Meryll Soriano reveals Italian boyfriend; admits: “Ramdam na ramdam ko sa kanya na babae ako.”

Meryll Soriano on her Italian boyfriend: “Italians are the most passionate men in the world! So, he’s very romantic. And he cooks for me. They’re very interesting. Kasi parang… it’s different because they don’t know me. They don’t know who I am. So, it’s a very different kind of experience for me. So, wala silang ideya kung sino ako. So, it makes you feel like more of a normal person. And sort of... it&


Labis na natutuwa si Meryll Soriano para sa kanyang uncle na si Mel Martinez sa pagbubukas nito ng sariling restaurant, ang Cusina ni Kambal, na matatagpuan sa Sct . Lozano St. corner Tomas Morato Ave., Quezon City.

Pahayag pa ni Meryll sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng resto last Wednesday lunch, “Hindi dahil pamilya kami. He’s a very hardworking person and he’s so talented.

“Gusto ko lang makakita siya ng break, and this is it! So, all of us are very proud of him.”

Kuwento naman ni Meryll, nong nakaraang taon lang raw nagsimula ng kanyang culinary interest si Mel.

Doon na raw nila pinush nang husto ang kanyang tito na laging nagluluto tuwing linggo sa kanilang family gathering.

Patuloy pang kuwento ni Meryll, “Last year when I was in London he called me. ’Can we FaceTime?’ And then kinuwento na niya na he wants to open up a restaurant? So, excited na excited ako.

“Habang nasa London ako, we brainstormed kung ano yung look and feel of the place.

“Yung logo ako rin ang nag-design.”

Nabanggit na rin lang ni Meryll ang London, ibinalita niyang maayos naman ang pag-aaral niya doon at masaya naman ang kanyang buhay doon bilang normal na tao na malayo sa mundo ng showbiz.

PRODUCT DESIGN COURSE. Dalawang taon na raw siyang naninirahan sa London kung saan Product Design ang kinukuha niyang kurso sa Central Saint Martins School of Art and Design. Apat na taon ang kanyang kurso at dalawa pang taon ang gugugulin niya para makapagtapos.

Paliwanag niya sa kurso, “Para siyang Industrial Design but focuses more on objects. I did my fashion [course] here but I didn’t take up fashion in London. I’ve decided to take up product design instead.

“Next year, ang gusto nila [school] we find the direction on what kind of designer we want to be. Gusto ko bang maging furniture designer? Gusto ko bang maging electronic designer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know yet what I want, because it’s a very broad kind of industry. And I’m very inspired with the first year of BA and I’m very inspired to try different things. So, hindi ko pa alam kung ano ang gusto ko.

“Pero I’m leaning towards furniture [design]. But, I still don’t know.”

Paano na ang pag-aartista mo?

“Of course, I’m still active. Now that I’m here summer break. I’m doing one episode for Once Upon a Time and I’m also doing a play for Sir Anton Juan called The Maids. And gusto ko ring gumawa ng pelikula habang nandito ako.

“And of course, meron pa kami ni Direk Brillante Mendoza, yung Sapi. We made Sapi last summer break pa. Kasama dito si Dennis Trillo and Baron Geisler.”

LIFE IN LONDON. Magtatatlong linggo na mula nang bumalik sa Pinas si Meryll mula sa London. Sa umpisa parang hindi raw siya makapaniwalang nasa Pinas na siya dahil parang naiba na naman ang takbo ng buhay niya dito kumpara doon.

Paano nga ba ang buhay niya sa London?

“So, gigising ako, maliligo tapos papasok. Maglalakad, nagku-commute, nagti-train, papasok sa school.

“Uuwi, magluluto, kakain, maghuhugas ng pinggan, maglalaba. Sobrang domesticated, sobrang independent, sobrang enjoy na enjoy ako.

“I think the biggest thrill for me is that every time I get to walk, commute, ride the train. Unang-una, maganda ang weather, walang pollution. Of course, no one knows me. Enjoy na enjoy ako doon.

“It’s a simple life,” masaya niyang kuwento, at nagningning ang mata niya sa excitement nang muli niyang maalala ang buhay sa abroad.

Plano na ni Meryll na magtrabaho sa susunod na balik niya sa London para raw masuportahan rin ang iba niyang pangangailangan.

ITALIAN BOYFRIEND. Tungkol naman sa kanyang lovelife, hindi itinanggi ni Meryll na meron siyang dini-date sa London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m seeing someone. He’s Italian.

“Okay naman. Yung dating namin just recently lang, e. I think we started dating each other like three months ago.

“Officially, one month ago na kami before I arrived here,” detalye niyang kuwento.

Komo nga naranasan na rin ni Meryll na magkaroon ng boyfriend na Pinoy, inalam namin sa kanya ang kaibahan ng pagkakaroon niya ng isang foreigner boyfriend?

Natatawang tumanggi muna ang aktres, “I don’t wanna go into details!” sabay tawa niya.

Paliwanag namin, iba kasi ang culture ng mga foreigners at iba rin ang upbringing nila kaya gusto naming malaman kung ano ang pagkakaiba nito sa mga Filipino lovers?

“They’re very interesting. Kasi parang…it’s different because they don’t know me. They don’t know who I am. So, it’s a very different kind of experience for me. So, wala silang ideya kung sino ako.

“So, it makes you feel like more of a normal person. And sort of... it’s more of a partnership.

“Kasi we’re both in the design course. So, we talk about art, we talk about things, not so much drama. I’m really enjoying and he’s very romantic.

“Well, he’s an Italian. Italians are the most passionate men in the world! So, he’s very romantic. And he cooks for me.

“Yes! Ramdam na ramdam ko sa kanya na babae ako,” sabay tawa niya.

BERNARD PALANCA. Pagdating sa ama ng kanyang anak, ang anim na taong gulang na si Elai o Elijah, ibinalita naman ni Meryll na nananatiling maayos ang samahan ng bata at ng ama nitong si Bernard Palanca.

“He’s okay. They spent Father’s Day together. So, I’m very happy na gano’n.”

Naiintindihan daw ni Meryll kung hindi ganap ang financial support ni Bernard sa kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, kababalik pa lang niya, e. So, I mean, I’ve never asked BJ [palayaw ni Bernard] for support.”

Paniniwala niyang sabi, “I see like this, it’s his responsibility. And for him to learn that he has to know it by heart.

“And I don’t want to force anything. What I would just love is for him to have a good relationship with my son. And that’s what most important.

“Gano’n din kasi ako lumaki, e. Hindi kami magkasama ng tatay ko. The lack of relationship will always become a problem when my son is grown up.

“But I would love for him [son] to have a good relationship with BJ, to have a good relationship with his family. Because, lagi kong... pag hindi sila nagkikita ipinapahatid ko, sinusundo nila. ’Coz I love BJ’s family.”

Habang nasa London ka, sino ang sumusuporta sa anak mo dito sa Pilipinas?

“Right now, it’s my Mom and my stepfather. And it’s very difficult. It’s a very difficult time for my family financially because I’m not working.

“That’s why I’m really happy pag-uwi ko this summer break, kasi I’m under Ricky Gallardo [talent manager], e.

“I’m really happy that I have work. At least, may maiiwan naman ako sa anak ko, bago ako umalis pabalik ng London,” dagdag pa niya.

Naka-schedule na bumalik ng London si Meryll sa huling linggo ng September kaya may panahon pa raw para makapagtrabaho siya dito bilang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN