Mikael Daez hones hosting skill: “Pinupursigi ko lang na gumaling.”

Kakaiba ang mga naging karanasan ni Mikael Daez sa Saksi segment niyang “Midnight Snack.” Kuwento niya, “First time ko yung street food, yung betamax, isaw... hindi pa ako nakakakain noon dati. Sa show, kinain ko, go na kung go!”


Pag-aagawan ng magkaribal na babae si Mikael Daez bilang si Dean sa morning serye ng GMA-7 na With A Smile.

Dito na papasok si Max Collins bilang Patricia na magiging kaagaw ni Isay na si Andrea Torres sa atensiyon ni Dean.

“Ang ganda ng scene namin. Last Friday yung first time niyang pumasok,” pagtukoy ni Mikael kay Max.

Ano ang feeling na "pag-aagawan" siya ng dalawang magagandang babae?

“Pinag-agawan naman ako ni Cecilia at Olga!” sabay-tawa ni Mikael bilang pagtukoy sa mga tauhan sa afternoon soap noon na Sana Ay Ikaw Na Nga, kung saan gumanap siya bilang si Carlos Miguel.

Patuloy niya, “Ako, sa totoo lang I had a talk with Sir Charles Koo, our PM [production manager] and I had a talk with Direk [Louie Ignacio].

“Si Direk kanina lang, si Sir Charles last week.

"Yung content namin, I love it.

“I’m so happy, sobrang saya ako doon sa content namin.

"Sobrang saya ko sa trabaho na inilalabas ng buong cast, at aside from yung work, yung attitude naming lahat, ang sarap, e.

“Parang this is how work should be—masaya, efficient, natututo lahat...

“Natututo kami sa isa’t isa, nagtutulungan kami, maraming pagkain, so haping-happy ako ngayon, very happy.”



FOOD TRIP. Speaking of pagkain, natanong naman si Mikael tungkol sa “Midnight Snack” segment niya sa Saksi.

Dahil siya ang host nito, automatic na lahat ng pagkain sa segment ay kakainin niya kahit na gaano pa ka-exotic iyon.

Kumpirma niya, “Oo, kinakain ko talaga.

“Wala naman sa kontrata na kailangan kong kainin, pero bilang mahilig din talaga ako sa pagkain, kinakain ko na rin.

“First time ko yung streetfood, yung betamax, isaw... hindi pa ako nakakakain noon dati.

“Sa show, kinain ko, go na kung go!

“May mga favorites ako, e, yung Kanto Freestyle, one of my favorites, yung pancakes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon yung pangalan ng resto nila, Kanto Freestyle.

“Favorites ko Kanto Freestyle, Aling Lucing’s sisig, Bulalo sa Batangas, may isa pa, yung Dong Bei Dumplings.”

Walang pagkain na hindi kakainin si Mikael.

“Alam mo dati, sinuggest nila, narinig ko, may monkey brain daw underground sa Binondo.

“Game ako doon, hindi namin nakuha, e, parang bawal yata."

Pagpapatuloy pa ni Mikael, “Ang dami, tapos ang pinaka-okay doon sa show na yun is nagiging interactive yung mga tao.

“Kahit yung mga yung tito, tita ko, yung mga dati kong friends, tini-text ako, ‘Uy, Mik, ano ito, ano ito? Saan ito, saan ‘yan?’

“So, natutuwa naman ako doon.

“Aside from that, yung gagawin ko, ilalagay ko na rin sa blog ko yung lahat ng mga napuntahan ko.

“So, ayun, I’m very happy.”



HOSTING. Napapanood din si Mikael sa morning show ng GMA-7 na Unang Hirit.

Sabi niya, “Katuwaan lang sa Unang Hirit.

"So far kasi, parang pag wala sina Drew [Arellano] or si Kuya Tonipet [Gaba], kailangan nila ng host.

“So ako yung natatawagan ng PM doon or ng EP [executive producer].

“Tsaka natutuwa ako, kasi sabi naman nila, happy naman sila sa performance ko.

“And dati ko pa gusto at dati ko pang sinasabi sa lahat na gusto kong sumabak sa hosting.

“So ngayon, parang nagkakatotoo na yun.

"So ngayon, pinupursigi ko lang na gumaling. Tapos, mapakita ko sa kanila na gustung-gusto ko talaga ito.”

Masayang ibinalita ni Mikael na malamang na sila ni Marian Rivera ang magiging hosts ng General Assembly (GA) ng GMA-7.

“Alam mo yung mga GA ng mga kumpanya? Parang get-together, parang twice a year, parang ganoon.

“So we’re looking forward to that.”

Ano ang ginagawa tuwing may General Assembly?

“Hindi ko alam, parang may announcement si FLG [Atty. Felipe L. Gozon], kung ano yung balita, ano yung status, what can you look forward to, ano puwedeng i-improve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So natutuwa naman ako doon sa nangyayari ngayon.

“So, acting wise and sa hosting, I’m very, very happy.”



PRIORITY. Hindi pa naman daw siya daily napapanood sa Unang Hirit.

“One time, in-invite ako mag-daily, pero sabi ko hindi pupuwede!” sabay-tawa ni Mikael.

“Siyempre, With a Smile, number one priority always.

“No matter what kung anong mangyari, With A Smile will always be number one.”

At dahil sa show nilang With A Smile, tinanong namin si Mikael kung sino o ano ang nagpapangiti sa kanya madalas.

“Pagkain!” at tumawang muli ang hunk actor.

Kumusta naman ang lovelife niya?

“Lovelife right now, as usual, I am single.”

Nasa Bubble Gang din si Mikael.

“Yung parang competition nila, ako yung nagho-host noon, yung Bagong Gang.”

Nangangalahati na sila sa taping ng buong season ng With A Smile, at wala na raw silang adjustment nina Andrea at Christian Bautista.

First teleserye project ni Christian sa GMA-7 ang With A Smile.

Ayon kay Mikael, “Si Christian, iyon nga, yung attitude ang pinaka-importante, swak na swak yung attitude ni Christian, e.

“Gusto niyang matuto, bigay-todo lagi, maaga lagi, so wala, e, zero adjustment talaga.”



EERIE EXPERIENCE. Naikuwento pa nga ni Mikael sa PEP ang isang ginawa niya sa Wagas ng GMA News TV with Isabelle Daza.

Sa unang pagkakataon ay humiga si Mikael sa loob ng isang kabaong.

Saad niya, “May kuwento ako tungkol doon, kasi may mga pamahiin pala pag humihiga ka sa kabaong.

“Parang puwede kang humiga sa kabaong, huwag lang sukat na sukat para sa iyo.

“So ito yung kuwento doon, nakakatawa yung kuwento doon...

“Nag-taping kami, tapos sabi ni Direk sa akin, ‘O, Mik, ito yung gagawin mo, hihiga ka diyan, blah-blah-blah.’

“Ako naman, ‘Okay, sige Direk, no problem.’

“So set-up sila, tapos yung EP, pumunta sa akin, ‘Mik, okay lang sa iyo humiga sa kabaong?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Oo, okay lang, no problem. Sa akin wala lang.’

“‘Sure ka, okay lang?’

"‘Oo, okay lang, okay lang.’

“Tapos, after five minutes bumalik yung EP, tinanong ulit ako kung okay lang na humiga ako sa kabaong.”

Limang tao ang paulit-ulit na nagtanong sa kanya kung okay lang sa kanya ang gagawin niya.

“Kaya sabi ko, ‘Teka lang, may na-miss yata ako dito, a, medyo may hindi yata ako naisip dito, a.’

“Kaya sabi ko, ‘Sabihin ninyo na sa akin, ano bang problema diyan sa paghiga sa kabaong?’

“So sabi nila, siyempre kabaong, parang foretelling daw na may mangyayari or pamahiin.

“Ako naman, sabi ko nga sa kanila, ‘A, talaga? Hindi ko naman naisip, di ba, parang kama lang ‘yan na hihiga lang ako?’

“Acting-acting lang naman, so nakakatawa lang, tawang-tawa sila sa akin.

“Tawang-tawa na sila pa yung natatakot para sa akin.”

Maliit daw ang kabaong na hinigaan niya, kaya hindi sukat sa kanya.

“Tapos, sabi ko, ‘Sige, isara ninyo na.’

“Tapos, nag-post pa ako sa Instagram ko, sila doon sa set, ‘Mik, okay ka lang? Okay ka lang?’

“Hindi ko alam kung bakit hindi ako natakot, masama ba yun?

“Parang hindi ko naisip, ang nasa isip ko, work. Tara, let’s go!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN