Max Collins names Dingdong Dantes as most handsome guy in local showbiz

Max Collins on Dingdong Dantes: “Not only is he physically handsome, he’s also a wonderful person, and everyone that he works with, they always feel so just blessed to be able to work with him kasi he is such a nice person, e. Napakabait niyang tao tapos napaka-humble and I think to attain a certain level of fame that he has attained and still be so humble and so kind to others around you, that’s something very beautiful.”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max Collins kung ano ang pakiramdam niya na kasali siya sa YES Magazine’s 100 Most Beautiful Stars for 2013.

“Overwhelming talaga, overwhelmed ako kasi siguro hindi ko alam kung bakit ako nakapasok and the fact na second year ko na po ito. Parang sobrang nakakatuwa.

“Parang nag-mature ako in the span of one year at nakikita ko yung difference nung first year na nasali po ako sa list and it was like...

“Ang laki po ng growth ko from last year to this year, so isang malaking karangalan talaga po para sa akin na part po ako ng list of the 100 Most Beautiful,” pag-amin niya.

Nakausap ng PEP ph si Max sa Ballroom ng Crowne Plaza sa Ortigas Center sa launch ng 100 Most Beautiful Stars of 2013 noong Huwebes, July 25.

ADMIRING DINGDONG. Tinanong naman namin kung sino para kay Max ang pinakaguwapong artistang lalaki, at ang sagot niya ay…

“Dingdong Dantes. Because not only is he physically handsome but he is also a wonderful person.

“And everyone that he works with, they always feel so just blessed to be able to work with him kasi he is such a nice person, e.

“Napakabait niyang tao tapos napaka-humble and I think to attain a certain level of fame that he has attained and still be so humble and so kind to others around you, that’s something very beautiful.

“Kaya siguro siya yung pipiliin ko if I had to choose someone.”

WITH A SMILE. Samantala, kasali na rin si Max sa With A Smile na morning serye ng GMA. Gaganap siya bilang si Patricia na karibal ni Andrea Torres (as Isay) at love interest ni Mikael Daez (as Dean). Nasa show rin si Christian Bautista bilang si Aston.

“Nakakatuwa, kasi ang saya talaga ng set nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakagaan tapos napakabait ni direk Louie [Ignacio] at ni direk Omar [Deroca, 2nd unit director], so feeling ko welcome na welcome ako kahit na hindi ko po show.

“So, I’m just happy that they welcomed me and light lang talaga kasi ang show e, so na-enjoy ko naman having the chance to do something light and hindi masyadong dramatic.

“And it makes me very happy,” masaya niyang kuwento.

Guest lang si Max sa With a Smile.

Magkakaroon ng twist ang story dahil pareho sila ni Andrea na Patricia ang pangalan ng karakter sa With A Smile.

ON MIKAEL. Kinumusta naman namin kay Max bilang love interest ni Mikael?

“Actually, enjoy naman po kasi kilala ko naman po si Mikael.

“Magkakilala na kami noon pa so parang naglalaro lang kami and I think iyon din ang makikita ng viewers pag napanood nila yung mga eksena namin.

“Because para kaming naglalaro, we’re just very comfortable sa isa’t isa,” patuloy niyang kuwento.

Nagkakilala sila ni Mikael dahil third cousin ni Max sina Lauren Young at si Megan Young na nali-link kay Mikael.

Hindi ba awkward na nali-link sina Mikael at Megan, pero sina Max at Mikael ang magkapareha ngayon?

Tumawa muna si Max bago sinabing…

“Actually easier. Kaya siguro siya easier kasi parang may common denominator kami, na we know the same people so mas comfortable kami sa isa’t isa so alam namin na trabaho lang ito.

“Tapos parang we don’t feel like, walang ilang factor kaya that’s why mas madali.”

NOT READY FOR BEAUTY PAGEANTS YET. Sasali si Megan sa Miss World-Philippines; si Max, wala bang planong sumali sa isang beauty pageant?

“Ako, sa soap na lang,” sabay tawa ni Max. “Artista muna po ako, mas hilig ko pong mag-focus sa drama and sa acting kasi I think ibang mundo din po ang beauty pageant world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So gusto ko munang mag-focus sa entertainment lang muna, sa acting lang muna po.”

Pero hindi naman niya isinasara ang pintuan ng pagkakataon.

“Hindi naman po, I never say never,” giit niya.

Kahit raw sa mga school pageants noon ay never pa nakasali si Max.

Aniya, “Never po, never talaga.”

CLOSE TO ANDREA. Pareho sila ni Andrea na galing sa Dos na ngayon ay leading ladies ng Siyete.

First time nilang nagkasama ni Andrea sa isang soap opera, sa With A Smile nga.

“And magkasama rin po kami sa Sunday All Stars (SAS) tapos magkakilala pa kami noon pa, nung medyo young pa kami...

“Mga thirteen-fourteen, kasi nagka-shoot kami dati sa Seventeen magazine, kasama pa namin si Megan noon, e.

“So nakakatuwa na we get to act together and sobrang comfortable kami sa isa’t isa because noon pa, nung Party Pilipinas pa lang lagi kaming mag-partner sa mga sayaw tapos hangang ngayon sa SAS ganun din.

“So walang ilang factor sa amin so very close naman kami,” panghuli niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN