Tom Rodriguez acknowledges My Husband’s Lover made him a bigger star

Halos hindi makapaniwala si Tom Rodriguez sa init ng pagtanggap ng mga tao sa kanilang programa na My Husband’s Lover, na ulitmong mall shows nila ay pinagkakaguluhan sila. “Kasi, first time kong maka-experience na maraming nagpuntahang tao and isa ako sa mga lead in a primetime. Pag nagmu-mall show ako dati, hindi naman… hindi ko talaga in-expect na... Doon ako parang natauhang bigla, hindi ko alam kung... siguro sa sobrang shock ko, ku


Isang kakaibang “compliment” ang nakarating kay Tom Rodriguez sa pagganap niya bilang Vincent sa toprating primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

“Iyon, yung mas nag-click daw ako na ang ka-loveteam ko lalaki—iyon ang pinaka kakaiba.

“Compliment pa rin siya, kasi kung iisipin mo, hindi naman siya common, parang hindi marami ang nakakagawa ng ganoon," sabi ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



GOOD WORK. Tanggap naman niya ang komento dahil napapansin ang kalidad ng kanilang pag-arte.

Aniya, “So for me and Dennis [Trillo] to be able to do what we are doing, siguro it means na we’re doing something right. Na nagagawa namin ang trabaho namin nang maayos.

“Kasi, kung hindi, hindi magki-click, na ang iisipin ng mga tao, ‘A, kadiri! Ay, nakakaasiwa!’ Ganoon.

“So, just the fact na iyon yung iniisip nila, mas tinatanggap ko na lang as a compliment. Na tama ang trabaho ko.

"Kasi iyon talaga yung pinaka-fear ko, e, na hindi magmukhang makatotohanan yung ginagawa namin.

“Na baka isipin nila, ‘Ay, ang pangit ng acting niya!’”



BOYFRIEND’S PERMISSION. Bago nadiskubre ang secret affair nina Vincent at Eric, ang roles nina Tom at Dennis, may mga naging kissing scenes sila ni Carla Abellana sa show.

Si Carla ay gumaganap bilang si Lally na asawa ni Vincent.

Nagpaalam ba si Tom sa boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann bago kinunan ang mga naturang eksena? Nagkakilala na ba sila?

Sagot ng aktor, “Hindi pa po kami nagkakatrabaho, e, pero I’m familiar with his work and I respect him as an actor and as a partner ni Carla.

“Kaya I’m sure Geoff is ano rin, e, a professional actor.

"I’m sure wala rin siyang... he knows naman na it’s work.

“And for me din, at least ito, kung may opportunity naman ako na sabihin, na I’m sure alam na niya that this is just work and I’m happy to be given a chance working with Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And hopefully, in the future, kami din, we’ll get to work because I respect not only him but his whole family.

“Kasi grabe, sa sining natin, talagang ang mga Eigenmann talaga, grabe, umaapaw yung mga talento nila.”

Dahil bagay raw sina Vincent at Lally, may mga fans na gustong magkaroon sila ng relasyon ni Carla sa tunay na buhay. Ano ang reaksiyon ni Tom dito?

“A, hindi naman po, kasi alam naman po natin na may boyfriend siya and I respect that.”



ANOTHER GAY ROLE. Papayag ba si Tom kung ang susunod niyang proyekto pagkatapos ng My Husband’s Lover ay bading muli ang papel niya?

Tugon niya, “Kung magandang-maganda ulit yung material.

“Pero kung ako yung papipiliin, huwag na muna kasi nagawa ko na rin, e.

“Iyon naman yung purpose ko in doing this role, it’s the challenge of it.

“E, siguro, I’ll try to look at other roles din and, at the same time, try to do roles din na hindi ganoon ka-taxing, na talagang lahat ng effort ko, nandoon.

“Ang hirap po talaga, e, hindi madali.”

Lalo na raw sa intimate scenes nila ni Dennis.

“Minsan, after the take, magkakatawanan na lang kami, or minsan hindi na lang muna kami nagtitinginan!” tawa ni Tom.

Pahabol niya, “Ang weird talaga, e.

“At least yung moment na yun, na pag action na, kami na, si Vincent at si Eric.

“Lahat ng kakayanan naming umarte, gampanan ang trabaho namin, ibubuhos namin doon sa mga sandaling iyon.

“Pag cut, grabe! Nakakapagod, ang draining, kasi hindi iyon yung natural mo, e.

“Kaya kailangan talaga… parang mental exercise!”



OVERWHELMING. Pero it pays off dahil successful ang show, at kahit saan pumunta si Tom ngayon ay pinagkakaguluhan siya ng mga tao.

“Kaya sobrang flattered ako, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa mga manonood,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinagugulat din niya ang malls shows nila kung saan dagsa talaga ang mga tao para makita ang cast ng My Husband’s Lover.

“Nagulat ako, tulad noong una naming mall show.

“Kasi, first time kong maka-experience na maraming nagpuntahang tao and isa ako sa mga lead in a primetime.

“Pag nagmu-mall show ako dati, hindi naman… hindi ko talaga in-expect na...

“Doon ako parang natauhang bigla, hindi ko alam kung... siguro sa sobrang shock ko, kung panaginip yun, hindi na ako nagising.”

Naniniwala ba siya na My Husband’s Lover made him a bigger star?

Tugon niya, “This show has done a lot for me at siguro, let’s be honest, it boosted my supporters and the people who admire our work.

“So siguro, if we’re gonna ano, kung hindi na magpapaliguy-ligoy pa, malaki po yung nagawa ng show na ito talaga para sa akin at para sa career ko.

“Kaya nagpapasalamat talaga ako sa GMA, nagpapapasalamat ako kay Popoy [Caritativo, Tom’s manager].

“Nagpapasalamat ako kina Miss Suzette [Doctolero, writer], kay Direk Dom [Dominic Zapata, director], kay Miss Carol [Galve, executive producer].

“Sa lahat ng bumubuo, hindi lang ng GMA kundi ng My Husband’s Lover, pati sa Luminary [Popoy’s management company] sa pagtitiwala, tsaka sa pagsusugal nila sa akin.

“Kasi, kung wala sila at hindi nila ako sinuportahan at tinulungan, hindi rin naman ako mapupunta dito kung nasaan man ako ngayon.”



INSECURE. Dahil sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Tom, usap-usapan na maraming male stars na nai-insecure sa kanya.

Pero sabi ni Tom, “Ha? Huwag naman sana, kasi hindi naman siguro.

“Pero if ever naman meron, I don’t… feeling ko wala namang rason para ma-insecure.

“Kasi, pare-pareho naman kaming lahat na naghahangad lang ng trabaho at lahat naman may kanya-kanya ding time.

“Hindi naman siguro tama na magdamot tayo o maghangad ng masama para sa kapwa natin artista, pare-pareho lang naman tayo ng pinagdadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tulad ako, dati yung mga nakakasama ko sa kabilang network, na alam kong matagal naghintay...

“Na marami silang pinagdaanan din para mapunta sila kung nasaan sila, happy ako at proud ako pag nakikita ko sila.

“Lalo na yung mga naging kaibigan ko, pag nakikita ko sila na nabibigyan ng big break. Kasi for them talaga yun, e.

“It’s their time na mabigyan ng ganoong klase ng breaks, kasi naghintay sila, nagtrabaho nang mabuti.”

Marami ang nagagandahan sa singing voice ni Tom kaya may nagsa-suggest na gumawa siya ng album.

Sabi niya tungkol dito, “Natatakot pa ako, e, hindi ko pa ma-imagine yung sarili ko na isang singer talaga or isang recording artist.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN