Andre and Kobe Paras reject mom Jackie Forster’s hope for a second chance

Nananatiling matigas ang magkapatid na Andre (kaliwa) at Kobe (kanan) pagdating sa kahilingan ng kanilang ina na si Jackie Forster na makita at makausap sila. "I don’t care," mariing sabi ni Andre.


Pumirma ng five-year commercial and endorsement contract ang magkapatid na Andre at Kobe Paras sa Viva Artists Agency (VAA) kahapon, July 25.

Kasama nilang pumirma ang kanilang ama na si Benjie Paras, na siya ring tumatayong manager ng dalawa.

Nasa contract signing din ang stepmom nina Andre at Kobe na si Lyxen Diamampo, ang manager ni Benjie na si Lolit Solis, at ang Viva executives na sina Vincent at Veronique del Rosario.



BASKETBALL. Gaya ng kanilang ama, mahilig din sa basketball sina Andre at Kobe at varsity players sa kani-kanilang mga eskuwelahan.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa kung naaapektuhan ba ang kanilang paglalaro ng basketball sa mga isyung lumalabas tungkol sa kanilang biological mother na si Jackie Forster.

Matagal na kasing hindi nagkikita ang mag-iina, at aminado ang dalawang binata na hindi pa sila bukas sa posibleng pakikipagkita at pakikipag-usap sa kanilang tunay na ina.

Sabi ni Andre, "When I play basketball, naka-focus lang ako dun. I don’t get affected by this negative stuff... by all these negativities."

Paliwanag naman ng kanilang ama na si Benjie, "Kasi ano... sa basketball naman kasi, siyempre you are playing with other teams.

“So, may fans din yun. Andun yung sisigawan ka, mumurahin ka, sasabihan ka ng kung anu-ano. So, sanay na sila dun.

"Pero actually, sa case ng... yung nangyayari ngayon, wala naman silang naririnig na ganun [kapag may laro sila].

"Ang sabi ko lang sa kanila, ‘That’s the price you have to pay kasi ang showbiz ay parte ’yan, na kailangan mong ungkatin sa parte ng mga reporter at trabaho nila ’yan.

“’So, wala kayong magagawa at hindi kayo puwedeng magalit. If you can’t answer those questions, just say ’no comment’ na lang.’

“Lagi ko namang sinasabi ’yan."

Pero nakikita ba ni Benjie na naaapektuhan ang dalawang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng dating PBA player," Hindi ko naman masasabing hindi, pero madali na silang maka-adjust kaagad."



ESTRANGED MOM. Narito ngayon sa Pilipinas si Jackie. Sa mga interview niya sa media, kabilang na ang PEP, ay ipinahayag niya ang kanyang pagnanais na makita at makausap sina Andre at Kobe na matagal nang nawalay sa kanya.

(Read: Jackie Forster mulls showbiz comeback with Manila stopover; extends message to sons: “I’m just waiting for them to come back.”)

Ngunit nananatiling matigas ang dalawa niyang anak kay Benjoe.

“Wala. I don’t care!” diretsahang sabi ni Andre.

Dagdag niya, "I’m just happy with our lives that we have a new mom [Lyxen]. She’s better.

"She’s treating us the way we want… not like, you know, what she [Jackie] did to us.

"I just want to continue with my life and just focus on the good side, not the bad side, ’coz we’re heading for our future.”

Pahayag naman ni Kobe, "I can say the same… I told her [Jackie] to stop before and I don’t want...

"So, yun talaga ang nakakainis, e. No, she’s not listening talaga."

Marami ang nakapanood sa music video na ginawa ni Jackie sa YouTube para kina Andre at Kobe kunsaan humihingi ito ng pangalawang pagkakataon.

(Read: Jackie Forster apologizes to sons with Benjie Paras through music video; Andre and Kobe refuse to watch video)

Ano ang masasabi nila dito?

Mabilis na sagot ni Andre, "I can say it’s not for us. It’s for the public.

"’Coz if she wants it for us, she could have sent it personally."

Sa puntong ito ay sumingit na si Manay Lolit para magbigay ng sarili niyang saloobin tungkol sa isyung ito.

Sabi niya, "Ang isyu kasi diyan, ang hinihingi lang ng mga bata, time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos kung iisipin mo ay masakit din dahil nanay tayo, babae tayo, ang sakit na ang sarili mong anak ay ayaw kang kausapin.

"Ayaw kang [kausapin] dahil may galit sa iyo.

“Pero siguro naman ay darating ang panahon na they’re old enough to know ang pagkakamali ng lahat.

“The problem is with them and the mother.

"Kaya naman nasali at napag-usapan yun, kasi nga, nasa showbiz sila."

Dagdag pa ng talent manager at TV host, “Kaya lang, kung talagang iginagalang natin yun, yung posisyon ni Jackie, yung posisyon ni Benjie, igalang din natin ang posisyon nila dahil bata pa sila, di ba?

"Ang hinihingi lang naman nila ay panahon—time lang. Irespeto na lang natin.

“At saka, at the end of the day, si Jackie pa rin ang nanay nila.

“At the end of the day, mayroong blood... sila kay Jackie.

"The problem is between them and the mother. Tayo, nakasali lang dahil nasa showbiz na sila.

“Siguro, sumali na rin tayo sa pagdarasal na kung ano ang nangyari between them, maayos.

"Huwag nating iaano sa bata na iano ang isyu na kung gusto nila ay panahon, ibigay natin yun sa kanila, di ba?

"Kahit mga bata sila, they deserve that.

"Ang akin lang naman, bilang babae at bilang nanay, yun din ang gusto kong sabihin kay Jackie: Hinihingi ng mga anak ko, ba’t hindi ko ibigay?

"Darating ang panahon, makakalimutan nila, magiging matured, magkakaroon ng wisdom, ’Sino ba ang tama? Sino ba ang mali?’

"At the end of the day, siya pa rin ang nanay. Hindi naman mawawala yun sa kanila."

Dugtong naman ni Benjie, "At saka po, kung magsasalita pa kami, this will never stop.

"Kahit anuman ang mapag-usapan dito ay lalabas na ako ang masama. It’s okay. I can handle it.

"Sa akin kasi, marami na akong cases na nakita na ganyan na paglipas ng panahon ay eventually ay darating yung time na makakalimutan and work it out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro yun na lang ang hihintayin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN