Rocco Nacino on Lovi Poe: “Kung ano kami dati, ganoon pa rin, e. Walang moving-up, walang moving-down.”

Rocco on being asked to name the most beautiful woman he would like to see on the cover of YES! Most Beautiful: “Isa lang ang masasagot ko riyan, si Lovi. Yes, she is one. When I see her, she’s sexy, beautiful, you see talent, you see gorgeous in her. Para sa akin, I’ve been hanging-out with her for a long time, so, para sa akin, isa siya sa pinagmamalaki ng GMA.”


Ikatlong beses na raw ni Rocco Nacino na nakasama sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars. Wala pang ideya si Rocco kung anong kategorya siya nakasama noong nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch noong Huwebes ng tanghali, July 25, sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas Center.

Ayon kay Rocco, “Hindi ko pa nga alam, excited akong malaman.”

Kasama si Rocco sa mga tinatawag na “Afternoon Movers.”

Kung tutuusin, sa batch yata nila, siya ang consistent na tatlong beses nang nakakasama sa listahan ng YES! Most Beautiful na ibig sabihin, pagkatapos pa lang halos ng Star Struck ay napansin na siya ng YES! Magazine.

Nakangiting sabi naman ni Rocco, “Sinuwerte, masaya siyempre na nakasama ako rito. Yung mga ka-batch ko, of course, makakasama rin sila rito. Nauna lang siguro ko ng konti.”

Tulad din ng ibang mga artista, hindi naman itinanggi ni Rocco na pinapangarap din niyang malagay sa mismong cover ng YES! Most Beautiful.

Sabi nga niya, “Wow, isa ’yan sa bucket list ko.

“I’m always my own critic.

“Sinasabi ko, kapag pinapanood ko ang sarili ko sa TV, Rocco, umanggulo ka nga, bakit ang pangit—pero, you know, if ever I get the chance, to have an honor to be the most beautiful, why not?

“Of course, I’ll embrace that.”

ADMIRING LOVI POE. Tinanong naman namin si Rocco kung sino para sa kanya ang pinakamagandang babae at gugustuhin niyang makita sa cover ng YES! Most Beautiful issue.

Nakangiti naman niyang pahayag, “Isa lang ang masasagot ko riyan, si Lovi.”

“Yes, she is one. When I see her, she’s sexy, beautiful, you see talent, you see gorgeous in her. Para sa akin, I’ve been hanging-out with her for a long time, so, para sa akin, isa siya sa pinagmamalaki ng GMA.”

WORKING WITH LOVI. Puwedeng sabihin na ngayong silang dalawa na nga ang magkapareha sa bagong GMA-7 primetime soap opera na pagbibidahan ni Lovi, ang Akin Pa Rin Ang Bukas, tuluy-tuloy na nga ang kung anumang naunang napabalita na meron sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Rocco, “Ayokong magsalita ng patapos, I don’t know. Kung ano kami dati, ganoon pa rin, e.

“Walang moving-up, walang moving-down. I don’t know. We never talk about it. But one thing for sure, nag-e-enjoy kami.

“Kung anuman ang ginagawa namin ngayon, we’re enjoying, that’s for sure. Nae-enjoy namin ang company ng isa’t isa.”

Sa aspeto ng “romantic relationship,” meron?

“Ayokong mag-dwell doon, e. The last time I got interviewed, sinabi ko na medyo kinu-close ko muna ang door ko sa lovelife.

“So, trabaho muna. I don’t know when it will be open again. So, depends. Depends—I don’t know kung kailan talaga.”

Hindi ba niya ito nililigawan o tapos na sa ligawan stage?

“No, no, hindi ko siya nililigawan. We’re just really, really close lang talaga.”

Hindi naman itinago ni Rocco ang kasiyahan nang malaman na silang dalawa nga raw ang magkaka-pareha sa primetime.

Sabi pa niya, “Of course, masaya talaga and nakita rin siguro ng mga tao na may chemistry kami.”

Noong Miyerkules daw sana ang unang araw ng taping nila, pero, na-pack-up lang daw.

“Sayang nga, hindi natuloy, nag-practice pa naman kami ng mga lines namin. Pero, kahit na hindi natuloy ang taping namin kahapon, we we’re happy because we start practicing, getting into character.

“We’re just at ease with each other pagdating sa mga ganitong trabaho, kaya namin ang isa’t isa.”

PEDRO CALUNGSOD. Kinumusta na rin ng PEP kay Rocco ang gagawin niyang MMFF entry na Pedro Calungsod.

Ayon kay Rocco, “Nagla-language training na kami. I’m learning Latin, Spanish, Visayan, sakit sa ulo.

“Tipong nakatulog ako sa klase sa sobrang hirap. Pero, ‘eto, nagpupursige ako para gawing maayos ang role ko.

Kilala namin si Rocco bilang isang born-again Christian pero, ang gagampanan niya ay buhay ng isang Santo ng mga Katoliko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba ito nagkaroon ng “conflict” sa pananampalataya o relihiyon niya?

“Para sa akin, walang conflict, wala akong qualms doon. Kanya-kanya namang preference yun. For me, it’s my job. So, para sa akin, walang problema yun,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN