Maricar Reyes reveals husband Richard Poon’s talent in acting: “Minsan, ini-imitate niya ako...”

Inamin ng aktres na si Maricar Reyes, na isa ring general practitioner, na hindi pag-aartista ang gusto niya dati. Sabi niya, “Noong bata ako, hindi ko inisip na maging isang aktres, gusto ko talagang maging doktor.”


Sa “Ihaw Na!” segment ng Banana Nite, ang late-night gag show ng ABS-CBN, naging bisita ni Jason Gainza, a.k.a. Tito Bhoy, ang aktres na si Maricar Reyes noong July 23.

Mahigit isang buwan nang kasal si Maricar sa singer na si Richard Poon kaya kinumusta ni Tito Bhoy ang pagiging isang maybahay ng isang mang-aawit.

Tugon ni Maricar na nakaangiti, “It’s very songful.”

Madalas ba siyang haranahin ng kanyang asawa?

Pag-amin ng aktres, “Hindi nga masyado, e, pero lagi siyang nagluluto.”

Habang nagluluto si Richard ay kumakanta rin ba?

“Minsan, nagha-hum siya,” sabi ni Maricar.

Siya ba ay marunong kumanta?

Pasubali ni Mrs. Poon, “I can carry a tune.”

Pagkatapos nito ay nag-sample si Maricar at kinanta ang “And I Love Her” na mula sa album ng kanyang mister.



MEDICAL DOCTOR. Bukod sa pagiging isang aktres ay maituturing din si Maricar bilang isang general practitioner.

Graduate siya ng Medicine sa University of Sto. Tomas at pumasa ng medical licensure examinations noong 2008.

Ano ba ang ibig sabihin ng general practitioner?

Paliwanag ni Maricar, “Isa kang doctor na hindi ka nag-specialize. So, nagtapos ka lang at pumasa sa board exam.”

Inalam din sa kanya kung nasa pamilya ba nila ang nasa medical field.

Ani Maricar, “Hindi, actually ako lang sa pamilya ang doctor, tapos naging dream siya noong bata pa ako.

“Naisip ko na parang masaya ang maging doktor, so trinay [tried] ko.

“Noong bata ako, hindi ko inisip na maging isang aktres, gusto ko talagang maging doktor.”



DRAMATIC ACTRESS. Bilang aktres, sino naman ang gusto niyang makatrabaho?

Sagot niya, “Bilang aktres... ngayon ay either si Angel Aquino or si Ate Vi [Vilma Santos] kasi magagaling sila.

“Every time si Ms. Angel kapag nag-a-act, laging iba ang character niya, very in character siya.

“Si Ate Vi ay ganoon din. Kung sino yung character niya, ganoon din po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya din bang umarte ng kanyang mister?

Mabilis na sagot ng 29-year-old actress, “Sa tingin ko, kaya. Actually, magaling ‘yan, hindi lang nata-try.

“Minsan, ini-imitate niya ako mag-isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN