ayaw nila.”

NO CINEMALAYA ENTRY. Malapit na ang Cinemalaya, pero, sa taong ito, wala raw siyang entry.

Pero, ayon kay LJ, marami raw offer na dumating sa kanya.

“Maraming ini-offer sa akin. Pero, ako kasi, kapag gagawa ako ng project, lalo na kapag indie, mararamdaman ko ‘yan kung para sa akin ‘to.

“Gusto ko talaga, kapag tatanggap ako ng Cinemalaya, yung tumatagos sa puso ko.

“Kasi, yung sa Intoy Syokoy, alam ko na tumagos… yung iba kasi, this year, ang dami naman. In fairness, ang dami naman talaga. It’s nothing against anything. Siguro, hindi ko lang nakita yung sarili ko sa mga ino-offer sa akin.

“I was waiting for something. Meron ngang isang sayang talaga, e. Kasi, maganda yun. Pero, feeling ko lang, hindi para sa akin yun. Pero, maganda ang project as a whole.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN