Kim Chiu still coping after mom’s death

Kim Chiu was still shooting for her first comedy film with Xian Lim when her mother passed away last month. Although she admits that it was hard to carry on, the young actress said, “Part ng buhay ‘yon. Part yung pagsubok na haharapin mo sa everyday life mo. Masaya ako na na-overcome ko siya and nandiyan yung mga tao sa paligid ko na hindi bumibitaw sa akin—sa kanila ako kumakapit.”


Nagpapasalamat si Kim Chiu na binigyan siya ng sandaling bakasyon mula sa shooting ng pelikulang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? para makapagluksa sa pagpanaw ng kanyang ina noong nakaraang buwan.

Kasalukuyang nasa huling mga araw ng shooting ang grupo ng pelikula nang yumao ang ina ng Kapamilya actress.

(Read: Kim Chiu’s mother dies at 50)

“Masaya ako kasi nandoon yung respeto sa set. Parang lagi ka nilang tatanungin, ‘Kaya mo ba?’” sabi ni Kim sa press conference ng Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? kagabi, July 23, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Aminado ang 23-year-old actress na hindi naging madali para sa kanya ang magpatuloy sa trabaho matapos ang pagkamatay ng ina.

Sabi pa niya, “Hindi ko sasabihing nadalian ako, pero mahirap siya.

“Parang, ’Ano ba, kailangan kong magpatawa, kailangan kong ngumiti.’

“Ilang beses namin inulit-ulit na mag-take para kunan yung sobrang ligalig na eksena, sobrang masaya.”

Gayunman, sabi ni Kim, “Wala, e, trabaho.

“Sandali lang naman ‘yon, magte-take ka lang naman ng ilang minuto.

“Pagkatapos niyan, balik ka na ulit sa kung ano, na ako na yung normal na Kim.

“Hindi na ako magdu-dwell kasi madadamay yung pelikula.”

Hangga’t maaari, ayaw na sanang pag-usapan ni Kim ang tungkol sa nangyari. Pero naisip daw niya na, “Part ng buhay ‘yon. Part yung pagsubok na haharapin mo sa everyday life mo.

“Masaya ako na na-overcome ko siya and nandiyan yung mga tao sa paligid ko na hindi bumibitaw sa akin—sa kanila ako kumakapit.”

Bagamat masakit ang dulot ng paglisan ng kanyang ina, hindi naman daw naisip ni Kim na huminto sa pagtratrabaho.

Aniya, “Kasi itong showbiz, dito ako nabubuhay. Parang dito na ako lumaki.

“Hindi ko alam, hindi naman ako umabot sa puntong parang gusto ko na sumuko.

“Pero nagkaroon ako ng break for two weeks. It’s enough.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito, nakiusap ang young actress na sana ay huwag na siyang matanong tungkol sa nangyari sa kanyang pamilya.

Aniya, “Basta ang importante, natapos na po namin yung movie and nagawa ko yung mga eksena na kailangan kong gawin.”



ON TEAM-UP WITH XIAN LIM. Isa pang hindi naiwasang maitanong kay Kim ay ang tungkol sa kanyang ka-loveteam na si Xian Lim.

Dahil sa tagal na ng kanilang pagsasama bilang magkapareha, naitanong muli sa kanya kung ano na ang estado ng kanilang relasyon.

Tila naging defensive naman ang tono ni Kim nang sumagot siya.

Aniya, “Huwag na nating gawing big deal kung kami o hindi.

“Sabihin man namin na kami o hindi, wala rin namang mangyayari at wala rin namang mawawala sa inyo.

“Hindi naman importante yung label as long as may shows naman kami, napapanood naman kami, at napapasaya namin ang mga tao.

“Huwag ‘yon ang pagbasehan natin. Hindi importante yung, ‘A, sila’ o ’A, hindi sila.’

“Hindi rin namin minamadali ang mga bagay-bagay. Katulad ko, ang daming mga nangyayari sa buhay ko.

“Ako, pinaghahandaan ko yung mga nangyayari sa akin.”

Sa huli, nagpasalamat na lamang si Kim kay Xian dahil isa raw ito sa mga naging karamay niya noong panahong nagdadalamhati siya sa pagpanaw ng kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN