Candy Pangilinan on the new breed of comedians: “Masaya yun—magkakaibang craft ng komedya.”

Hindi gaanong nababahala si Candy Pangilinan na hanggang ngayon ay wala pa siyang launching movie. Sabi niya: “Baka walang materyal, walang bagay sa akin. Wala akong... hindi pa ako... wala akong following. Sinasabi ko na nga lang sa sarili na kung hindi ko pa panahon, hindi pa talaga.”


Nag-host si Candy Pangilinan sa press launch ng 100 Most Beautiful Stars ng Yes! magazine noong July 25.

Kinagabihan, nag-presscon naman para sa latest offering ng Viva Films, Ang Huling Henya, kung saan supporting lead si Candy kay Ruffa Mae Quinto.

Sa ginanap na presscon sa Sir Boy’s Food Republic sa Panay Avenue, Quezon City, kinapanayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Candy.

Bungad na tanong ng press sa magaling na komedyana, bakit hindi pa siya nagkakaroon ng launching movie gayong matagal na rin siya sa industriya?

Pagtataka rin ni Candy, “Oo nga ano, ba’t nga ba?

“Actually, parang... noong tinanong ninyo sa akin ‘yan, dalawa ang naramdaman ko.

“Una ay natutuwa ako na naiisip ‘yan ng mga tao at na-a-acknowledge nila na siguro nga ay dapat na.

“Pangalawa ay nalungkot ako dahil, oo nga, ba’t hanggang ngayon ay wala pa, di ba?

“Kasi, madalas ay laging napapag-usapan, laging sinasabi sa akin pero hindi naman natutuloy. Ganoon.”

WAITING ON THE WINGS. Balik-tanong ulit namin sa kanya, ano sa palagay niya ang dahilan ng mabagal na pag-usad ng kanyang movie career.

“Yung totoo ay hindi ko po alam, hindi ko po alam,” sagot ng komedyana.

“Baka walang materyal, walang bagay sa akin. Wala akong... hindi pa ako... wala akong following.

“Honestly, naiisip ko rin ‘yan. Pero, hindi ko na lang masyadong ini-emote. Alam mo yun?”

Inspirasyon niya ang kanyang kaibigang si Eugene Domingo na matagal ding panahon ang ipinaghintay para maging isang bankable actress-comedian.

“Oo nga,” pagsang-ayon ng 41-year-old comedienne.

“Sabi ko nga kay Uge [palayaw ni Eugene], ‘Kaw na ‘te, phenomenal ka,’ te.’ I know it will come... I hope.

“I hope it will come soon, to be honest.

“Pero, nagpapasalamat pa rin ako na kahit wala pa ako sa puntong yun ay may work pa rin ako, more than anything else.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May trabaho, kumikita, importante yun sa akin, bilang may anak na rin.

“Pero siyempre, hindi ako magpapaka-plastic na hindi ko inaasam yun.

“Natutuwa talaga ako na naiisip ninyo pa rin pala yun.”

SOCIALLY-RESPONSIBLE COMEDY. Sa henerasyon ngayon, marami na talaga ang nagsulputang mga komedyante na ang iba ay mas sikat pa sa kanya ngayon.

Ano ang masasabi niya rito?

“Sa akin, masaya yun, e. Lahat naman tayo ay may place dito, di ba?” aniya.

“Masaya yun—magkakaibang craft ng komedya.

“Mas maraming tao na napapasaya, mas nagiging matalino ang mga tao sa kanilang choices, hindi ba masaya yun?

“Mas marami nang channels ang komedya ngayon, marami nang mukha—pero mas marami na ring problema.”

Ano ang opinyon niya sa sinasabi na ang brand of comedy na napapanood sa comedy bars ay naipapasok na sa telebisyon at pelikula, at marami ang nagre-react?

Aniya, “Ako, sa totoo lang, wala pa naman akong nakikita o napapanood para kailangang mag-react ako.

“Pero, it’s also a warning for all of us na, no matter what, you have a social responsibility na yung patawa ay kailangan may laman din naman.

“Na pag-uwi sa bahay ay hindi nasisira ang mood ng pamilya—ang values na masaya lang, pero kailangan maging positibo rin.”

WORKING STEADILY. Tinatanggap ni Candy ang realidad na ang pagiging bida ngayon ay maaaring malaos kinalaunan.

Hinggil sa mga supporting actors naman, kahit hindi lumaki ang kanilang pangalan, hindi sila nauubusan ng mga proyektong pinagkakaabalahan.

Pagsang-ayon niya, “Oo. Iisipin mo rin na ganoon, pero gusto ko rin siyempre na may launching movie din sana. Totoo yun.

“Sinasabi ko na nga lang sa sarili na kung hindi ko pa panahon, hindi pa talaga.

“Pero, oo, maganda rin yung kahit hindi ka talaga bida, basta tuluy-tuloy ang trabaho, ganoon na lang siguro.”

ON INTRIGUE, SPEAKING CANDIDLY. Sa “Question and Answer” portion ng presscon, bago pa nakausap ng PEP si Candy, naitanong na sa kanya ang intrigang sinabi niya raw na ayaw niyang makatrabaho si Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyang-linaw ito ng comedienne.

“Wala, wala yun, wala talaga. Wala, walang ganoon,” mariing pagtanggi niya.

“Tinext ko nga siya [Uge], sabi ko, ‘Ano ba yun?’”

Tapos, naikuwento na niya ang mahabang pinagsamahan nila ng isa sa pinakasikat na komedyana ngayon at kung ano ang nararamdaman niya sa success ng kaibigan.

Kuwento niya, “Magkasama na kami ni Uge since college pa... sa theater magkasama na kami.

“Sa bahay siya natutulog parati, kumbaga, very close sila ng Mommy ko.

“I’m very happy for her, sincerely, masaya ako for her. Natutuwa ako para sa kanya, para sa pamilya niya.

“Kasi, di ba, dapat masaya ka kapag ang kaibigan mo ay masaya at maraming natatanggap?

“Hindi ko alam kung bakit may ganoong isyu.

“Kasi nga, kung meron kang insecurity, hindi yun dahil sa ibang tao kundi sa sarili mo mismo—kung ano ang pagkukulang mo.”

Ano nga ba, sa palagay niya, ang kulang pa sa kanya?

Napa-isip muna si Candy. Tapos, sabi niya, “Pag-iisipan ko ‘yan bago ako sumagot. Sa totoo lang, hindi ko alam.

“Sabi nga nila sa akin, ‘Naku, Candy, kailangan magsulat ka ng konsepto mo.’

“O, baka dahil sa dire-diretso ang trabaho ko, na hindi ko na naiisip yun... baka yun ‘yun.

“Hindi ko alam, siguro, wala ding nagpu-push.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN