JC de Vera is now a Kapamilya; gets new talent manager

Isa nang Kapamilya ang young actor na si JC de Vera matapos siyang pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN ngayong araw, July 29.


Nagsimula bilang Kapuso, naging Kapatid, ngayon ay isa nang Kapamilya ang young actor na si JC de Vera.

Ito ay matapos pumirma ng two-year-contract si JC sa ABS-CBN ngayong araw, July 29.

Present sa contract signing kanina ang top executives ng ABS-CBN na sina Charo Santos-Concio (president and CEO), Cory Vidanes (broadcast head), Deo Endrinal (business unit head), at Laurenti Dyogi (TV production head).

Sinamahan naman si JC ng kanyang handler na si Necie Concio, na nag-represent sa bagong talent manager ng young actor na si Leo Dominguez.

“Admittedly, I am nervous and I am very overwhelmed because it’s a dream come true to be a Kapamilya,” sabi ni JC tungkol sa pagiging isa nang Kapamilya niya.

Ayon pa sa panayam sa 27-year-old actor, magsisimula na siyang mag-taping para sa kanyang unang teleserye bilang isang Kapamilya sa Agosto.

Bukas din daw siyang gawin ang anumang klaseng role mapa-drama, action o comedy.

“I am very willing to do all the projects the management will offer,” sabi niya.

Nagsimula ang career ni JC sa showbiz noong 2003 bilang talent ng GMA-7, kung saan nanatili siya hanggang 2010.

Ngunit dahil sa pagkakasangkot niya sa alitan ng kanyang dating manager na si Annabelle Rama at ng dating GMA-7 executive na si Wilma Galvante ay inilipat siya sa bakuran ng TV5 noong 2010, at nanatili roon hanggang ngayong Hunyo.

Ang huli niyang proyekto bilang isang Kapatid ay ang Cassandra.

Nang magtapos ang kontrata niya sa TV5 ay nagdesisyon din si JC na kumalas na sa pangangalaga ni Annabelle.

Kasunod nito ang paglipat niya sa poder ni Leo Dominguez at pagpirma na nga ng kontrata sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN