Richard Yap slams rumor claiming his wife is jealous of Jodi Sta. Maria and Jolo Revilla is jealous of him

Pinabulaanan ni Richard Yap ang intrigang nagseselos ang real-life love nila ni Jodi Sta. Maria na sina Melody (asawa ng aktor) at Jolo Revilla (nobyo ng aktres).

Sabi ni Sir Chief: “We are all very professional, Jodi and I, we have our own separate lives. I’m married and we all know she has a relationship.”


“Di naman siya ini-stretch, the story wasn’t stretched."

Ito ang sagot ni Richard Yap sa mga nagsasabing pilit na pinapahaba ang Be Careful With My Heart dahil may demand para sa show.

Dugtong ng Filipino-Chinese actor, “They are focusing on different personalities in the story, may kani-kaniyang stories kami.”

Pagkatapos ng serye, magiging entry ito sa Metro Manila Film Festival, pahayag ni Sir Chief, “It will be a continuation on where we will be off in December."

"SELOSAN." Samantala, hindi mamatay-matay ang intriga na diumano ay nagseselos ang asawa ni Richard kay Jodi kaya lagi raw itong kasama sa set ng show.

Maging si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, ang sinasabing boyfriend ni Jodi, ay nagseselos did daw kay Richard.

Diretsahang sagot ni Richard, “I think it’s just people’s way of making up news because there’s no such thing na selosan.

“We are all very professional, Jodi and I, we have our own separate lives.

“I’m married and we all know she has a relationship.

“We are all professionals, there’s nothing to make selos."

Nadako ang topic sa pagiging isa sa "Men Who Matter" ng Kapamilya star sa PeopleAsia magazine, na nagsagawa ng awarding noong July 22, sa New World Hotel, Makati City.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Richard, inialay daw niya sa pamilya ang karangalan.

Sabi niya, “This is a very unexpected honor, and I’m glad to be a part of this batch—must be heaven sent.

“Like I said, everything I do is for my family, for my wife and kids, because if not for them, all of these wouldn’t matter.”

Tinanong namin si Richard kung ano ang mga qualifications, sa pagkakaaalam niya, para mapabilang dito.

“Actually people who make it [big] in their own field, I think, so, it’s really an honor, of all the people who are in the industry, they chose someone like me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN