John Prats says Isabel Oli is the woman he wants to marry: “Oo, definitely.”

John Prats on girlfriend Isabel oli: “Actually, ayoko namang mag-compare sa mga na-discover ko. Pero, contented ako at wala akong ibang mahihiling sa suporta niya. First time kong naramdaman na artista yung girlfriend ko, pero never kong naramdaman na may kumpetisyon."


“Content is the right word.”

Ganito inilarawan ni John Prats ang estado ng kanyang buhay nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Banana Split noong Martes ng gabi, July 23, sa Music Museum.

Hindi ikinakaila ni John na limang buwan nang ganito ang pakiramdam niya, bukod sa masaya raw siya talaga sa kanyang buhay ngayon.

Siyempre pa, ang dahilan ng pagiging kuntento ni John ngayon ay ang relasyon nila ng Kapuso actress na si Isabel Oli.

Sa limang buwan nang relasyon nila ni Isabel, anu-ano ang mga nadiskubre niya sa kasintahan?

Sabi ni John, “Actually, ayoko namang mag-compare sa mga na-discover ko.

“Pero, contented ako at wala akong ibang mahihiling sa suporta niya.

“First time kong naramdaman na artista yung girlfriend ko, pero never kong naramdaman na may kumpetisyon.

“Hindi mo kasi maiiwasan yun, e.”

Ibig sabihin, yung mga nakaraan, may kumpetisyon?

Sagot ng ABS-CBN star, “Siguro lang, yung mga ex-girlfriends ko, very active sila.

“Yun ang buhay nila, e. Career-oriented, they’re more like that.

“Wala namang masama dun, pero minsan talaga, kapag ganun yung relasyon, may mga times na kapag ikaw ang may proyekto, masungit ang isa.

“May ganun, e. May nagse-self-pity.

“Pero this time kasi, nakita ko si Liv [tawag niya kay Isabel], yung gusto niyang puntahan…

“Basta, ‘Kapag dumating ang time na may marriage, sa bahay ako, alagaan ko ang mga bata, I’ll support you. Kung ano ang gusto mong gawin, nandito lang ako palagi sa likod mo’—at yun ang nararamdaman ko.

“Magkaiba kami ng network, may trabaho ako, suporta siya. May trabaho siya, suporta ako.

“Sa News siya, dahil GMA News ang mga shows niya ngayon, iba-iba. Hindi kami paligsahan.

“Basta nakakaramdam ako na masaya siya. Siya ang nagpi-pray na sana, marami akong maging show pa.

“So, hindi selfish ang love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WEDDING TALKS. Hindi naman itinanggi ni John na napag-uusapan na nila ni Isabel ang tungkol sa pagpapakasal.

“Oo naman, kasi masaya kasi ako.

“More than happiness, yun nga ang term—content. Wala na akong hihilingin pang iba.

“Siyempre, may mga tampuhan kaming dalawa, normal lang naman yun.

“Pero hindi kami natutulog na hindi naaayos. Yun ang maganda.

“Noong una kasi, kapag nagkakatampuhan kami, ‘I don’t wanna talk about it, tomorrow na lang.’

“Pero si Liv ang nagturo sa akin na, ‘Ayusin natin.’

“Siyempre, aayusin namin, may argument kami.

“Pero talagang naaayos namin at with prayers. Yun ang talagang natutunan ko sa kanya.”

Malapit na ba ang kasalan?

“Ang daming tumatakbo sa isip ko—kung kailan ako magpo-propose. kung paano… ang daming tumatakbo sa isip ko,” sabi ng 29-year-old actor.

Mabilis at siguradong-sigurado naman ang sagot ni John nang tanungin ng PEP kung si Isabel na nga ba ang babaeng pakakasalan niya.

“Oo, definitely,” tugon niya.

“At saka, iba ako ngayon, wala akong takot, wala akong kaba.

“Kasi, di ba, kapag nasa relationship ka, dumarating yung natatakot ka, baka mawala yung taong ito.

“’I love you, ayokong mawala ka…’ never kong sinabi yun sa relasyon na ‘to.

“Hindi ko alam, kasi sobrang confident ako na hindi niya ako iiwan.

“Kampante ako in a positive way na relaxed ako dahil alam kong nandiyan siya, pero hindi ko tine-take advantage.”

Kung sakali at ikasal na nga sila, simple o engrande ba ang gusto niyang ibigay na kasal kay Isabel?

Sabi ni John, “Siya, ang gusto niya, really simple. Yung very intimate.

“Gusto niya, mga closest lang. Ayaw niya ng may mga invited na, ‘Sino ‘to?’

“Gusto niya, yung very close sa aming dalawa… so mga five lang yun!” natatawang biro ni John.



FAITH. Magkaiba ng pananampalataya o relihiyon sina John at Isabel. Si John ay Katoliko habang si Isabel naman ay Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kailan lang ay nakita namin silang magkasama na nagsa-Sunday worship sa Christian church.

Ayon naman kay John, “Well, I grew up as a Catholic… until now.

“Ako kasi, ang paniniwala ko kasi, we share the same Bible and siguro, yung difference lang, walang mga symbols and stuff.

“But, kapag nag-aano ako sa Church, naiintindihan ko, natutuwa ako, naa-appreciate ko naman.

“Kumbaga, I don’t judge a person because of their religion.

“Kasi, aminin naman natin, may mga Katoliko rin na barumbado… nasa tao rin talaga, e.

“Hindi pa naman kami umaabot kung anong klaseng wedding. Sabi ko, let’s meet halfway.”



PARTNER IN LIFE. Sinabi rin ni John na masarap sa pakiramdam na alam mo na kung sino ang puwede mong maging “partner” habang buhay.

Sabi niya, “Oo, masarap, kasi relaxed ka. Nagagawa mo ang trabaho mo nang wala kang worries.

“Kahit hindi mo siya kasama, hindi mo kailangan i-text o tawagan siya. Hindi ka kinakabahan na baka may ibang kinikita.

“Siguro kasi, eksakto, nasa age na rin siya na I don’t want to play at dumating na rin ako… at hindi ko sinisisi kung ano ang naging past.

“Kasi, kung hindi rin ako ganoon dati, baka hindi ko ma-appreciate ngayon.”



FAMILY’S APPROVAL. Halos perpekto na ang bawat aspeto sa relasyon nila ni Isabel ngayon. Maging ang kani-kanilang pamilya ay boto sa isa’t isa.

Sabi nga ni John, paborito ng pamilya niya si Isabel.

“Sobrang favorite siya, e. Lalo na noong tumatagal na nakikilala siya.

“Medyo marami na rin silang nakilala and they can’t help it na hindi mag-compare at sobra silang happy.”

Kumusta naman siya sa pamilya ni Isabel?

“Oo naman,” nakangiti niyang sabi.

“Ang tagal nga bago ko nakumpleto ang buong pamilya niya. Kasi, hiwa-hiwalay.

“Na-meet ko ang dalawa rito, isa sa Cebu, at nagpunta kami ng Singapore kung saan na-meet ko ang dalawa pa niyang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang sabi ko, ‘Kumpleto na ba, na-meet ko na ba ang lahat?’

“Sayang lang at hindi ko na-meet ang dad niya. I heard na mabait ang daddy niya at sobrang daddy’s girl siya.”

Ang ama ni Isabel na si George Daytia ay pumanaw noong isang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN