Christian Bautista says his life story is not good material for drama anthology: "Wala masyadong drama."

Kung si Christian Bautista ang masusunod, ayaw niya munang gumanap sa roles na heavy drama ang dating. Paliwanag niya, “Parang gusto ko lang ito lang, yung kantahan, light, parang hindi ako pang-heavy. I mean, ayokong isarado, pero sa ngayon, parang hindi pa ako pang-heavy. Sa ngayon, ha… sa ngayon. Hindi natin alam later on."


Pagkatapos ng isang buwan at kalahati ay nanalo na rin sa wakas ang kinabibilangang grupo ni Christian Bautista sa Sunday All Stars (SAS), ang Insta Gang, noong Linggo, July 21.

Noong unang buwan ng SAS ay si Christian ang leader, ngunit ngayon ay pinamumunuan na ito ni Glaiza de Castro.

Sabi ni Christian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko napanalo nung leader ako, so medyo nanghinayang ako dun.

“Pero at least, mas naging driven kami ng team, tapos dumagdag pa si Kyla. Sarap!

“Napakaano rin ni Kyla, parang ready to go rin siya.

“Inaamin niya na, siyempre she’s taking care of her kid, nawala yung Party P, na sabi niya, ‘Saan na ako babalik?’

“Tapos nung dumating ang SAS, pinanood niya, tapos after a while, sabi niya, pagbalik daw niya, gusto niyang sumali sa Insta Gang—sa amin.

“So, we’re so happy.

“Tsaka lagi kaming kulang talaga… yung team namin laging kulang.”

Sa production number nila last Sunday ay may video rin si Baron Geisler as part of their presentation.

“Oo, si Glaiza ang nakaisip nun,” banggit ni Christian.

Hindi kaya si Baron ang lucky charm nila?

Sagot ng singer-actor, “Puwede, puwede rin.

“Mahirap kasi yung theme—controversial.

“It can’t be too much, kundi mae-MTRCB na naman, di ba? Ayaw naman naming magsara ang SAS.

“Tapos it can’t be too lame, so nagawa naman namin nang sakto.

“Umokey naman si Baron, yung Cebu Inmates, pumayag sila—iyon ang the best talaga.

“Sila nagpanalo talaga.”

Nakausap ng PEP.ph si Christian sa taping ng morning soap niyang With A Smile kahapon, July 23, sa New Manila, Quezon City.



PHILPOP. Samantala, sa nakaraang Philippine Popular Music Festival (PhilPop) 2013 ay isa si Christian sa naging interpreters sa mga kalahok na compositions.

Inawit ni Christian ang “Araw, Ulap, Langit” na nilikha ni Marlon Barnuevo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nanalo ay ang “Dati” nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, na in-interpret naman nina Tippy Dos Santos at Sam Concepcion, kasama si Quest.

Sabi ni Christian tungkol dito, “Well, siyempre, una, parang medyo na-sad ka kasi hindi mo naipanalo yung song mo, di ba?

“Pero after a while, pag nakikita mo yung comments nung mga tao sa performance nung ‘Araw, Ulap, Langit,’ yung nata-touch sila, yung writer e talagang proud na proud na kinanta, nawawala na rin yung sense ng pagkatalo.

“At gusto ko talaga yung song, gusto ko talaga yung song talaga. Hindi ko gagawin yun kung hindi ko gusto.

“Tsaka iyon ang pinakamalakas sa radyo.”

Mayroon ba siyang pinag-aalayan ng kantang iyon?

“Wala naman!” at tumawa si Christian. “Siguro sa mga tao na in love diyan.”



PASS MUNA. Gaya nitong mga nakaraang interviews ng media kay Christian, umiwas pa rin itong pag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife.

Aniya, “Pass na muna tayo dun sa area na yun, sorry.”

Hindi nagbibigay ng anumang pahayag si Christian tungkol sa isyung hiwalay na raw sila ng girlfriend niyang si Carla Dunareanu.

Ngayong mukhang pareho silang loveless ng leading lady niya sa With A Smile na si Andrea Torres, hindi kaya sila ang magkadebelopan?

“Hindi ko alam!” at muling tumawa ang singer-actor.

Gaano na ba sila ka-close ngayon ni Andrea matapos ang pitong linggo ng pagsasama sa With A Smile? Kumportable na ba sila sa isa’t isa?

“Oo, oo,” tugon niya.

Maging ang lahat ng kasama niya sa naturang morning serye ng GMA-7 ay malapit na raw kay Christian.

“I love this show, I love this cast.

"Talagang ano lang kami, relaxed lang kami, chill, suportahan, tulungan.

“Etong week eight, hume-heavy, e. Nung binasa ko [ang script], parang ‘With A Cry’ na nga, e. Ang daming nangyayari.”

Marami ang pumupuri sa acting ni Christian sa show bilang si Aston, na masungit at maangas, dahil malayo raw sa tunay na pagkatao niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman niya tungkol dito, “Ay, salamat sa Diyos. Buti na lang, buti na lang talaga.”

Sino ba ang ginagayahan niya sa role niya?

“Wala namang ginagayahan pero bumagay lang, bumagay lang yung role.

“Si Direk [Louie Ignacio], of course, he brings out the best in us.”



NO TO HEAVY DRAMA. Sa susunod na project niya sa GMA-7, gusto ba ni Christian na isang heavy drama naman na role ang ibigay sa kanya?

“Ako, parang hindi. Ayoko ng heavy drama!” at natawa si Christian.

“Parang gusto ko lang ito lang, yung kantahan, light, parang hindi ako pang-heavy.

“I mean, ayokong isarado, pero sa ngayon, parang hindi pa ako pang-heavy.

“Sa ngayon, ha… sa ngayon. Hindi natin alam later on.

“I’d like to try something else, like maybe hosting, maybe a game show.

“Wala pa ulit ang GMA na game show. Maybe something like that, para laging may iba.”

At dahil nasa GMA siya, naitanong namin kay Christian kung papayag siyang isadula sa Magpakailanman ang life story niya.

“Tinanong na nga ako, sabi ko, huwag muna, huwag muna.

“Hindi kasi nga, ano, e, feeling ko, hindi ako pang-heavy drama.”

Madrama ba ang buhay niya?

“A, lately!” sabay-tawa na naman niya.

Kung hindi niya buhay, pero aarte siya bilang artista sa Magpakailanman?

“Gusto ko siguro iano, siguro konting workshop pa.

“Light-light muna tayo, light-light.”

Ayaw niya muna kung buhay niya ang mapapanood sa telebisyon.

“Wala ring masyadong drama kasi yung life story ko.”

“Actually, nung nasa ABS pa ako, for Maalaala Mo Kaya, ininterbyu ako, yung tungkol sa buong buhay ko.

"Wala masyadong drama.

“Sabi nila, ‘Wala masyadong drama?’

“Sabi ko, ‘E, mabait po yung magulang ko, maganda po yung buhay ko. Puwede naman po yun.’

“I thank God for my family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN