Mark Bautista celebrates 10th year in showbiz via thanksgiving concert; ready to fall in love again

Mark Bautista looks back on his ten glorious years in showbiz: “Ang daming nangyari. Siguro looking back, sabi ko nga… wow! Unang-una, hindi ko naman plinano na aabot ako ng ganito—na bukod sa mga album na nagawa ko, I also did movies. Tapos may concerts. Nakapag-theater din ako... na maganda rin ang naging reviews. Although yung ten years, hindi ko naman puwedeng sabihing nasa height talaga lahat. May times na up and down. So talagang… journey


Iba raw ang sayang nararamdaman ni Mark Bautista now that he’s celebrating his 10th year in showbiz. At thankful daw siya sa gano’ng katagal na itinakbo ng kanyang career.

“I’m just so blessed na hanggang ngayon ay nakakapag-perform pa rin ako, may regular show, at masaya pa rin ang buhay,” panimulang bungad niya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kanina, Linggo, July 28.

“I’ll be having a concert. Ang title nito… The Sound Of Love.

“But it’s not an anniversary concert kundi parang thanksgiving na may theme na concert... na bihira niyong mapapanood sa akin sa TV.

“It will be on August 9 sa Music Museum.

“Special guests ko sina Anne Curtis at saka si Regine Velasquez.

“Silang dalawa kasi ang malapit sa buong career ko.

“Si Anne yung first na leading lady ko sa music video ko na “I Need You.” And si Ms. Regs [Regine] naman, siya yung first mentor ko sa showbiz.”

Naging part din ng career ni Mark si Sarah Geronimo at naging leading lady pa niya ito noong gumanap siya bilang si Lastikman sa pelikula. Pero bakit hindi niya ito kinuhang special guest din sa kanyang concert?

“Gusto ko nga sana siyang i-guest din, e. Pero nasa Australia siya,” paglinaw ni Mark.

A DECADE OF BLESSINGS. Kuntento naman daw si Mark sa naging takbo ng kanyang career sa loob ng nakalipas na sampung taon.

Pagbabalik-tanaw niya, “Ang daming nangyari. Siguro looking back, sabi ko nga… wow!

“Unang-una, hindi ko naman plinano na aabot ako ng ganito—na bukod sa mga album na nagawa ko, I also did movies. Tapos may concerts.

“Nakapag-theater din ako... na maganda rin ang naging reviews.

“Although yung ten years, hindi ko naman puwedeng sabihing nasa height talaga lahat. May times na up and down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So talagang… journey ’yon na roller coaster.

“But you know what? I’m just so blessed na I have a solid foundation especially sa faith ko na… lahat ito ibinibigay ni Lord at plano Niya.

“Hindi ko naman kontrolado ang buhay ko at ang showbiz career ko. So… lahat will Niya.

“Ano man ang nangyayari sa akin, ang number one na nakakapag-motivate sa akin is yung family ko.

“At saka kapag may ibinibigay sa akin na trabaho na bago, talagang ibinubuhos ko lahat.”

READY TO FALL IN LOVE AGAIN. Ilang buwan pa lang ang nakakaraan since Mark broke up with his non-showbiz girlfriend. Naka-recover na raw siya mula rito.

“I’m happily single and ready to mingle. Ready na ulit ako to fall in love again.

“Of course!” sabay ngiti niya.

“Na-realize ko na kailangan mo palang maramdaman iyon sa buhay. Kasi… iba pala ang naibibigay no’n na inspirasyon. Iba ang naibibigay nito sa ’yo na pananaw sa buhay.

“Actually… masarap din sa isang banda yung single ka. Yung parang… wala kang iniisip na oras. Walang tumatawag sa ‘yo na… oy, ganyan-ganyan.

“Either way. Uhm… pero siyempere kapag iniisip mo na… like ako, ang gusto ko talaga ay yung parang kumbaga may nagga-guide sa akin na babae.”

Masikreto si Mark pagdating sa kanyang lovelife. Kahit nga sa iba pa niyang nakarelasyon kasama na ang isang beauty queen, ayaw niya talagang napapag-usapan ang identity ng mga ito.

“Ayoko na kasi na magkaroon pa ng kung anu-anong issue. Like halimbawa kung showbiz na babae o isang celebrity na sasabihin… ginamit ko lang siya or something.

“Kaya ayokong magbanggit ng pangalan. Mas mabuti nang gano’n,” nangingiti pa niyang sabi.

Alin ba ang mas mahirap i-handle… isang non-showbiz na girlfriend o celebrity rin na gaya niya?

“Sinasabi nila, mas mahirap ang showbiz. Pero actually, nasa tao lang talaga ’yon,” giit ni Mark bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN