Daniel Padilla says Kathryn Bernardo was chosen by YES! for her inner and outer beauty

When Daniel Padilla was asked for his reaction to Kathryn Bernardo being chosen as one of the cover girls of the YES! 100 Most Beautiful Stars bookazine, the teen actor said: "Maganda naman siyempre si Kathryn. Siyempre, hindi lang panlabas ang tinitingnan nila—pati panloob. Napakabait na tao ni Kathryn at simple."


Sinabi ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo ang pinakamagandang babae para sa kanya.

Ito ang sinabi ng ABS-CBN actor nang tanungin siya ng press tungkol sa pagkakapili kay Kathryn bilang isa sa cover girls ng YES! 100 Most Beautiful Stars bookazine na na-launch kahapon, July 25, sa Crowne Plaza.

Bukod kay Kathryn, si Julia Montes ang makikita sa cover ng naturang bookazine.

Si Daniel naman ay nakasama sa "Breakthrough" category.

(Read: Kathryn Bernardo and Julia Montes named YES! Most Beautiful Stars this year.)

Sabay na nagsimula sina Kathryn at Julia bilang lead stars ng remake ng Mara Clara. Ano ang pakiramdam nila na equal sila ulit ngayon dahil pareho silang napili bilang cover girls?

Ani Kathryn, "Of course, nung sinabi nila sa akin na kami ni Julia ang cover girls ng 100 Most Beautiful, I was very happy talaga.

"Especially nung nalaman ko na kasama ko si Julia kasi, ever since, ginagawan kami ng issue na kinu-compare at pinapag-away nila kami.

"Pero this time, for YES! Magazine, kaming dalawa [ang napili] at kahit anong gawin nila, equal naman kami talaga.

"Wala talaga kaming issues."

Nararamdaman ba ni Kathryn ang pagiging beautiful kapag tinititigan siya o kapag sinusuyo siya ni Daniel?

"More on nakaka-flatter," sagot ng 17-year-old actress.

Si Daniel naman ang tinanong: Gaano ka-beautiful para sa iyo si Kathryn?

"Salamat sa tanong mo, bagong-bago," biro muna ni Daniel.

"Maganda naman talaga si Kathryn.... nahihiya ako dito, ang daming tao!

"Maganda naman po talaga, di ba, kung simple lang. Yun lang siguro ang ibig sabihin ng maganda."

Si Kathryn ba ang pinakamagandang babae para sa kanya?

"Oo," sagot ni Daniel.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel tungkol sa pagkakapili kay Kathryn bilang isa sa cover girls ng YES! 100 Most Beautiful bookazine, sabi ng young actor: "Maganda naman siyempre si Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, hindi lang panlabas ang tinitingnan nila—pati panloob. Napakabait na tao ni Kathryn at simple."

Ano ba ang definition ni Daniel ng isang beautiful na tao?

"Simple," ang matipid na sagot ni Daniel.

Siya ba ang dahilan kung bakit blooming ngayon si Kathryn?

"Naku, hindi naman. May pamilya rin naman yun," ani Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN