GMA-7 on Ogie Alcasid’s transfer to TV5: "We thank him for being a part of the Network’s success all these years."

Hindi pa nakakapirma ng kontrata sa TV5 si Ogie Alcasid pero sigurado na ang paglipat nito sa TV station ng ninong niyang si Manny Pangilinan.


Maayos ang naging pamamaalam ni Ogie Alcasid sa mga executives ng GMA-7 noong July 19, at malugod naman itong tinanggap.

Sa kuwento ng Songwriter kahapon, July 23, sa presscon ng Ogie Alcasid... I Write The Songs: The 25th Anniversary Concert, para raw siyang nagpapaalam sa kanyang tatay noong kausapin niya si Atty. Felipe Gozon, chairman at chief executive ng GMA-7.

(READ story about Ogie Alcasid’s farewell meeting with Kapuso executives)

Pero June 30 pa lang, ayon sa isang source, nagsabi na si Ogie sa mga bosses kaya hindi na raw nagulat ang mga ito.

At natuwa ang komedyante dahil naging maayos ang pag-uusap. Bukod sa pagtulong sa pag-promote ng kanyang concert sa MOA Arena sa August 16, nagsabi pa raw si FLG ng, "Hindi problema sa akin ‘yan at na-appreciate ko na nagpaalam ka nang maayos. Nandito lang kami.’"

Ngayong umaga, July 24,naglabas na ng opisyal na pahayag ang Kapuso network tungkol sa pag-alis ng dating main man ng Bubble Gang at Sunday All Stars.

Pinasalamatan siya ng GMA-7 dahil naging bahagi raw ito ng "success" ng network sa loob ng halos dalawang dekadang pananatili niya bilang Kapuso.

Narito ang full statement na ipinadala ng GMA-7 Corporate Communications Department:

"As Ogie Alcasid moves on to explore new grounds, GMA Network, his home for almost two decades, wishes him all the best. We thank him for being a part of the Network’s success all these years.

"His achievements as a singer, songwriter, comedian, host and actor make Ogie the icon that he is now. And the Kapuso Network is proud to have been with him throughout this journey."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN