Ai-Ai delas Alas is now "vigilant and stronger" about love

“Ai-Ai reborn... lahat na, resurrected,” Ai-Ai delas Alas jokingly described herself after a month-long vacation in the U.S.


Balik-trabaho na ang Box-Office Queen na si Ai-Ai delas Alas matapos magbakasyon sa U.S. kasama ang kanyang mga anak.

Matatandaan na sa kalagitnaan ng kontrobersiya tungkol sa kanila ng estranged husband niyang si Jed Salang, nagtungo si Ai-Ai sa Amerika kasama ang panganay na anak na si Sancho upang kitain doon ang dalawa pa niyang mga anak na sina Sophia at Nicolo.

(Read: Ai-Ai delas Alas "starting to heal" after split from husband Jed Salang; flies to U.S. with son Sancho)

Sa kanyang pagbabalik, magiging abala ngayon si Ai-Ai para i-promote ang pelikula nila ni Marian Rivera, ang Kung Fu Divas.

Ayon kay Ai-Ai, “sobrang recharged” na siya ngayong nagbalik na siya mula sa bakasyon.

Bukod sa kanyang mga anak, nakatulong din daw ang ibang ambience sa Amerika para mawala ang stress na dulot ng nakaraang kontrobersiya.

“Ayun, nalilibang ako,” sabi pa ni Ai-Ai nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference na inihanda para sa kanila ni Marian ng isa sa mga producer ng pelikula, ang Post Manila post-production house, kahapon, July 25.

Sa kanyang pagbabalik, nagbiro ang komedyana na “Ai-Ai reborn” na ang muling haharap sa publiko.

Ayon kay Ai-Ai, sapat na sa kanya ang ilang linggong bakasyon bago muling magbalik sa trabaho.

Aniya, “Alam mo naman ako, made of wood, cement... para akong bahay. Konting pahinga lang.

“Parang nanganak lang din ‘yan. Dati kapag nanganganak ako, two weeks lang [ang pahinga]. Sabi nga nila, ‘Pusa ka ba?’

“Two weeks lang, bumabangon na ako ulit. Parang kapag nadapa, bangon ka ulit.”

Nabanggit din niya na sanay na ang katawan niya sa trabaho sa showbiz.

“Alam mo naman ang katawan ko, pang-showbiz talaga. Ilang taon na rin akong artista, ganun na talaga ang buhay ko,” ani Ai-Ai.



NOT YET READY FOR ANOTHER LOVELIFE. Kung mabilis na nakabalik sa trabaho si Ai-Ai matapos ang huling kontrobersiya sa buhay niya, tila kabaligtaran naman nito para sa kanya pagdating sa pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umiling si Ai-Ai nang sabihing, “Medyo mahirap. Pero tina-try nating tumayo at magsabuhay sa relasyon.”

Sa ngayon, “vigilant and stronger” na raw siya pagdating sa buhay pag-ibig.

Inamin din ni Ai-Ai na problema niya talaga ang masyadong nagtitiwala sa mga tao.

“Actually, problema ko talaga ‘yan, masyado akong trusting.

"Problema ko na ‘yan kahit noon pa. Kahit noon pa, hindi lang sa lovelife kundi sa maraming bagay.

“Problema ko talaga ‘yon kasi parang feeling ko, lahat ng tao, kung ano yung ako, siya rin ‘yon.

“Kumbaga, kung ano yung trato natin sa isa’t isa, ganun ‘yon. Parang kung mabait ako sa ’yo, mabait ka rin [sa akin].

“Hindi naman pala ganun lahat ng klase ng tao.”

Ngayon, gusto na lang daw muna ni Ai-Ai ituon ang kanyang pansin sa pelikula nila ni Marian, ang Kung Fu Divas, na magsisimulang ipalabas sa September 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN