Sharon Cuneta admits to being nervous about her first teleserye

Nagsimula nang mag-taping ang Megastar na si Sharon Cuneta para sa kanyang kauna-unahang teleserye, ang Madam Chairman ng TV5.


Sumalang na ang Megastar na si Sharon Cuneta sa taping ng kanyang "tawa-serye" sa TV5 na Madam Chairman noong Martes, July 23.

Ayon sa ulat ng Aksyon ng TV5, smooth-sailing at halos take one lang lahat ng mga eksena ni Sharon para sa kanyang kauna-unahan ding teleserye.

Kahit matagal na siya sa industriya, aminado si Sharon na hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib niya tuwing sumasalang siya sa kanyang mga eksena.

Pahayag niya, “Oo naman, pag nawala na yung kaba, parang mag-retire ka na, oo, kasi wala nang saysay.”

Excited daw talaga siya sa taping dahil ito ang kauna-unahan niyang pagsabak sa daily show.

Kuwento pa niya, "Kagabi pa nga hindi ako makatulog masyado.

"Excited ako, siyempre ninenerbiyos ako, kasi siyempre ngayon lang ako may… yung regular na serye.”

Dahil first time niyang gumawa ng teleserye, humingi pa raw si Sharon ng tips sa anak na si KC Concepcion, na kasalukuyang may ginagawang primetime series sa ABS-CBN—ang Huwag Ka Lang Mawawala.

Saad pa ni Sharon, “Kagabi lang, sabi ko, ‘Anak, I’m nervous, ganyan, ganyan.’

"Tapos sabi niya, ‘Be prepared if you have to shoot forty sequences.’

"Sabi ko ‘Ha? What?’ Hindi… pero very encouraging siya at yung buong pamilya ko.”

Samantala, sa hiwalay na panayam ng Aksyon kay KC, sinabi nitong masaya siya na muli nang nagbalik sa trabaho ang kanyang ina.

Mensahe pa ni KC para sa ina, “Mom, I wish you all the best.

"Alam mo naman na we talk all the time and I’m so happy that you’re back to work.

"And I know na naaalagaan ka naman ng mga ka-work mo. Love you so much.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN