Glaiza de Castro recounts Dubai show scam

Glaiza de Castro on the lesson she learned from the unfortunate incident: “Lesson learned naman talaga na ’wag ka masyadong magtitiwala at alamin muna talaga ang mga detalye bago ka sumabak lalo na’t out of the country shows. And, marami na akong artists na nabalitaan na nagaganun, so kawawa. Kami naman kasi dahil Pilipino din nga yung kausap namin, kahit medyo alangan, pumayag na rin kami na ang settlement ng talent fee ay dun na lang sa Dubai. Pero, nangyari


Isa sa mga dumalo sa press launch ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine noong July 25 sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Center ay ang Primetime Beauty na si Glaiza de Castro. Napili siya dahil sa natural niyang kagandahan bukod pa sa magandang attitude niya sa kanyang trabaho.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay una naming inalam sa kanya ang tungkol sa show niya sa Dubai noong June 25 to July 6 kung saan hindi raw sila nabayaran ng talent fee ng producer nito.

Ayon kay Glaiza, “Oo, nagkaroon kami ng problema dun kasi dalawang shows yun. Tapos, na-scam kami.

“Kasi, bago kami pumuntang Dubai sinabi sa amin [ng producer] na refunded daw yung plane tickets namin kaya kami muna ang nagbayad.

“Dito pa lang [sa Pilipinas] nagkakaroon na ng problema. Tapos sabi naman, ’wag na lang kaya kami tumuloy?’ Kasi, ayaw naman naming magsa-sacrifice, maghihirap kami dun tapos wala kaming mapapala, di ba?

“Sabi namin sa organizer, wag na lang kasi kung hindi pala kayo ganung ka-organized, hindi na lang kami tutuloy.

“Tapos, umiyak siya. Sabi sa amin, ’wag naman po kayong ganyan, mawawalan po kami ng trabaho.’ Kami naman, naawa kami.

“Kaya ganun, kami na ang nagbayad ng plane tickets namin hanggang nag-show na kami, wala pa rin.

“Pero, itinuloy ko pa rin [yung show] kasi siyempre, may mga nagbayad ng tickets na hindi naman nila alam na may problema ang organizer.

“Tapos, nalaman-laman namin na yung organizer pala ay maraming utang dun sa Dubai.”

Mapalad nga raw siya na maraming kababayan natin sa Dubai ang nagtulung-tulong para makauwi siya kasama ang kanyang ina na si Cristy Galura at ama na si Alfredo Galura.

Kuwento pa niya, “Hayun nga, mabuti ay marami tayong kababayan na nag-ambag-ambag na lang, so, hindi naman ako sobrang nalungkot at nalugi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila [mga kababayan] na ang nagbayad ng hotel bills namin pero yung plane tickets kami pa rin.

“Naiiyak talaga ako kasi, siyempre, kahit alam ko na may problema na, yung kababayan pa rin natin ang sumalba sa amin. Sabi nga ng nanay ko,’hayaan muna, amg importante ay nakauwi tayo ng maayos.’

“Dun sa second show namin kahit papaano ay may naibigay naman kasi naging maayos ang pag-uusap ng manager ng bar na pinag-performan ko. Kahit paano, may naibigay.

“Kaya ang ginawa namin, after ng dalawang show na yun, nagpasyal-pasyal na kami. So, sinulit na rin namin kasi nandun naman yung sister ko kaya in-enjoy na lang namin.”

Wala ba siyang balak magsampa ng demanda sa producer ng show?

Pagtanggi ng singer-actress, “No’ng nahuli na siya [ng mga pulis], hindi na kami nag-isip na gumawa ng aksyon. Okay na yun. Bahala na siya.

“Siguro naman,matapos mangyari yun ay hindi na siguro siya gagawa nang hindi maganda, di ba? Unless, yun na talaga ang raket niya sa buhay.

“Kaya lang unfair talaga na merong nagtatrabaho nang maayos pero meron din na mga ganun, di ba?”

Para sa isa sa kilalang bida-kontrabida sa showbiz, isa nga raw itong leksiyon na kanyang natutunan.

Napapangiti siya, “Lesson learned naman talaga na ’wag ka masyadong magtitiwala at alamin muna talaga ang mga detalye bago ka sumabak lalo na’t out of the country shows.

“And, marami na akong artists na nabalitaan na nagaganun, so kawawa.

“Kami naman kasi dahil Pilipino din nga yung kausap namin, kahit medyo alangan, pumayag na rin kami na ang settlement ng talent fee ay dun na lang sa Dubai.

“Pero, nangyari na, e. Wala na akong magagawa kundi maging maingat na lang talaga next time,” pag-amin niya.

Kumusta naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kababayan natin sa Dubai?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Yun din ang nakakatuwa sa kanila kasi sobrang warm sila lalo na nung malaman nila ang nangyari sa akin.

“Talagang galit na galit din sila dun sa producer.

“Kahit nainis din ako kasi ang layo nang biniyahe namin pero sapat na rin yung time ko para makapag-recharge at makapagpahinga.”

RECOGNITION. Pagkatapos nito ay pinag-usapan na namin ang tungkol sa pagkakapili niya bilang isa sa pinakamagandang celebrities sa taong 2013 ayon nga sa production staff ng YES! Magazine.

Sabi ng Kapuso star, “Yung sinabi sa akin parang sa Primetime [Beauties] category daw.

“Very honored ako na nare-recognize nila yun, yung talento ko na talagang pinagpapaguran at pinaghihirapan at pinag-iigihan pa lalo.

“Marami pa akong natututunan at kailangang aralin pero hetong recognition na ito, isa sa nagpapa-challenge sa akin.

“Nagpapasaya din sa akin kasi para itong energizer sa akin. Alam mo yun?”

Naniniwala ba siya na talagang maganda siya in the true sense of the word?

Aniya, “Yung pagiging beautiful naman is a state of mind e, di ba?

“If you’re beautiful inside ay magma-manifest din ’yan.

“Sa akin kasi, positive outlook lang talaga sa buhay tulad ko na kahit yung nangyari sa akin, I always look at the brighter side of it.”

LOVE LIFE. Tungkol naman sa kanyang lovelife ang aming inusisa sa kanya.

Tugon ni Glaiza, “Sa ngayon, wala pa rin.

“Hindi naman sa choosy ako pero nag-iingat din kasi ako lalo na sa trabaho nating ito, di ba, na kung magpalitan ng boyfriend-girlfriend e, parang damit lang.

“Ayoko kasi ng ganun.

“Though hindi ko naman dyina-judge yung iba pero personally choice ko kasi yun, e, para at least...

“It doesn’t matter kasi kung matagal akong naghihintay pero kung dumating man yung hinihintay ko, yung sure na.

“Yung nakikita mo yung perseverance lalung-lalo na sa aming mga babae, kailangan mas mahal ng lalaki yung babae kasi sila yung magpu-protect sa amin at hindi the other way around.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Though natutuwa ako sa mga babaeng palaban talaga at gagawin ang lahat para sa mahal nila.

“Pero hindi kailangang ibuhos ng husto at kailangang magtira pa rin para sa sarili niya.”

Ano ang masasabi niya sa mga babaeng nanliligaw sa mga lalaki kasi uso ito sa kasalukuyan.

Napapangiti si Glaiza, “Oo nga, e. Masyadong sabay talaga sa uso, e.

“Pero, choice nila yun, e, di ba?. Kung do’n sila magiging masaya, sino ba tayo para manghusga?”

Pero ang isang babae nga ay kailangan ng isang inspirasyon para mas lalong maging maganda at positibo ang tingin sa buhay.

Pagsang-ayon ng 25-year-old actress, “Naniniwala naman ako sa ganun pero kung wala pa talaga ay puwede mo namang hanapin yun sa ibang bagay.

"Tulad sa mga supporters ko... ng family ko, di ba?

“At yun nga ang sinabi ko, e. Parang depende ’yan sa outlook mo, e. Kung paano mo titingnan ang mga bagay-bagay.

“Kasi hindi naman natin ini-expect na ang lahat ng tao ay pare-pareho ang paraan para ma-inspire. May kanya-kanya tayong pamamaraan,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN