Vilma Santos does not expect to win award for first indie film

Vilma Santos on playing a bit player in Ekstra: "For the first time, I did a movie na kung saan naranasan kong maging ekstra talaga. Parang in my own little way, as an artist, I can play your role na parang ganun. Lagi akong bida, di ba, ngayon ko lang naranasan na ekstra ka talaga. Hindi ako ang panonoorin mo na ako ang bida, I’m one of the extras.”


Ngayong gabi, July 26, ang opening ng taunang Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines.

Sa unang pagkakataon ay magkakaroon ng entry sa naturang indie film festival ang Star For All Seasons na si Vilma Santos—ang Ekstra (The Bit Player).

Sa unang pagkakataon din ay dadalo ang actress-politician ng gala night ng isang indie film.

Ano ang pakiramdam ni Governor Vi dito?

“Well, maraming first time. This is my first time I tried indie at Cinemalaya.

“May sariling grupo din naman ang indie world na first time ko ring na-encounter na isa-isang ipinakilala sa akin.

“It’s not the usual premiere night ng mainstream.

“Tapos, sinasabi nila sa akin na malakas daw sa YouTube [ang trailer ng Ekstra], para bang nakakaba lalo,”sabi ni Ate Vi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng press si Vilma sa isang Korean restaurant sa Makati kahapon, July 25. Ang presscon ay ipinatawag ng producer ng Ekstra na si Atty. Joji Alonso.



SHOOTING AN INDIE FILM. Twelve days lang ang ginugol ni Vilma para sa Ekstra, ngunit nandun pa rin daw ang hirap na naramdaman niya sa paggawa ng una niyang indie film.

Kuwento ng Batangas governor, “Sa totoo lang, nagugulat na lang ako pag sinabi ni Direk [Jeffrey Jeturian] na, ‘Doon na tayo sa ganung lugar.’

“Sabi ko, ‘Ano naman yun doon?’

“Pati talaga ako, naligaw na lang sa dami ng mga kinukunan na hindi ako aware.

“Yung isang eksena na sinabi nila sa akin na kukunan yung eksena na supposed to be ako yung kapalit ni Eula [Valdes] na hindi raw sumipot, kaya sabi ko kay Direk, ‘Bakit, guest ba natin si Eula?’

“Ligaw na ligaw talaga ako!”



PUBLIC DUTY. Isa pa rin sa hirap ni Ate Vi ay ang shooting schedules, kung saan ang call time daw ay alas-siete ng umaga at matatapos sila ng alas-singko ng umaga kinabukasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumasabay pa rin daw yung preparations niya noong nakaraang eleksyon, kung saan kailangang ipunin ng gobernadora ang mga tumatakbong mga pulitiko sa mga nasasakupan niya.

“So, busy rin ako sa Batangas.

“Kasi after ng last shooting day namin, Holy Week na yun, after that, kampanyahan na.

“So, yung mga ganun talaga, hirap ako noon.

“Alam mo si Direk, e, puyatan talaga kami, kesehodang aabutin kami ng tirik na ang araw.

“Pero kung minsan, sasabihin ko sa kanya, kahit may two sequences pa kaming gagawin, sasabihin kong, ‘Direk, hindi ko na kaya.’ Mga ganun.

“Si Direk, nagtataka lang ako kung paano niya nakakaya kasi nanggagaling pa siya ng taping ng show niya sa ABS [Be Careful With My Heart].

“Ewan ko kung paano niya nakakaya,” sabi pa ni Ate Vi, sabay tapik sa katabi niyang si Direk Jeffrey.

May pagkakataon din daw na nakiusap si Ate Vi kay Direk Jeffrey na kailangan niyang makauwi nang maaga dahil may speaking engagement pa siya kinabukasan.

“Sabi ko sa kanya, ‘For the first time, Direk, puwedeng makapag-request? Kasi magme-message ako bukas sa mga teachers, e, mahigit sa isang libong teachers yun.’

“Kaya ang sabi ko sa kanya, baka puwedeng at the most lang mga six o’ clock lang. Pero shooting kami alas-otso na ng gabi.

“Sabi niya sa akin, ‘Sige, promise, tapusin lang natin ito.’

“Dun namin kinunan yung nakapula ako, galing pala kami noon sa tubuhan, na napanood n’yo sa trailer, tapos pumunta kami doon sa Calatagan.

“Ako’y lupaypay! Sa tinagal-tagal ko sa showbiz, e, doon lang yata ako nalupaypay!”



FAVORITE SCENES. Hindi pa raw napapanood ni Ate Vi ang kabuuan ng Ekstra, pero may ilang paboritong eksena raw siya sa pelikula.

Isa na rito ang eksenang umuwi siya sa bahay na dinamdam ang pagod at sigaw sa kanya ng direktor pagkatapos ay aabutan niya ang anak niya na manghihingi ng pang-matrikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, it is a very short, short eksena, na pagkatapos kong magtrabaho ng halos buong magdamag bilang ekstra sa isang teleserye, tapos uuwi ka na sa bahay mo, na lupaypay, tapos magkano lang yung ibinayad sa akin, tapos hihingi sa ‘yo ang anak mo na pang-matrikula niya.

“Yung eksena lang na yun na nabuhos yung pagod mo na pag-upo mo sa lamesa, tapos yun ang madadatnan mo.

“It is a short scene na maramdaman mo talaga yung pagod at yung pain.

“Basta wala siyang expression, ayaw ni Direk na may luha ang mga mata ko.

“Basta ang gusto niya, yung ma-feel ko lang yung pagod ko sa set na minura ako… ganun.

“That scene alone, hanggang ngayon e kinikilabutan pa rin ako.”



BEST ACTRESS CONTENDER. This early ay marami ang nagsasabing “sure win” na si Ate Vi as Best Actress, hindi lang sa Cinemalaya kundi pati na sa iba’t ibang award-giving bodies next year.

Ano ang masasabi ni Ate Vi tungkol dito?

Sabi niya, “No, no… ayoko. These are the things na ayokong isipin.

“The expectations, hindi yun ang point, e.

“Kasi yung expectations nila na ikaw, e, lalaban na, e. Yun din ang point kung bakit I did indie film.

“Even I win or don’t win an award, it doesn’t matter.

“Ang importante lang, nakagawa ako at nasubukan ko at na-meet ko yung mga nasa indie world.

“Fifty years in this business, this is the first time.

“Alam n’yo naman mula pa ng Trudis Liit at hanggang sa ngayon, e, lagi akong bida.

“Pero for the first time, I did a movie na kung saan naranasan kong maging ekstra talaga.

“Parang in my own little way, as an artist, I can play your role na parang ganun.

“Lagi akong bida, di ba, ngayon ko lang naranasan na ekstra ka talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako ang panonoorin mo na ako ang bida, I’m one of the extras.”



THE EXTRA. Anu ang mga natutunan ni Ate Vi sa pagganap bilang isang ekstra?

“Marami rin akong natutunan, e…

“Nakikita ko na rin naman ang buhay ng mga ekstra sa dami kong mga pelikulang nagawa na, di ba?

“I mean, nakikita ko sila sa shooting, pero yun lang yung time na nagkaroon ako ng panahon to join them.

“Pinaupo ako ni Direk kasama sila, I was also able to interview them.

“Kumbaga, mahirap ba yung trabaho nila at nasasaktan ba sila pag di sila nakukunan? Magkano ba ang bayad nila?

“Pero alam n’yo, yung kausap kong lalaki na gumanap na tatay nina Piolo [Pascual], alam mo tinanong ko siya.

“Gumaganap daw siya na ekstra sa TV. Di ba, may mga audience ‘yan na binabayaran sila?

“Iniinterbyu ko siya, sabi ko sa kanya, ‘Maghapon ka doon, ilang episodes ang kukunan?’

“Sabi niya sa akin, mga three to four episodes.

“’Magkano ang ibabayad sa ‘yo?’ Sabi niya, 150 pesos.

“Nagulat ako, ‘One hundred fifty, paano yung kain mo?’

“Sabi niya, ‘Kung minsan po, nagbibigay naman sila pangkain, mga sandwiches.’

“One hundred fifty, nakaupo ka doon, pumapalakpak, tapos ganun lang kikitain mo?’

“Alam n’yo kung ano ang sagot niya sa akin, nagulat talaga ako.

“Sabi niya, ‘Enjoy naman ako, e.’

“See, it is not just the money—yung enjoyment niya na nakikita niya yung mga artistang guest. Galing siya noon siya sa Deal Or No Deal.

“Saka yung nalalaman mo yung buhay nila.

“No, it’s not even the acting—yung pumapasok ka sa mundo ng indie film na gumanap kang ekstra, at ipinadama ko sa kanila na isa ako kanila.

“Alam mo, it’s not even because of the acting, I’m one of them.

“Sa tingin nila, dahil Vilma Santos tayo and, modesty aside, pero I’m one of them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And ang sarap ng samahan namin sa set ng mga kasama kong ekstra.

“Yung eksena na sinigawan ako ng gumanap na direktor, kasi hindi ko makuha ang gusto niya, sinigawan ako, tapos ako…

“Siyempre, big scene, alam n’yo, tinitingnan ko lang yung mga nakaupo, yung mga ekstra, parang pag sigaw sa akin, parang, ‘Grabe naman!’

“Tapos tiningnan ko lang ang ekstra sa likod, tapos pagharap ko sa supposed to be direktor namin na si Direk Rivera, na minura yung mga ekstra, parang ang sakit ng pakiramdam na mapahiya ka sa harap ng mga kasama mong ekstra at siyempre sa mga hinahangaan mong artista.”

First time niya bang makasama si Direk Jeffrey?

“As a director, yes, pero noon nakasama ko na siya as scriptwriter.

“As a director, ang galing niya, I won’t settle for less,” papuri ni Ate Vi sa kanyang direktor.



REPORT CARD. Hindi ba naman siya nadala sa pagagawa ng indie film?

Sagot ng award-winning actress, “No, hindi naman.

“Given another chance at maganda rin ang role, sure, why not?

“Pero ang poproblemahin ko lang, yung time. Sana makaulit pa ng isa pang indie movie.

“Pero last term ko na ngayon sa Batangas as governor, so kailangan dapat maganda at mataas ang aking report card.

“Last three years, bantay na ‘yan.

“In a way, mga hindi mo nagawa, kailangang magawa mo para at the end of the day, pag natapos na ang term mo, puwedeng sabihin na, ‘Sayang natapos na ang term niya.’

“Yun ang ibig kong sabihin sa report card.

“Last three years na ako sa Batangas. Naka-nine years din ako sa mayor ng Lipa, hindi naman ako puwedeng bumalik as mayor.”

Sa 2016 elections, ngayon pa lang ay may mga nagsasabing sure win na si Ate Vi for vice president or senator. Ano ang comment niya tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, presidente na!

“Sabi sa akin ni Ralph [Recto, her husband], di ba, gusto niya presidente ako ng mga senior citizen!” natatawang biro niya.

Sa November 3 ay 60 years old na ang actress-politician.

Pero dagdag ni Governor Vi, “As I have said, no political ambition.

“Kung saan tayo after my last term, bahala na.

“It’s either I may still run for public office or plain housewife na lang at balik-showbiz talaga.”



LOLA VI? Naikuwento rin ni Ate Vi na tuwang-tuwa siya sa nakababatang kapatid na si Winnie Santos, na minsan ding nag-artista, dahil may tatlong apo na raw ito.

Si Ate Vi ba ay handa na ring mag-alaga ng sarili niyang apo?

“Well, puwede naman, pero tinatanong ko ang anak ko [Luis Manzano], sabi niya, ‘I will let you know when mom.’”

Ang girlfriend ngayon ni Luis na si Jennylyn Mercado ay may anak na sa dati nitong boyfriend na si Patrick Garcia. Kaya, kumbaga, ay "steplola" na rin si Ate Vi.

Sabi naman niya, “Nakikita ko rin si Jazz, dinadala rin naman ni Jen sa bahay.

“Malapit din naman kay Luis ang bata. Yumayakap din naman kay Lucky at humahabol pa.”



BURLESK QUEEN. Speaking of Jennylyn, may nagsasabing ire-remake daw ang Burlesk Queen na pinagbidahan noon ni Vilma, at pinaka-epektibo raw na gaganap dito ay ang StarStruck alumna.

Ano ang masasabi ni Ate Vi tungkol dito?

“Ha, di ko alam ‘yan!” nagulat niyang reaksiyon.

“Ni-remake na naman nila ‘yan, yung kay Ina Raymundo, pero iniba lang nila ang istorya.

“Pero sa totoo lang, nung pinapanood ko uli yung Burlesk Queen na ginawa namin noon ni Direk Celso [Ad. Castillo], e, ngayon ko lang na-appreciate talaga.

“Yung eksena namin ni Leopoldo [Salcedo], e, yung sinabi kong, ‘Bakit hindi mo ako hinintay?’ Ang galing ko pala doon!” natatawang pagbibida niya.



PRODUCING AN INDIE FILM. Willing din daw si Ate Vi na mag-produce ng isang indie film. Pero ang problema lang talaga ay kung paano niya maisisingit sa schedule niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ayoko na ngayong mag-produce nang hindi ako hands-on.

“Alam n’yo naman nung nag-produce ako noon, nagkautang-utang ako nang husto, pinabayaan ko lang sila noon.

“Kumbaga, kung hindi ko rin lang kakayanin na ako mismo ang nandiyan, because it happened na sa akin noon…

“Pero kung ako ang magha-hands-on, papasukin ko ang pagpo-produce.

“Natatakot kasi ako kapag hindi ako hands-on.

“Kasi I tried ko na rin noon ‘yan. Akala ko noon okey naman lahat ng tao mo, pero ano ang nangyari, hindi ko alam na bato na pala yung nasa reel mo.

“Kumbaga, I don’t even check kasi you trusted your people. Umiikot na ang pelikula ko sa buong Pilipinas na hindi mo alam.”

Limang pelikula rin ang nagawa ng kanyang V.S. Films, kasama na ang classic film na Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak (1978).

Kailan naman siya ulit gagawa ng pelikula sa Star Cinema?

“Yes, humihingi na nga sila ng meeting sa akin, pero wala pa akong maibigay na araw.


“Pero hopefully, after na maipalabas ito [Ekstra] sa Cinemalaya.

“Basta first week of August siguro, pag natapos lang ito, okey na kaming mag-usap ng mga big bosses natin sa Star Cinema.

“Last meeting that we had, sabi a movie with Angel Locsin.

“Tapos nung nagsu-shooting na ako ng Ekstra, sabi nila a movie with Judy Ann [Santos].

“So, di ko alam kung ano talaga, basta nothing final yet.

“Hopefully makagawa rin ako for Star Cinema ulit—shooting this year pero baka next year na rin yun maipalabas.”

What about a TV show?

Sabi ni Ate Vi, “Excited akong gumawa ng isang telserye, kaya lang, tingnan mo naman ang trabbaho natin.

“Priority natin pa rin yung pagiging public servant ko. Kaya nakakainggit nga yung mga nasa teleserye.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN