Senator Grace Poe to push FOI bill without right of reply

Dalawang komite ang itinalagang pamunuan ng baguhang senador na si Grace Poe—ang Public Order and Dangerous Drugs at Public Information and Mass Media.


Dalawang committee chairmanships ang napunta sa nangunang senador noong 2013 elections na si Grace Poe.

Ang pamumunuan niyang mga komite ay Public Order and Dangerous Drugs at Public Information and Mass Media.

Inanunsiyo kahapon, July 23, ang naunang siyam na committee chairmanships out of 39 regular committees sa Senado.

Ang siyam na committee assignments ay ang mga sumusunod:

Education, Arts and Culture – Sen. Francis Escudero

Tourism – Sen. Lito Lapid

Agriculture and Food – Sen. Cynthia Villar

National Defense and Security – Sen. Antonio Trillanes IV

Trade and Commerce – Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino

Public Order and Dangerous Drugs – Sen. Grace Poe

Public Information and Mass Media – Sen. Grace Poe

Public Services – Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Justice and Human Rights – Sen. Aquilino “Koko” Pimentel

Iaanunsiyo raw ang ilan pang assignments sa mga susunod na araw.



FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI). Alinsunod sa mga pamumunuan niyang komite, sinabi ni Grace na kanyang isusulong ang pagpasa ng Freedom of Information Bill, kahit daw hindi ito nabanggit sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Lunes, July 22.

Hindi raw isasama ni Grace dito ang kontrobersiyal na “right of reply” provision.

Sabi pa ng dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman sa InterAksyon kahapon, July 23, “I think it is a form of censorship to dictate upon the media how they present the news.”

Dagdag pa ni Garce, iku-compile niya ang lahat ng bersiyon ng mga na-file na sa Senado and “come up with a measure acceptable to her peers and uphold the national security concerns of the state.”

Dagdag niya, “But ngayon, tutol ako sa right of reply provision, but always, we will uphold the national security concerns pagdating sa freedom of information.”

Ipinaliwanag pa ni Grace na ang media ay may pananagutan sa mga tao, at responsibilidad nila na i-report at i-present ang balita sa mga mamamayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, para sa mga mambabasa ng news at nanonood ng news, kung may lehitimong story, mapipilitan ang media to present it because you are accountable first and foremost to the people that you are reporting the news to.”

Ayon pa sa baguhang mamababatas, malapit sa kanya ang FOI bill dahil galing siya sa pamunuan ng MTRCB na naniniwala sa “freedom of information.”

“Naniniwala ako na may karapatan ang lahat na maglahad ng kanilang saloobin basta may responsibilidad lang tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN