Juancho Trivino on doing gay-themed projects: "I wouldn’t say no to it."

Aminado si Juancho Trivino na hindi pa sapat ang mga natutunan at napagdaanan niya bilang baguhang artista. Aniya, “Marami pa akong dapat gawin para makahanay man lang sa level ng mga sikat ngayon at talagang magagaling.”


Nagtapos na ang youth-oriented show ng GMA-7 na Teen Gen kung saan isa sa mga bida si Juancho Trivino.

Ayon sa young actor, ibinibuhos niya ngayon ang kanyang oras sa acting workshops at sa gym habang naghihintay ng bagong proyekto na gagawin niya sa Kapuso network.

Saad ni Juancho, “Ngayon po, nagpo-focus din muna ko sa pag-improve ng katawan ko.

“Siyempre, maganda rin na makikita kang presentable, maganda ang katawan—yun ang pino-focus ko po.

“Pero natutuwa naman po ako, habang wala pa pong regular show, nakakapag-guest naman po ako sa iba’t ibang shows ng GMA.

“Nag-taping na po ako para sa Bubble Gang at sa Pepito Manalotto po.

“Sa acting workshops naman po, tuluy-tuloy lang po.

“Sa ngayon kasi, mari-rate ko ang acting ko sa six pa lang."

Desidido si Juancho sa pinasok na career kaya lahat daw ng makakapag-improve ng craft niya, ginagawa niya.

“Mababa pa siya kasi, sa tingin ko, marami pa akong dapat gawin para makahanay man lang sa level ng mga sikat ngayon at talagang magagaling.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa pocket interview niya sa Baang Coffee Shop sa Tomas Morato, Quezon City last week.



ORIGINAL LOVETEAM. Ang ka-loveteam ni Juancho sa Teen Gen ay si Dianne Hernandez.

Tulad ni Juancho, isa rin si Dianne sa masasabing “promising” sa bagong batch ng mga artista ngayon ng GMA-7.

Kung sakaling mabibigyan daw sila ng bagong show, okay raw sa kanya na sila pa rin ang magkapareha.

“Of course, of course, may pinagdaanan na kami together, medyo matindi-tindi rin po ang pinagdaanan namin.

“Hindi naman po naging madali ang Teen Gen, nandiyang napagsasabihan kami and nag-grow kami together.

“Sobrang pakiramdam ko na kumportable ako sa kanya and siyempre, wala pa akong nakakatrabahong ibang leading lady, siya pa lang naman.

“Siyempre, if ever na magkakaroon ako ng ibang project na siya pa rin ang ka-partner ko, magiging sobrang happy ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May fans na rin naman yung loveteam namin.”

Ayon pa kay Juancho, sa pinagsamahan daw nila ni Dianne ay hindi sila umabot sa puntong nagligawan.

“Hindi po talaga, pero opo, type ko naman po siya.

“Para sa akin kasi, noong Teen Gen, siyempre hindi maiiwasang ma-attract sa partner mo.

“Dahil siyempre, may ginagawa kayong mga sweet na eksena and sa workshop, ang itinuturo sa amin, go for truth.

“Siyempre, yun ang mga hindi mo maiiwasan, na may kiliti ng konti.

“Siyempre, hindi mo maiiwasan lalo pa nga, maganda talaga si Dianne, pero hindi ko siya niligawan.

“Kasi, ayokong maapektuhan yung trabaho namin.

“Professional muna kasi po, gusto ko munang mag-focus at i-build ang sarili ko bago ang lovelife.

“But no doubt, attracted ako sa kanya.”



JUANCHO’S EDGE. Ano ang mayroon si Juancho na wala ang ibang mga baguhang artista ngayon?

Mabilis nitong sagot, “Masasabi ko na meron akong sobrang will to work and talagang seseryosohin ko ang trabaho ko.

“Darating ako sa tamang oras dahil hindi naman lahat, ginagawa yun.

“At talagang ipu-push ko ang sarili ko to get better all the time.

“Kahit na napagsasabihan ako, nakakagalitan ako, wala sa akin yun, talagang ipu-push ko ang sarili ko na maging maayos.”

Sabi namin kay Juancho na ang ibang artista ay ganoon din naman.

Tugon niya dito, “Siguro po, ako naman kasi, hindi ko sinasabi ang kaya kong gawin, ginagawa ko na lang.

“Mahirap din po na bini-buildup ninyo ang sarili ninyo, tapos hindi pala magiging ganoon.

“Pero, isa lang po siguro ang maa-assure ko sa network—talagang paghihirapan ko siyang makuha.

“Lahat ng role, pag-aaralan ko talaga and ipu-push ko ang sarili ko to be better.”



COMPETITION. Si Juancho ang lumabas na lead sa grupo nila sa Teen Gen. Masasabi ba niyang mahigpit niyang kakumpitensiya ang co-star niyang si Jeric Gonzales?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Siyempre po, hindi maiiwasan lalo na sa show.

“Pero siyempre po, napi-feel ko na, opo, kami yung parang magkakakumpitensiya.

“Pero, hindi naman po namin yun tine-take negatively, basta gagawin na lang namin ang magagawa namin, then bahala na po.”

Bukod sa Teen Gen, nakasama rin si Jeric sa primetime soap na Love & Lies. Kapag ganoon, hindi ba siya nate-threaten?

Sabi ni Juancho, “Ay, hindi po. Kasi siyempre, deserving naman siyang talaga.

“Siyempre, mas malaki ang pinagdaanan niya compared to us. I’m happy for him kung nagkakaroon siya ng project.

“For me, it’s a friendly competition.”



GAY AND DARING ROLES. Pagdating sa mga projects, hindi raw niya ipi-filter ang sarili sa kahit na anong role.

Kaya ba niyang magpaka-daring, maging gay o may karelasyong bading sa mga proyekto niya?

Nangingiting sabi ni Juancho, “Siguro po, sa ngayon, I cannot say I’m ready.

“But if ever, I’m sure bibigyan nila kami ng workshop para mapaghandaan, pero I wouldn’t say no to it.”

Yung may kissing scene with the same sex?

“Hindi po siya factor sa akin kung sakali man at sa tamang panahon po siguro, kasi profession namin ito.

“Siyempre po, nandiyan naman ang manager ko, si Tita Maristel Fernandez para magsabi kung sobra na.

“Pero ako po, if they approve it, gagawin ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN