Alden Richards on playing young Robin Padilla in 10,000 Hours: “Ito na po ang masasabi kong pinaka nakaka-pressure na role... so far.”


Habang naghihintay ng schedule ng kanyang shooting para sa 10,000 Hours, naikundisyon na nang husto ni Alden Richards ang kanyang sarili.

Gaganap siya bilang young Senator Ping Lacson sa nasabing pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival this year at pagbibidahan ni Robin Padilla. Idirihe ito ni Joyce Bernal.

“Last week, nag-workshop ako,” kuwento nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars kanina, Linggo, July 28.

“Mahirap po for me na mag-portray bilang young Ping Lacson. Siyempre, we’ll be doing a film based on a true story.

“So, ’yon nga po… binigyan ako ng opportunity ng production na makapag-train ng fight scenes, paghawak at pagpapaputok ng baril, and…

“Nagri-reasearch din po akong mabuti ngayon para mapaghandaan ko nang lubos yung role.

“Sa mga training na ginawa ko, nahirapan po ako do’n sa gun. Kasi po ang gusto nila, ang normal kasi na hawak po ng baril ay sa right hand.

“E… kaliwete po ako. Sabi ko… hindi po ba natin puwedeng gawing sa kaliwa?

“Awkward daw pong tingnan sa screen kung left hand ang ipanghahawak ko sa baril.

“So, medyo mahirap po sa akin na bumaril using my right hand. Kasi mahina po yung reflexes, e.

“Ang naging madali naman po para sa akin na training ay yung sa stunts na merong forward roll. At saka yung stunts na required para mag-evade ng baril.

“Hindi mahirap sa akin ’yon pati yung tinatawag na footwork. Kasi dancer ako.

“’Yon po. Siguro po dahil sa pagiging dancer ko kaya madali lang sa akin yung gano’n. Pati yung mga tumbling-tumbling.”

RESEARCH. Tungkol naman daw sa research na ginagawa niya, sisikapin niyang maging very extensive na ang lahat na kinakailangan niyang information na makakatulong sa pag-portray ng role ay makuha niya.

Patuloy pa niya, “Yung setting po happened in 1986. So… hindi pa po Senador no’n si Mr. Ping Lacson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang inaaral ko ngayon ay yung background niya. And so far, challenging po kung ang pag-uusapan ay yung background ni Senator Ping.

“Kasi coming from isang pulis siya before. Na… yung acting don, yung approach do’n, hindi ko puwedeng gawing acting sa soap.

“So, ibang-iba po talaga ito.

“At base do’n sa na-reasearch ko na… parang sinu-sue siya sa isang kasalanang hindi niya ginawa.

“Ang ikinagulat ko lang po is talagang… tinakbuhan niya yung batas suing him.

“Pero knowing sa sarili niya na wala talaga siyang kasalanan, medyo ano iyon… delikado. Kasi ikaw, ang ipinaglalaban mo dito ay yung integrity mo, e.

“So… tinakbuhan niya yung case even though wala siyang proof na wala siyang kasalanan. Pero alam niya sa sarili niyang wala siyang kasalanan.

“But still, the government is suing him for that.

“So parang ako personally, on my part… hindi ko siguro gagawing takasan yung batas. Mahirap po kapag gano’n, e.”

GETTING INTO THE DETAILS. First time pa lang ni Alden na mag-portray ng isang true-to-life character. At hindi raw nga ito madali for him. Gano’n pa man, he finds it challenging.

“Especially po kung under the direction of Ms. Joyce Bernal. I’m sure, talagang hindi po puwedeng magpabaya sa lahat.

“Kasi naririnig ko rin sa mga production people na si Direk Joyce has the ano… eagle eye siya, e. Na ultimo small details, nakikita niya.

“So… medyo tense po ako. Pero… kakayanin.

“At ito na po ang masasabi kong pinaka nakaka-pressure na role... so far.

“Malayong-malayo po sa mga ginawa ko before.

“Iba, e. Ibang atake talaga ang kailangan dito,” pag-amin niya.

Na-meet na ba niya in person si Senator Ping?

“Hindi pa po. Gusto ko po sana. If ever na mabigyan ng chance. Sana nga po dumalaw siya sa set.

“Gusto ko siyang matanong tungkol sa… when he is being sued for that crime na hindi naman niya ginawa,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plano rin daw niyang manood ng mga news video footages ni Senator Ping para mapag-aralan kung paano ito kumilos. Malaki rin daw kasi ang maitutulong nito kung paano niya mas magagampanan nang maayos ang kanyang role.

“Pero napapanood ko na rin naman po siya sa TV dati when he wass doing speeches for the Senate.

“And… ang kailangan ko din sigurong aralin ay yung mga hand movements niya. Kasi kailangan ko talagang mailabas yung young Ping Lacson na character kapag ipinortray ko na ito,” saad niya.

Dahil isa sa MMFF entries para sa taong ito ang 10,00 Hours, hindi malayo ang posibilidad na kahit sa Best Supporting Actor category ay mapasama sa list of nominees si Alden. Ito’y kung mapagtatagumpayan nga ni Alden na magampanan nang maayos ang kanyang karakter dito.

“Sana nga po,” nangiting huling nasabi na lang ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN