GMA Network asks court to summon Sarah Lahbati on breach-of-contract lawsuit

Dumulog ang GMA Network sa Quezon City Regional Trial Court upang hilingin na mag-isyu ng panibagong summons para sa dati nilang talent na si Sarah Lahbati upang harapin nito ang P8.5-million-breach-of-contract lawsuit na isinampa nila.


Dumulog ang GMA Network sa Quezon City Regional Trial Court upang hilingin na mag-isyu ng panibagong summons para sa dati nilang talent na si Sarah Lahbati upang harapin nito ang P8.5-million-breach-of-contract lawsuit na isinampa nila.

Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, sa pamamagitan ng abugado ng Kapuso network na si Atty. Christine Bio ay hiniling nila kay Judge Germano Francisco Legaspi ng Branch 77 na mag-isyu ng "alias summons" kay Sarah at utusan itong sagutin ang civil case na isinampa nila laban sa young actress noong January 11.

Sa isinumite nilang motion noong July 18 para sa alias summons, binanggit ng GMA-7 ang pagbalik ng summons na inisyu ng korte.

Nakasaad dito ang pahayag ng process server na sinubukan nilang i-serve ang summons noong January 16 at 17 at ang kopya ng complaint kay Sarah sa kanyang condominium unit.

Pero hindi daw nai-serve ang mga naturang summons dahil wala raw tao sa condo unit ng young actress.

Ayon pa sa kanilang motion, nabalitaan nilang umalis si Sarah sa bansa patungong Switzerland noong January 13 para maiwasan ang naturang summons.

Sinabi rin nila na bumalik si Sarah sa bansa noong unang linggo ng Hulyo at nagpunta ito sa QC RTC para magsampa ng kasong grave coercion laban kay GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Nakalagay raw sa reklamo ni Sarah ang parehong address nito kung saan nai-serve ang mga dating summons.

Ayon pa sa motion ng GMA Network, “Based on the foregoing… GMA-7 respectfully moves for the issuance of an alias summons on defendant Lahbati at her aforesaid address.”

Sa isinampa nilang "specific performance with damages," nakasaad dito na pumirma si Sarah ng kontrata noong September 2012 para sa teleseryeng Indio.

Pero sa isang location taping daw ng programa noong November 9, 2012 sa Morong Park, Subic, Olongapo City, “Sarah Lahbati walked out from the taping of her scenes and departed from the location shoot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa ng istasyon, “Because of Sarah Lahbati’s refusal to perform her scenes, the remaining close-up scenes, which were very vital to the mounting of the whole scene for which GMA-7 had clustered four weeks of scripts for the Subic shoot were not finished… In order to resume and finish the aforesaid big scene, GMA-7 had to spend P576,000 more or less.”

Samantala, noong December 11, 2012 naman ay nag-leave diumano si Sarah ng isang buwan na walang approval ng istasyon.

Inutusan daw nila ang dating talent na bumalik sa trabaho at tuparin ang kanyang commitments, pero hindi raw ito sinunod ni Sarah.

Hiniling din ng GMA-7 sa korte na maglabas ng order para kay Sarah upang tuparin ang mga nakasaad sa kontrata nito sa istasyon at bayaran ang istasyon ng halagang P7 million para sa liquidated damages, attorney’s fees na aabot sa P1 million, at P500,000 para sa litigation expenses.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN