Xian Lim says Kim Chiu is "every guy’s dream girl"

Xian Lim on Kim Chiu: "Nandiyan po si Kim as my inspiration. At sinabi ko rin po na, every day, ang pagsasama namin, talagang mas lalo naming nakikilala ang isa’t isa, talagang mas lumalalim. Yung hindi ko nakikilala sa kanya, mas nalalaman ko na.”


Sa presscon ng pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? kagabi, July 23, tinanong ang cast members kung may pagkakataon ba sa buhay nila na may crush sila, pero hindi sila crush nito.

Ayon sa leading man na si Xian Lim, “Naalala kong istorya noong nasa States pa ako, yung mga crush ko dun, hindi talaga ako pinapansin.

“Ayaw sa akin ng crush ko. Kapag nagha-hi ako sa kanila, itinataboy lang nila ako.”

Mga Amerikana raw ang crush ni Xian noon.

RAMON BAUTISTA. Ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? ay hango sa libro ni Ramon Bautista, na isa rin sa cast ng pelikula.

Ani Xian, “Si Ramon, hindi ko pa siya kilala before the movie. Nakilala ko lang siya noong nag-shooting na kami.

“Pero noong nakausap ko na siya, nagpapatawa na siya, marami na siyang sinasabi, ang lalim pala niyang tao.

"’Book by Ramon Bautista… So, sinearch ko sa YouTube, Ramon Bautista. Tapos, lumabas, ‘the internet action star.’ Maraming lumabas sa kanya.

“Akala ko nagbibiro lang siya, pero malalim siya. Kaya marami palang nagte-take ng class niya sa U.P.—genius.”

May natutunan ba siya sa libro ni Ramon at sa pelikulang ginawa nila?

“Yun nga yun, hindi ibang tao ang makakapag-advise sa ‘yo to make everything better. Talagang sarili mo lang.

“It’s up to you para makita ang happiness sa buhay mo. Ikaw lang talaga.”

May linya siya sa pelikulang “huwag tayong matakot magmahal.”

Sabi ni Xian, “Yes, totoo yun. Kasama rin yun sa sinasabi ni Ramon Bautista sa libro na, kung may crush ka, ipaglaban mo kung gusto mo.

“May limitation din siyempre.”

Aminado si Xian na sobrang espesyal daw sa kanya ang pelikula nila ni Kim ngayon.

“Para sa akin, sobrang special. Pinakauna kong pelikula na kami talaga, yung bida ako.

“And talagang natulungan ako sa movie na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naramdaman ko na, ‘Wow, ito na yun, ito na ang gusto ko.’

“Matagal ko nang hinihintay, so napaka-espesyal talaga nito sa akin.”



KIM CHIU. Kung tutuusin, sa telebisyon, out-of-town shows, out-of-the-country shows, silang dalawa na ni Kim ang palaging magkasama.

Pero may mga nadiskubre pa ba siyang bago kay Kim habang ginagawa nila ang pelikula?

Ayon kay Kim, “Nagsimula kasi noong Binondo Girl pa lang, yung simula namin ni Kim.

“Akala ko, si Kim, sobrang seryosong tao. Sobrang magpapaiyak palagi. Yung ganun.

“Pero kalog pala si Kim, happy person. Talagang nakakatawa siya.

“Dito, talagang sobrang ibang-ibang Kim Chiu ang makikita n’yo… grabe si Kim!” natatawang sabi niya.

May pressure daw talaga ngayong may solo movie na ang loveteam nila ni Kim.

Sabi ni Xian, “Para sa akin, to begin with, yung ibinigay sa aking pelikula, talagang pressure na. Talagang kinabahan na ako.

“Kasi nga, first team-up namin ni Kim sa pelikula,” sabi niya.

Hanggang ngayon, wala pa rin pag-amin o pagtanggi kung “official” na ang relasyon nina Xian at Kim. Ito ay sa kabila ng matagal na rin namang umamin si Xian na nanliligaw siya sa ka-loveteam.

Sabi ng young actor, “Si Kim talaga ang para sa akin, every guy’s dream girl. Para sa akin, si Kim talaga.”

Pero gaano na nga ba kalalim ang relasyon nila ni Kim?

Sagot ni Xian, “For the past two years, since Binondo Girl, halos every day kaming nagkikita.

“Kahit sa mga trabaho namin, e, talagang from the start, mas lalo naming nakikilala ang isa’t isa.”

Exclusively dating ba sila? Meaning, hindi na puwedeng ligawan ng iba si Kim o hindi na siya puwedeng manligaw ng iba?

Sabi ni Xian, “Hindi naman po kasi fair para maglagay ng label.

“Basta po, di ba, pagbubutihin namin ang mga ginagawa namin.”

Dati na siyang naging vocal sa pagsasabing mahal niya si Kim, bakit naiiba na yata ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Nandiyan pa rin po ang pagmamahal, hindi ko po iniiba ang sinasabi ko po.

“Yung sinabi ko kanina, kailangan inspirasyon. Nandiyan po si Kim as my inspiration.

“At sinabi ko rin po na, every day, ang pagsasama namin, talagang mas lalo naming nakikilala ang isa’t isa, talagang mas lumalalim.

“Yung hindi ko nakikilala sa kanya, mas nalalaman ko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN