StarStruck alumnus Bugz Daigo marries transsexual

Bugz Daigo on his transsexual wife Hazel Timonera: “Mahal ko si Hazel. Mahal din niya ako. Nagmamahalan kami. Alam mo yun? Iniisip ko rin siyempre yung mga diskriminasyon ng tao hindi mo maano kasi transgender nga hindi talaga tunay na babae. Wala naman akong pakialam dun kasi tahimik kaming nagmamahalan at saka true love talaga.”


Isa sa eksklusibong kuwento ng Startalk TX ay tungkol sa dating taga-StarStruck na nagpakasal sa isang transsexual.

Ang tinutukoy na taga-StarStruck ay si Bugz Daigo na isa sa mga avengers ng StarStruck Batch 3, kasabayan sina Jackie Rice at Marky Cielo.

Ang nakarelasyon ni Bugz ay ang dating lalaki na nakikilala ngayon bilang si Hazel Timonera. Dati siyang nagtratrabaho sa Macau kung saan siya nakilala ng dating aktor.

“Sa kasalukuyan may karelasyon ako na kakaiba, kasi first time kong ma-experience na magkaroon ako ng karelasyon na transgender,” panimulang pahayag ni Bugz.

Transgender pa rin kasi ang tawag ni Bugz kay Hazel, pero pinagdiinan ng huli na isa siyang transsexual.

Sinundan ito ng tanong kung mahal na mahal ba niya itong si Hazel.

“Siyempre, oo naman in love ako,” mabilis niyang sagot.

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), maituturing na nilang wedding ceremony ang seremonyang ginanap sa Baguio, pero ayaw muna nilang pag-usapan pa ito.

HOW THEY MET. Ibinahagi nina Bugz at Hazel sa Startalk kung paano sila nagkakilala at nauwi sa kakaibang relasyon.

Isa raw si Hazel sa mga customers sa club na pinagtatrabahuan noon ni Bugz sa Macau at doon sila nagkakilala at nagkagustuhan.

Mag-iisang taon na ang kanilang relasyon at nagli-live-in sila dito sa Maynila, pero muntik na silang nagkahiwalay dahil may panahon daw na pareho raw silang abala sa ibang bagay.

Si Hazel ay abala sa ipinapatayo niyang negosyo na salon at spa sa Makati, at si Bugz naman ay nagpapatayo ng bahay niya sa Cebu.

Pero ngayon ay okay naman daw sila at madalas na nagtatawagan.

CLARIFIES RUMORS. Nilinaw ni Bugz na hindi pera ni Hazel ang habol niya.

“Hindi po totoo yan kasi mahal ko si Hazel. Mahal din niya ako. Nagmamahalan kami,” pakli nito

“Alam mo yun? Iniisip ko rin siyempre yung mga diskriminasyon ng tao hindi mo maano kasi transgender nga hindi talaga tunay na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman akong pakialam dun kasi tahimik kaming nagmamahalan at saka true love talaga,” dagdag pa niyang pahayag.

May nagparating sa PEP na nakapagpundar si Bugz ng dalawang condo unit sa Pasig, sasakyan at kasalukuyang nagpapatayo siya ng kanyang dreamhouse sa Cebu.

“Maraming nagsasabi na maraming binigay na condo, ganyan... hindi po totoo ’yan kasi unang-una nagpunta ako sa Macau.

“Two times akong nagpunta sa Macau, e.

“First, nakaipon ako tapos umuwi ako rito, yun nga nagpatayo ako ng bahay.

“Tapos yung pangalawa kong balik dun which is six months, yun nakaipon din ako ng konti, tapos ayun, ito na nagbunga na yung pinaghirapan ko.

“Nakapagpatayo ako ng bahay which is patapos na nga, e,” kuwento ni Bugz.

ACCEPTED BY FAMILY. Naipakilala na nga ng dating aktor sa pamilya niya itong si Hazel at tinanggap naman daw nila.

Ani Bugz, “Nung una hindi pa ako ready na ipakilala siya sa family ko, pero kasi yung ate ko ka-close ko, e.

“Siya yung talagang una kong sinabihan na may karelasyon akong ganito ganyan.

“Sabi naman ng ate ko kung talagang mahal mo naman, why not, di ba? Bakit ikakahiya mo?

Dagdag pa niyang pahayag; “Saka yung lola ko rin, kapatid ng lola ko yung parang tita ko na rin sabi niya as long as mahal mo yung tao, mabait naman yung tao, why not, di ba? Bakit mo ikakahiya?

“That time, ayun, pinakilala ko na siya sa lola ko, sa tita ko. And then nagpunta kami sa Cebu pinakilala ko siya sa family ko.”

Kinuwento na rin niya ang reaksyon ng kanyang pamilya nang nakilala nila ito.

“Okay naman, alam mo yung tipong pati sila hindi sila makapaniwala na trans kasi pag tinitigan mo talaga si Hazel sobrang ganda, maputi, sexy.

“Open naman si Hazel dun sa amin. Yung family ko okay sa kanya kasi sobrang bait talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADOPTION PLANS. Positibo si Hazel na pangmatagalan ang kanilang relasyon, at puwede naman daw silang mag-adopt ng baby para makabuo sila ng pamilya.

Meron ding anak si Bugz sa dating girlfriend niya sa Cebu, at hindi pa niya alam kung paano niya ito maipagtapat sa kanyang anak.

Pinag-uusapan na raw nila ang pagpapakasal pero hindi pa raw sa ngayon dahil marami pa raw silang inaasikaso.

Ayon kay Hazel; “Napag-uusapan po namin. Alam naman po natin lahat na dito sa Pilipinas hindi pa po siya ganung katanggap.

“Pero darating naman po yung time kasi new generation na po tayo. Why not?

Dagdag pa niya, “As girlfriend ni Bugz lahat ginagawa ko yung pagiging isang mabuting girlfriend. Pag-aasikaso, pag-aalaga, lahat naman po yun ginagawa ko.

“Yung pagmamahal naman po na binigay sa akin ni Bugz hindi ko po yun hinihingi. Kusa niya naman yung binigay sa akin at pinaghirapan ko po yun like sa pag-aasikaso pagka may problema po siya pinakikinggan po siya. As in, partner po talaga kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN