Manny Pacquiao mulls presidential bid; gears up for next fight with Brandon Rios

Manny Pacquiao on the possibility of running for president: “When I started boxing, of course I was planning, you know and thinking about getting to become a champion. So when I enter politics it’s the same thing. But, you know, it’s far away. It’s God’s will.”


Pinag-iisipan daw ni Manny Pacquiao na tumakbo sa pagka-presidente ng Pilipinas kapag magre-retiro na siya sa boxing.

Sa exclusive interview ng Agence France-Presse sa Pambansang Kamao ngayong araw, July 28, "Yes" daw ang sinagot nito nang tanungin kung tinatarget ba niyang masungkit ang pinakamataas na political position sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Congressman Pacquiao, “When I started boxing, of course I was planning, you know and thinking about getting to become a champion. So when I enter politics it’s the same thing.”

Plano pa lang naman daw ito.

Saad pa niya, “But, you know, it’s far away. It’s God’s will.”

FOCUS ON TRAINING. Sa ngayon daw, nakatutok muna si Manny sa kanyang laban kay Brandon Rios sa darating na November 24 sa Macau.

Kahit daw dalawang sunod na talo na ang tinamo ni Manny sa dalawang magkasunod na laban nito, hindi naman daw naniniwala ang boksingero na matatalo siya sa ikatlong pagkakataon. Sinabi pa nitong “100 percent” sure daw siyang matatalo niya si Rios.

Aniya, “He’s OK but I can say he’s a greasy fighter and he loves to fight inside, he loves to fight toe-to-toe.”

Dagdag pa niya, “This is going to be a good fight—more action in the ring. Hopefully he won’t run away.”

Idiniin din ni Manny na “he is as fit as ever” at ipinagkibit-balikat din lang daw nito ang mga panawagan na mag-retiro na ito sa boksing.

Hindi rin daw naniniwala si Manny na matatalo siya ng mas batang si Rios.

Saad pa niya, “There’s a little bit of pressure for this fight but I believe in myself that I can still fight and improve. I still can knock somebody out in the ring.”

“I never think negative. I only think positive.”

Papatunayan daw niyang may ibubuga pa siya sa boxing ring para na rin sa mga kamag-anak na ayaw na siyang sumabak pa sa laban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad nito, “Especially my mother. My mother doesn’t want me to fight any more, she doesn’t like it. She wants me to focus on serving people.”

Magsisimula na ang training ni Manny sa susunod na buwan dito muna sa bansa.

Inamin naman ni Manny na hindi na siya bumabata pa pero sinabi nitong sobrang kondisyon siya sa ngayon.

Kuwento pa niya, “Of course, my mind is still there but I have to adjust a little bit of something in my body because I’m 34-years old. It’s different than if you compare it to when I was 25-years old.”

“I need to focus this training camp to maintain the speed, specifically the footwork.”

At sa tanong kung maisakatuparan pa ba ang sinasabing “dream clash” nila ni Floyd Mayweather, sagot niya, “I’ve stopped thinking about him because I don’t think he will fight me. I’ve been waiting four years already.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN